🔯 Black 22

8.7K 298 11
                                    

Monday.

Nasa harap na ako ng opisina ng tumawag sa akin at kakatapos lang ng interview ko isa lang naman ang masasabi ko. WALANG KWENTA. Hmp! Siguro dahil sa alam ko na kunh ano ang kayang gawin ng mga tao dito kaya para sa akin baliwala na ito.

Siguro sa iba masasabing isang magandang trabaho ang nakuha nila pero di nila alam nilalagay na pala nila sa hukay ang isa sa mga paa nila. Hindi man lang na iisip ang mga tao dito ang iba puro lang nila sarili. 

Nakakawalang gana.

May mahahanap kaya kaming may paki man lang sa iba sa lugar na gaya nito? Parang wala naman ata.

"Hey natanggap ka na rin?" 

Napatingin ako sa harap ng table ko at nakita ko si Luisa. 

Aka, YANA.

"Oo noong friday lang ako tinawagan ikaw?" Tanong ko na kunwari mga baguhan lang talaga kami at hindi talaga magkakakilala.

Casual lang ang usapan namin at hindi naman siguro nila mahahalata na magkakilala talaga kami.

Marami ang mga nakatingin na mata sa amin and siguro minamanmanan na nila kami sa mga gagawin namin. Mukhang hindi naman ata kami madadalian sa misyong ito dahil kapag nahuli kami patay na.

Patay na sila hindi kami.

"The day we apply." Sagot nito. "Si Jade and si Rose nandito rin tinawagan din sila after the day na nag apply tayo." Nag nod naman ako.

Jade aka Jasmin and Rose aka Kass. Oh di ba syempre hindi naman pwede na gamitin namin ang tunay namin na pangalan common sense naman di ba? Dapat pipili kami ng name na sobrang layo sa real name namin. 

Charmaine ang ginamit kong pangalan.

"Ang daya naman bakit kaya ako inabot ng isang linggo bago nila tawagan?" Syempre kunwari nagtataka at nagtatampo pero wala naman talaga akong pakialam. "Pero hayaan na at least natanggap na rin naman ako."

"Hey you're here." Napatingin naman kami sa likod ko at nakita ko si Min na kasama si Kass. I mean si Jade at Rose.

"Hey, kaka-start ko nga lang now eh."

"Aah."

Nag start na rin naman kami gumawa ng trabaho namin. Normal lang naman, parang normal documents lang ang hawak ko pero kung iintindihin naman ng maiigi kakaiba. Nakaupo lang kami at ang iba naman patakbo takbo, yung iba naman sobrang seryoso na hindi naman namin maintindihan. Ni hindi nga kami pinapaalis sa table namin not until noong nag break time na.

***

1 day.

2 days.

1 week.

2 weeks.

1 month.

1 month na ang nakalilipas medyo naman nakakaadjust na kami sa loob ng organization and medyo medyo pinagkakatiwalaan na rin naman kami. Yana or Luisa is now one of the higher document holder same sila ni Kass kami naman ni Min or Jade nasa office ng mga matataas at nagseserve ng tea lalo na kapag may mga meeting and yun ang pinaka gusto namin ni Min.

Marami rami na ang nakuha naming ebidensya pero di pa rin sapat para pabagsakin ang buong kumpanya. The plan A was failed same with B and C kaya naman nasa plan D na kami  now and to be frank hindi maganda ang nagiging lagay namin dito.

Henry and Marvin was already a part of organization last week at medyo hindi sila sanay sa nangyayari si Mark naman and si Victor naging guard. Ewan ko ba kung anong trip nila.

Mint Academy 2: Black OrganizationDär berättelser lever. Upptäck nu