🔯 Black 12

10K 385 29
                                    

The second update is here since black saturday and wala akong magawa kaya eto update na, bukas mag a-update ulit ako. Enjoy kayo~

ENJOY READING...

Pinagpahinga muna kami ni kuya Jared bago pa man kami pumunta sa kung saan kami dapat pumunta. After ng revaluation noong isang gabi ay pinagpahinga nya kami as in wala talaga kaming ginawa. Hindi kami nag concoct, pero pumasok kami sa class at kinasaya naman ng classmates namin.

Aira is having a hard time being a leader but it makes her complete naman daw. Kayang kaya naman nyang pasunurin ang lahat at may trip pa nga ang class 2-1 eh.

"Hindi ko talaga maisip yang trip na binabalak ng classmates natin." Tumingin ako kay Yana na busy sa pag iimpake sa back pack nya.

"Kahit naman ako Yanyan biruin nyo magtatayo sila ng stall and not just one but more that ten tapos after pa ng exam."

"Wala namang masama dun Kass." Sabi ko at nilagay ang mga dapat ilagay. "Kaya nila ginawa yun dahil stress na ang mga students sa mga hands on and paper test kaya di ko na rin masisisi si kuya Jared kung iapprove nya ang trip na yun and also hindi naman sila lalabas ngs school kaya okay lang."

"May point ka jan."

"Hey guys." Tumingin kami kay Min at nakatingin din naman sya sa amin. "What if hingian natin ng pondo sila Aira kay kuya Jared? Wala tayo doon and kailangan nila ng support from materials to everything they needed. Parang yun na ang magiging ambag natin."

Napaisip naman ako. "Pwede din naman yan pero hindi ako sure kung malaki laki ba ang ibibigay ni kuya Jared sa kanila."

"I guess may paraan tayo jan." This time si Jullia naman ang tiningnan namin. "Tanda nyo may fund tayo? And not all of them nagagamit natin. For example those trillion money na nakuha natin sa auction pwede naman natin hingiin kahit one million lang di ba?"

Ngumiti ako. "I will approve that."

"Hahaha of course iaapprove mo." And she flipped her hair.

"Sabunutan ka nyan ni Kesia sige ka." Nag tongue out lang naman si Jullia kay Kass at natawa naman kami nila Yana at Min.

"Since hindi pa naman tayo aalis ngayon and why don't we visit them?" I ask and they grin at me.

"Hindi mo ko mapapahindi jan." -Yana

"Same here." -Min

"Magpapahuli pa ba kami ni Jullia?"

"Syempre hindi!"

I giggled.

***

"Hiiiii~"

Syempre mabait ako hindi ako ang sumigay kundi sila Kass at Jullia lang sama mo na rin pala sila Yana at Min na may paaction action pa.

"Anong trip nyo?" Naiiling na sabi ni Aira at tumawa lang ako.

"Trip nilang magmukhang tanga. "

"Ay grabe si number two sa atin guys oh." -Yana.

"Hindi ko alam kung bakit sya ang deputy commander in command natin." -Min.

"Mga gaga syempre sya ang number two malamang sya ang deputy!" -Jullia.

Nailing na lang ako sa trip nila at naupo sa empty chair. Namiss ko to ah.

"So bakit kayo nandito?" Tanong ng isang classmate namin.

"Wala lang naisip namin na since hindi kami makakasali jan sa mga balak nyo after exam mas okay siguro na tumulong kami sa pagplano." Nakangiti ko namang sagot at nagulat sila, syempre ramdam ko rin naman na welcome kami sa kanila. "Okay lang ba?"

Mint Academy 2: Black OrganizationWhere stories live. Discover now