Linzie's POV
Patuloy pa rin ako sa paglalakad kasama itong si Hunter at Eater. Actually, kanina pa sila nagbabangayan na akala mo talaga nagkakaintindihan. Nasa likod ko sila parehas at mabuti ng nagbabangayan sila para rin alam ko kung nasa likod ko pa sila.
Umabot na kami sa dulong bahagi nitong forest at tanaw ko na sa di kalayuan ang golden egg. Kaya tinakbo ko na ito at nang tuluyan ko ng mahawakan ay parang biglang bumilis ang oras dahil sa pagyanig ng lupa. Tiningnan ko ang dalawa kong alaga at parehas silang nagtatatakbo na. Inakap ko ang golden egg kasabay ng mabilis kong pagtakbo kahit pa yumayanig ang lupa.
Kinakabahan na ako ng sobra dahil pakiramdam ko ilang oras lamang ay magbibitak itong lupang inaapakan ko. Samantalang ang dalawa kong alaga ay takbo lang ng takbo kahit pa hindi na nila ako namamalayan dahil nasa malayo na ang mga ito. Sa huling pagtapak ko ay biglang pagbitak ng lupa kasabay nun ang pagkahulog ko.
Akala ko ay tuluyan na akong mahuhulog ngunit natagpuan ko ang sarili ko na nakakapit sa ugat ng puno. Malawak ang pagkakabitak at di ko tanaw ang nasa ibaba. Siguro kung di agad ako nakakapit ay patay na ako.
I made a magical rope using this charm of Black. Agad ko iyong ikinabit sa pinakamalapit na puno na natatanaw ko. Nang matapos ay sinubukan kong tumapak sa bangin na ito at buti na lang ay may mga bato bato dito upang tulungan ako makaakyat ng maayos habang mahigpit na nakakapit sa rope.
Pagkarating ko sa kinororoonan ko ngayon ay nagulat ako sa puting puno na ito. Nagfade na rin ang rope na ginamit ko. Ang punong ito ay purong puti magmula sa ugat na nakalitaw pati na sa mga dahon nito.
"Kanina naman ay wala ito ah." Sabi ko pa sa isipan ko.
Bigla kong naalala yung golden egg. Shit! As I look at my secret pocket I saw there the golden egg. Hayyy, a sigh of relief came out to my lips. Akala ko ay nawala ko na.
Ibinalik ko ang aking tingin sa puno ngunit ang ikanatataka ko ay nawala na iyon. Ano na naman bang nangyayari?!!
Lumapit ako sa ikalawang puno at doon unang beses na napasandal. Sa hindi ko inaasahang pangyayari ay biglang naging abo ito. Pati na rin ang mga tuyot na dahon na natatapakan ko ay nagiging abo. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nababalot sa itim na mahika.
"Xymon, please help me."
Third Person's Point of View
Naalarma ang lahat ng mapatingin sa higanteng magical ball. Kasalukuyang dimension ni Linzie ang pinapakita dito. Hindi charm ni Black ang gamit nya kundi ang elemental charm ni Ailered na apoy. Nagliliyab ang mga mata nito habang patuloy na sinusunog ang punong nasa harapan nya. Kasunod nun ang mga puno na tuluyan ng naging abo.
Agad na nawala si James, Ailered, at Black. Kasabay nun ang pagkawala ng imahe sa magical ball. Ang mga light charmer din ay agad na rumesponde sa naturang dimension. Delikado ang tinahak nila ngunit mas mapanganib kung tuluyang magiging abo ang nasabing forest.
Samantala, ang tatlong divine guardians naman ay patuloy sa paghahanap. Sumama na rin ang ibang guardians at pinigilan nila ang pagsunod ng mga kaibigan ni Linzie.
Ginamitan ni Suga ng protective spell ang buong dimension. Ngunit natatalo ito ng charm na kasalukuyang ginagamit ni Linzie.
"B*llshit! How can she do that?!!!" Inis na sigaw ni Suga habang nakakumpas pa rin ang kanyang kamay sa hangin.
Natagpuan agad ni Black si Linzie na ngayon ay nakalutang sa ere. Agad na sinundan ni Black si Linzie at binawi ang kanyang charm na ipinahiram sa kanya. Kaagad na nawala ang sunog at bumagsak ang katawan ng dalaga pero bago pa ito tuluyang bumagsak ay nasalo na ito ni Black.
