🔯 Black 52

8.9K 400 52
                                    

Last chapter!!!! Hahaha epilogue na lang ang ilalagay ko!!

THANK YOU FOR READING!!!

A week after mailibing ni Victor ay hindi na muna nagkita kita ang mga verdant maliban na lang kila Akesia, Alyana, Jasmin, Kassey at Jullia.

Naging tahimik ang buhay nila nang isang linggo at nagambala na naman sa narinig nilang balita at usap usapan. Naglalakad silang lima sa hallway nang makarinig ng usapan ng lower year.

"What? Si Senior Ange magdadrop out?"

"Sayang naman isa pa naman sya sa hinahangaan ko."

"Ang galing pa naman nya sa computer."

"Bakit kaya? Ano kayang nangyari?"

"Sshh."

At naramdaman ko naman ang tingin nilang lahat. Hindi kami nagpahalata na nagulat kami sa mga narinig namin at nagpanggap kami na alam namin.

Pagdating namin sa laboratory wala doon si Henry kaya naman napaupo na lang ako ng marahas.

"This is all my fault." I said and they look at me.

"Sino naman nagsabi sayo nyan?"

"Tama si Yana wala namang naninisi sayo sa nangyari." Dagdag naman ni Min.

"Look, Kesh. Hindi mo naman kailangan sarilinin ang sisi at mas lalo namang hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo." dinig ko namang sabi bi Kass.

"Right and even Ange, hindi ka nya sinisisi kaya please lang dont blame yourself."

"Pero kasalanan ko kasi ang lahat Julls!" I said and pinigilan ang luha ko. "Right? Kasalanan ko! Kung hindi sana ako nagmatiga-"

"KESH!" Napatingin ako kay Yana at naluha na lang ako. "Kesh wala kaming pakialam kung para sayo palpak ang plano mo. Wala kaming paki kasi at least buhay ang karamihan sa atin! Oo nawalan tayo ng isa at mawawalan ulit ng isa pero Kesh hindi mo naman kailangan sisihin ang sarili mo!"

"Right and hindi mo na rin naman kailangan mag sorry sa akin." Tumingin ako kay Min. "Kasalanan ko rin na hindi ko inalam kung sino talaga si Dereck. Kasalanan ko rin na hindi ko pa sya kinilala ng husto ng magkita kami. Oo aaminin ko nasaktan ako but that is life, Kesh. We promised forever in a world where even life is temporary."

"Kesh." This time kay Jullia naman ako napatingin. "Hold yourself okay? Magiging magsister in law pa tayo okay?" Namula naman ako sa sinabi nya kahit na naiiyak ako.
"Seriously Kesh? Noong mga nakaraan akala namin masokista ka na. We never saw you cried or even suffer but now? You look like a baby." Napangiwi naman ako kay Kass. "But then we're thankful." Tinitigan ko sya and she smiled at me. "Siguro kung nagpakita ka rin ng kahinaan sa amin that time baka sumuko na rin kami. Thank you kasi hindi ka nagpakita sa amin ng kahinaan kahit na nasasaktan, napapagod at gusto mo nang sumuko. You're one of the best leader we have."

"I think kailangan na natin mag aral." Napatingin naman ako kay Yana. "Guys we missed a lot of exams, quizzes and actual. Sabi ni kuya Jared next month exam na natin."

Napanganga naman kami sa sinabi ni Yana at hindi namin akalain na kailangan pa pala namin mag exam. Oh well dito masusukat kung ano ang natutunan namin hindi yung KUNG ANO ang narating namin. Besides score is just a number.

"Goodness kailangan na naman ba natin magsunog ng kilay?" Naiiyak na tanong ni Min.

"I guess the three of you really need it." Nakangising sabi ni Kass.

"Wow. Nakakainggit naman kayo Julls and Kass porque natural lang sa inyo mag memorize, mag analyze and so on." At saka ako nag pout.

"Oy baka nakakalimutan nyo wala kayo sa rank nyo kung hindi din dahil jan sa utak nyo." Naiiling na sabi ni Jullia. "Anyway next month na din magkakaroon ng verdant ang first year. Baka magbago din ang verdant ng second and third."

Mint Academy 2: Black OrganizationHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin