Chapter 30: Cupid's Plan

304 11 18
                                    

Suga Minerva's POV
(The Untold Scene: The Guardian of the Earth's POV)

"Whuy! Gumising ka nga! Pinapatawag tayo ng mahal na reyna!"

Bigla akong naalimpungatan dahil sa narinig kong boses. Nanatili akong nakapikit at di sya pinansin. Alam naman nila na ayaw kong naiistorbo sa tulog eh.

"Suga!!! Foota! Gumising ka nga mayayari tayo nito kay tanda eh!"

Sigaw na naman nya kaya napaupo ako ng wala sa oras. Agad akong napatingin sa orasan at doon ko napagtanto na late na ako ng gising. Nalintikan na!

"T*ngina! Ba't ngayon mo lang ako ginising?!!!" Pabalik kong sigaw sa kanya.

Napakunot ang noo nya na tiningnan ako. Pshh bobo talaga!

"Lumayas ka nga dito, Zephyr! Nababanas ako sayo!"

Bahagya ko pa syang tinulak palabas ng kwarto ko. Nakalock ang pinto ko nung natulog ako pero ngayon naabutan kong sira na naman?! Anak ng--!!! Sinira na naman to ni Raphael. Hayssst.

"Teka nga----teka!!! Taym pers muna men ah?" Nagpumilit muna talaga sya kaya hinayaan ko na lang.... nasasayang ang lakas ko sa kanya....psh...-_-#

"5 minutes of explaining, starts now." Bored na tugon ko. Paniguradong mahaba-habang dada na naman ang pakakawalan nito....

"Huh? Ano?!!! Gaga! Importante bruhhh!!!!!-------'

"Oo na!magpaliwanag ka na bago pa maubusan ako ng pagtitimpi sayo."

Ginulo na nga ang kwarto ko tas ginising pa ako? Walangyang nilalang talaga to si Zephyr minsan tuloy napapaisip ako na ipadampot sya sa alagad ni Cronus.

"Ganito kasi 'yan......pinatawag tayo dahil kikitain natin si Cupid....ewan ko ba nabubuang na naman si tanda at dinamay si Cupid sa misyon natin...At ito pa ang nakakagulat nagpakita daw sa kanya si Janieah sa panaginip."

Saglit akong natigilan sa huli nyang sinabi. Janieah was my first love. Naiinis ako sa sarili ko tuwing maalala kung paano sya namatay. Ako itong lalaki pero hindi ko sya nagawang iligtas.

Ramdam ko ang pagbago ng hangin kaya alam kong dumaan si James. Mukhang wala na naman sya sa hulog dahil napapabayaan nya na naman ang charm nya....tsk.

"Is that all?" Tanong ko kay Zep na nakahinto pa rin at may malapad na ngiti. Anak ng---! Ano na naman ang pumapasok sa isip nito?

"Hindi pa dude! Hahaha siguradong matutuwa ka kapag nalaman mo kung bakit kasama si Cupid mamaya--------'

*boom*

Hindi ko na sya pinatapos at sinara na lang ang pinto. Paniguradong hindi magandang balita ang dulot nya. Dapat talaga eh sya na lang ang gumanap sa trabaho ni Hermes.

Nagpasya na akong maligo at magpalit ng damit. Dali-dali akong nag-ayos. Di ko rin alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng tuwa na malaman na kahit kila Cupid ay dumadalaw si Janieah.

Sabi kasi nya noong nabubuhay pa sya ay kahit nasa Ylleve ay dadalawin nya kami kahit man lang sa panaginip. Isa yun sa dahilan kung bakit araw araw ay masaya pa rin ako. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya kahit wala na sya.

Ang Ylleve ay tahanan ng mga immortal na sumakabilang-buhay na. Magkaiba ito sa Ylleva dahil ang Ylleva ay lost town of ghost. Mga nawawalang kaluluwa ang naroon kaya't walang nagtatangkang pumunta doon lalo na si Zephyr at Eujine dahil takot na takot.

Pagkababa ko pa lang ng hagdan ay bumungad sa akin sila Raphael kasama si Raven. Di na ako magtataka kung bakit kasama si Raven dahil sya lang naman ang may kakayahang bumalik sa nakaraan kaya alam nya ang tungkol sa apat na babaeng itinakda. I'm referring to Jia, Jennie, Rose and Linzie.

MAGITASSIAN WORLD: The Lost FALLEN ANGELWhere stories live. Discover now