Linzie Devin Roncal's POV
Patuloy ang pag-agos ng mga luha sa aking mata. Hindi ko malaman kung bakit ito patuloy sa pag-agos. Nanatiling blangko ang mukha ng lalaking nakatayo sa aking harapan. Patuloy ang bulungan ang aking narinig.
Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ang pagbuhos ng ulan. Lahat sila ay nagtaka kung bakit umulan, maski ako ay nagtataka rin.
"Why are you crying?", tanong ng lalaking nasa harap ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko na patuloy sa pagtulo. Hindi ko sya sinagot at naglakad na papunta sa aking upuan. Yumuko na lang ako upang maibsan ang kahihiyan.
'Lintek na luha! Kailan pa ako umiyak ng ganto?!'
"Mr. Shin! You're being arrogant again!", rinig ko pang banggit ng guro.
Naramdaman kong may tumapik sa akin kaya nag-angat ako ng ulo. Bumungad sa akin ang panyo na galing kay Rose. Tiningnan ko sya at nginitian nya lang ako.
"Uy, Linzie...maya mo ichika sa akin kung bakit ka umiyak.", bulong ni Rose sa akin.
Ni hindi ko nga alam king bakit ako umiyak eh, tapos tatanungin nya ako kung bakit ako umiyak.
'Bakit feeling ko, napakasakit nung makita ko ang lalaking iyon?'
Iyon ba ang dahilan kung bakit ako umiyak? Kung iyon nga, bakit nakakaramdam ako ng sakit?
"Tsk.", asik nung lalaking kakadating lang.
Napatingin ako sa kanya, blangko at walang ekspresyon ang mukha nya. Hindi nya pinansin ang mga babaeng halos tumili dahil sa hagikgikan. Marahas itong umupo sa upuan niya at doon nya sinalpak ang earphones nya sa tenga nya.
"Attention class!-----', hindi na naman natuloy ang guro sa pagsasalita ng pumasok ang tatlo pang lalaki.
"Good Morning Ma'am! ", bati pa nung kulay red ang buhok habang nakangisi.
"Kayong apat! Tumayo kayo dito. Introduce your name to your classmates.", gigil na banggit ng guro.
Walang galang na tumayo ang apat sa harap habang ang mga kaklase namin ay titig na titig sa kanila. Kahit lalaki ay ganoon rin.
"Hi classmates! Ailered Vante is my name, 17. My type of charm is Divine Charm, I have the Illusionist which is my ability. And Fire is my element.",
Pagpakilala ng may genuine na ngiti sa kanila, yung kulay red ang buhok. Sunod na nagpakilala yung kulay gray ang buhok.
"James Mico Park, 17. Divine Charm. My ability is Conjurer and my element is Air."
"Suga Minerva, 18. Divine Charm, Objurist. And the element is Earth.", sabi ng nakagreen na buhok.
Pagkatapos nung tatlo na magpakilala, yung lalaki na black na ang sunod. Sa kanilang apat sya ang may itim na itim na mata para kang malulunod oras na tinitigan mo iyon.
"Black Xymon Shin.", maikling sabi nito habang nakatingin sa akin.
Sa hindi malamang dahilan ay natigil ang ulan at napalitan ng maitim na kapaligiran. Nagpanic ang iba dahil unti-unting sinakop ng dilim ang buong silid. Kahit sa labas ay madilim.
Muling pumatak ang luha ko kasabay ng pagbulong na.....
"Please stop this....Black."
Hindi ko alam kung anong-ano ang mga pinagsasabi ko. Pero ito ang naging dahilan ng pagliwanag ulit. Ang mata nyang nakatingin sa akin ay nilihis nya. Feeling ko nakilala ko na sya noon.
YOU ARE READING
MAGITASSIAN WORLD: The Lost FALLEN ANGEL
FantasySeven Guardians with different powers. Four Bad Girls who broke the CRYSTAL TEARS. One person has the cursed power. And one world that make your dreams magical. But one thing is happened a decade ago, The Lost Fallen Angel is missing. Seven Guardian...