🔯 Black 41

7.2K 284 1
                                    

Hindi naging maganda ang vacation namin at wala na rin naman atang balak ang Maldives na kunin kami as their tourists!

Buti na lang talaga hindi ito ang real name namin kung hindi baka mamaya maglumpasay ako sa kahihiyan buti na lang talaga!

"Bakit ba kasi sumama sama pa ako sa inyo ayan tuloy na banned din ako sa Maldives!" Inis na sabi ni Bea sa van habang nabyahe kami papunta sa company.

"Hoy tinanong ka namin noon bago pa umalis kung sasama ka pa rin ba o hindi pero ano? Sumama ka pa rin!" Inis na sabi ni Min. "At malay ba namin na baka ikaw ang may dahilan ng assassination na yun!"

"Don't blame me for that! Hindi ako ang may gawa nun! Bakit ko ba naman isasama ang sarili ko di ba?"

"Pwede tahimik?" Inis na sabi ko at natahimik naman si Bea. Mukha atang natameme ang babaeng to, natakot? "Kanina pa kayo nag aaway at ngayon pa ba kayo mag aaway kung kelan pinapatawag na tayo ni Sir Black at tatanungin sa nangyari? Ngayon pa ba kayo mag aaway at hindi mag iisip kung ano ang pwedeng mangyari?"

Walang sumagot.

Wala kaming alam kung bakit kami pinapatawag ni Mister Black pero ang hinala ko talaga may kinalaman to sa nangyari sa Maldives.

***

"Have a seat guys."

Ramdam ko ang suspicion ni Mister Black sa amin at ramdam ko rin na hindi maganda ang magiging kalalagyan namin sa usapang ito.

"Sir Black bakit po pinapunta nyo po kami kaagad dito at hindi po kami pinagpahinga?" Minsan may maganda ding nagagawa tong bibig ni Min eh.

"Miss Jade." Napaupo naman ng matino si Min at di ko alam kung natatakot ba sya or what.

Siguro need ko na buksan ang ability ko ngayon.

"Yes?"

"Hindi nyo ba alam na pinahiya nyo ang company na to?!" Ow. Galit si Mister Black. "Pinahiya nyo ito sa pagpatay sa mga taong yun!"

"What? Sir Black that is not what happened!" Gulat na sabi ni Bea. "Look Sir they are the one whom wanted to kill us!"

"Miss Beandi!" Natahimik naman si Bea at hindi na nagsalita. "Alam mo ba yang sinasabi mo ha?! Alam mo ba na hindi pa rin naging maganda ang kinalabasan?! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa grupo nyo!" Sigaw nya pa.

Uh-oh.

"Sir Black. Why?" Tanong ko at napatingin naman sya sakin na nakakunot ang noo. "Ikaw ang nagpadala sa kanila di ba? Ikaw ang may gustong patayin kami di ba? Why Sir Black? Loyal naman kami sayo ah!"

Nakarinig kami ng tawa at isang nakakatakot na tawa. Siguro mas okay sana na hindi na lang ako nagtanong minsan talaga tong utak ko hindi gumagana.

"Loyal? Look hindi ko naman alam na magiging loyal kayo sa akin!" Hindi kami nagsalita dahil di naman talaga kami loyal sa kanya. "Pinagkatiwalaan ko kayo at kayo lang din naman ang sumira sa tiwala ko!"

"Huh?" Yan na lang ang nasabi namin.

"ALAM KO NA MAY IBA PA KAYONG PINUPUNTAHAN! ALAM KO NA HINDI TALAGA KAYO LOYAL SA AKIN! ALAM KO NA HINDI TALAGA TRABAHO ANG GUSTO NYO SA KOMPANYA KO!"

"Sir Black? Imposible naman po ata yang binibintang nyo sa amin."  Sabi ko at tumingin sa mga kaibigan ko. "Wala naman kaming ibang pupuntahan at isa pa bakit po mas inaalala nyo ang ginagawa at pinupuntahan namin hindi nyo po ba kami tatanungin kung kumusta kami? Hello Sir Black we almost died!"

Kahit nandito ang boys pinigilan namin sila magsalita. Alam naman kasi namin na kaya naming lusugan to.

"Tama si Charmaine Sir! Wala kaming ibang ginagawa at muntik na kami mamatay!" Agad naman na sabi ni Bea.

Mukha atang nakalimutan nya na naiinis sya sa amin but then again wala naman syang magagawa kung magsasarili sya sa pagligtas ng sarili nya. Hindi nya rin naman kakayanin and medyo matalino din sya, alam nya na maghihinala si Sir Black once na magsarili sya ng pagligtas.

"Muntik na mamatay?"

Napataas naman ang kilay ko. "Sir Black don't tell me na hindi mo alam? Yung mga pumunta sa cottage namin noong nasa Maldives pa kami nakasuot sila ng badge na para sa outsider."

"Ano!?"

"Sa ayaw o sa gusto mo sir may mag iinform na sa amin kung anong klaseng trabaho ang gagawin namin." Yana said and tinanguan naman ito ni Min.

"Sir wala kaming ginagawang masama and  we all loyal to you."

Loyal? Ew Min ah sayo pa talaga nanggaling yan.

Kahit na ayaw maniwala ni Sir Black wala syang nagawa kundi ang maniwala. Bakit nga ba hindi? Nakakuha na sya ng loyal KUNO na tao.

"Loyal?" May halong hindi pagkapaniwalang sabi ni Mister Black at parang gusto ko isampal sa mukha nya ang salitang yan.

Kay Marvin lang ako loyal pati na rin sa Mint Academy at sa pamilya at kaibigan ko. Pero sayo? Oh please don't me.

"Yes sir." Parang gusto ko ata sumuka sa sinabi ko. "Hindi naman namin gagawin ang mga bagay na ayaw mo lalo pa at ngayon na nakapasok kami sa kalooban ng kompanya. Sasayangin pa ba namin? Sir kami ang tipo nang tao na hindi marunong makialam." Dagdag ko pa.

Siguro kung maririnig to ng kuya ko baka nabatukan na ako. Ako hindi daw nakikialam? Oh come on baka ihagis ako nun sa ilog.

"Siguraduhin nyo lang."

"Pero sir may isa lang kaming hiling." Dinig kong sabi ni Yana at napatingin kami sa kanya "Sana lang mabigyan nyo kami ng hustisya. Muntik na kaming mamatay Sir kaya sana po mahanap nyo kung sino ang gustong magpapatay sa amin."

Naramdaman ko naman ang kakaiba sa pakiramdam ni Mister Black para bang gusto nya nang kumawala. What I mean is sya ang may gustong pumatay sa amin. Dont worry Mister Black kami mismo ang bibili ng kabaong mo kapag napatay ka na namin at itatapon ka na lang namin kasama ang mga bangkay na tinapon nyo.

Alam kong hindi maganda itong naiisip ko pero wala na akong maggagawa pa. It's do or die. Hindi naman kami pwedeng magpatalo sa kanila. Isa kaming Verdant at hinding hindi kami pwedeng magpatalo, marami ang umaasa sa amin.

Napabuntong hininga na lang kami nang makaalis si Sir Black at umalis na rin si Bea kaya naman kami na lang ang naiwan sa loob.

"I think we really should have an extra precaution. Hindi maganda ang lagay natin dito." I said and they nod.

Mint Academy 2: Black OrganizationWhere stories live. Discover now