🔯 Black 45

7.2K 290 28
                                    

Extra chapter~

ENJOY READING MINTERS!!!!

Alyana's Point of View

Isang araw na simula noong huli kong makausap si Kesia gamit ang ability nya at kung tutuusin hindi lang naman talaga ako nakakulong.

Habang naglalakad ako noong nakaraang araw nagtanim na ako ng mga buto sa bawat dinadaanan namin kaya kahit na makapunta dito sila Kesia alam nila kung saan ako hahanapin. Nagplant na rin ako ng mga buto for emergency purposes and for attack puporses.

Hindi naman ako papasok dito kung wala akong plan B dahil na rin kay Akesia kaya natuto ako na magkaroon ng iba't ibang plano.

"Hey!"

Napangiwi naman ako ng maramdaman ko ang sipa sa katawan ko. Goodness anong klase ba tong ginagawa nila? Ang sakit na ng katawan ko ah!

Tiningnan ko lang ang sumipa sa akin at hindi sya sinagot saka sya nagsalita ulit.

Hinawakan nya ang buhok ko, bruha ka once na makawala ako dito tatanggalan talaga kita ng buhok!

"Magsalita ka na kasi para hindi ka na masaktan pa!" Inis na sabi nito sa amin at ngumisi lang naman ako. "Ah ganun ayaw mo pa rin magsalita ah!"

Hinampas nya ang ulo ko sa may pader kaya medyo naman umikot ang mundo ko. Akala ko kay Henry lang iikot ang mundo ko pati rin pala sa pag untog sa akin.

"Kapag hindi ka nagsalita kung ano ang mga sangkap ng mga pills na ginagawa nyo hindi ako titigil na saktan ka!"

"Edi saktan mo. As if naman ibibigay ko sayo.  Ha! Asa naman kayo."

Isang malutong na sampal ang nakuha ko pero dinura ko lang naman ang dugo na nalasahan ko sa labi ko.

"Magmamakaawa ka rin! Ibibigay mo rin sa akin yan!"

Hindi ko talaga alam kung bakit patay na patay silang malaman ang sangkap namin. Para saan pa? Alam na naman ng lahat na sa amin galing ang gamot na iyon.

***

Akesia's Point of View

Tahimik lang kami na nakatingin sa isa't isa. Nasa dorm kami at kasama namin ang classmates namin. Alam na rin nila ang nangyayari sa amin at naiinis din sila sa organization kaya medyo nagbago din ang pakikitungo nila kay Joshua nang malaman nila na isa sya sa myembro nito.

"Look hindi naman talaga tayo iisahan ni Josh eh." Naiiyak na sabi ni Arlene pero hindi pa rin ako nagsalita.

"Lene! Oo para sayo madali na lang sabihin yan, para sayo kilala mo na sya pero sa amin Lene? Hindi mo kami masisisi dahil hindi namin sya kilala." -Aira.

"Wow Ai kanina lang parang tuwang tuwa ka kay Josh tapos nang malamab mo na isa sya sa myembro ng organization eh nagbago ka na!" inis naman na sabi ni Lene.

"Stop." Dinig naming sabi ni Henry. "I wanted you to help us to save Yana, kung okay lang sa inyo. Saka na natin problemahin yang si Joshua. Once na may ginawa syang masama nanjan naman si Mark at Min para pigilan sya."

"Min? Marunong ka mag martial arts?" Napangisi naman si Min.

"No pero tinuruan ako ni Mark, I have my own ways also." And nag nod naman ang lahat.

Lumabas ako para mapag isip isip at hindi naman sila nagsalita doon saka sila nag usap kung ano ang dapat nilang gawin. Totoo hindi na nga namin kaya na kami kami lang kahit na sabihin pa na may kapangyarihan kami.

Marami sila at iilan lang kami, pito to be specific. Tapos sila? Mahigit ilang libo.

"Okay ka lang?" Tiningnan ko si Marvin at naupo naman sya sa tabi ko. "What's the problem?"

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Marv." Saka ako tumingin sa kanya. "Gusto kong maniwala kay Arlene, Jullia at Ange na iba si Joshua sa tao sa mga organization, na hindi sya gaya ng iba. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasan na hindi magduda."

"Ano ba kasing problema, Kesia?" Lumingon kami parehas at nakita namin si Arlene. "Mabait si Joshua at totoo ang sinasabi namin."

"I'm sorry Lene gustuhin ko mang maniwala but I cant."

"Friend ba talaga kita Kesh?" Hindi ako nagsalita at nakita ko na syang lumuluha. "Kaibihan ba kita Kesh!?"

"Oo Lene! Kaibigan mo ako kaya nga hindi ko magawang mapanatag kay Joshua dahil alam ko na may chance na masaktan ka!"

"Pero Kesh sa lahat ng tao na kilala ko ikaw ang nakakaalam na once na nagmahal ka masasaktan ka. Gaya ng nangyari sa inyo ni Marvin hindi ba?"

"Pero hindi mo naiintindihan! Magkaiba ang amin sa inyo."

"IPAINTINDI MO KESIA!" Naramdaman ko na may mga nakatingin na sa amin, our classmates. "IPAINTINDI MO KESIA KASI GULONG GULO NA AKO! GUSTO KO MATANGGAP NYO SI JOSHUA. GUSTO KO NA MAGKAROON NG KAGAYA NG SA INYO! DI BA SABI NYO SA AKIN DATI MAGKAKAROON AKO NG LALAKING MAMAHALIN AKO AT MAMAHALIN KO? DUMATING NA SYA KESH AALISIN MO PA BA?"

Hindi ako makapagsalita. Ayoko na masaktan sya.

"Alam mo ba kung bakit hindi ko magawang maniwala? He once sent me in danger! Sabi nya sa akin dati na may ipapaayos lang si Sir Black but the fact is naghahanap sya ng dahilan para mapaalis ako!"

"IT'S BECAUSE HE KNEW THAT YOU WE'RE UP TO NO GOOD! ALAM NYA NA HINDI MAGANDA ANG MANGYAYARI KAYA GUSTO NYA UMALIS KAYO."

"DAHIL GUSTO NYA MAKUHA LAHAT ARLENE!" sigaw ko rin at nagulat naman sya. "I'm sorry. I don't want to talk about this kung hindi nya mapapatunayan na loyal sya sayo. And I assure you Arlene once na may ginawa sya..." Lumapit ako sa kanya at binulong ang salitang.. "I will not a second thought of killing him. He better loved you or else kahit magalit ka pa, I'll kill him."

"You change a lot, Kesh."

"Yes. I change to protect you all."

"But you can't protect us like what happened to Yana."

Mint Academy 2: Black OrganizationWhere stories live. Discover now