Walang malay si Linzie at namumutla ito. Napansin din ni Black ang huling puno na kanyang sinusunog. It was Perilous Tree. The only tree that is mysterious for them. Maraming nagsasabi na nakakamatay ito dahil sa kakayahan nito sa paggawa ng iba't ibang destruction. Mabuti na lang ay isa lang itong ilusyon at kinocontrol ito ng light charmer na kayang gawing makatotohanan ang nangyayari.
Sa ganitong sitwasyon ay ito ang unang beses na nangyari. Hindi rin nacontrol ng mga light charmers kaya't mabilis na nag-abo ang mga puno nito.
Mabilis na nagteleport si Black sa Healing Building. At nalaman na lang din ng iba na nandito na ang dalaga. Pumasok din sa loob ng emergency room si James na ngayon ay ginagamot na rin si Linzie. Habang ang kaibigan ni Linzie ay tahimik na umiiyak sa pag-aalala.
Lumipas ang apat na araw at tulog pa din si Linzie. Wala ang kaniyang mga kaibigan pati na ang mga guardians at ang natira lamang ay si Ailered na kasalukuyang nakahawak sa kamay ng dalaga.
Linzie's POV
Nagising ang diwa ko sa sinag ng araw. Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay nadapo ang tingin ko sa lalaking may hawak ngayon ng kamay ko. Mahimbing ang kanyang tulog. Akala ko ay sya ang magbabantay sa akin. Ang laki ng pagkadismaya ko pero napapangiti ako kahit kunti nitong lalaking nagbabantay sa akin.
Marahan syang gumalaw at nang pagdilat ng kanyang mga mata ay ang patama ng tingin namin sa isa't isa. Ngumiti ako at nagulat sya ng mapagtanto nya na gising na ako.
"Ano may masakit ba sayo? May mga nararamdaman ka pa ba? Ano-ano yung mga nararamdaman mo? Tell me." Sunod-sunod nyang tanong.
"Ok na ako." Mahina kong sabi dahil pakiramdam ko ay namamaos ako.
"Nag-alala ako ng sobra-I mean kami. May naalala ka ba?"
"Bakit? May nangyari ba?" Nagtataka kong tanong dahil ang naalala ko lang ay yung huling pagpunta namin sa palasyo.
"Oh, no-nothing. Are you feeling ok?" Tango lang ang isinagot ko.
"Teka, ano ba talagang nangyari?" Tanong ko kahit nahihiralan akong magsalita.
"There's nothing to worry about Linz, dahil maalala mo rin in the next few days."
"Sila Jennie, Rosie at Ji-------"
Biglang huminto ang lahat, tanging tunog lang ng napakabilis na lukso ng puso ko ang naririnig ko. Mulat din ang mata ko at nakatingin sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang labi nya sa labi ko. It was my first time! At wala man lang akong magawa para pigilan sya! Nang matapos sya ay nanatili ako sa ayos ko. Nakatingin lang ako sa kanya ng walang reaction.
"Sorry, I-I-I'm j-just w-worried."
Agad na tumakbo palabas si Ailered. Pagkalabas nya ay napahawak ako sa sarili kong labi. Ano na naman bang pumasok sa kokote ng mokong na 'yon?
Argggggh! Damn him! Damn him! Magkaroon sana sya ng diarrhea!!! Sana ay mamaga rin ang labi nya!!! Gusto ko sya ilibing ng buhay!!!
Inis akong napatayo saka pumunta sa sink at naghugas ng labi. Napatingin ako sa sarili kong reflection sa salamin. Namumula ako at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Naiinis ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
"Arrrggggh!!" Napasabunot pa ako sa sarili ko nang makita ko na apektado ako sa ginawa nya.
"Oh, baby Linz!!! Gising ka na!!!" Bungad ni Jisoo kaya napahinto ako.
"Hala! Nabuang na si Linzie." Sabi pa ni Rose.
"Namumula ka, may masakit ba sayo?" Sabi rin ni Jennie.
Napaayos ako ng tayo. Napatingin din ako sa mga hawak nila. Ang dami nilang dalang pagkain na sobrang nagpagutom sa akin.
"A-Ano? W-Wala i-i-ito h-hehe." Nauutal ko pang sabi.
"Ano bang nangyayari sayo?" Tanong pa Rose na parang pinaghihinalaan akong baliw.
"Wala nga!"
— kookiesh_and_chim
Hi KC's!! Thank you for reading this and hope you enjoyed it. Votes and comments are highly appreciated!!!
And KC's, if you're an aspiring writer who wants a book cover for a wattpad payment just search Azalea's Garden of Art in facebook page. We're doing it just follow our payment and we have a sample there. Just like our page and message us. You are welcome to our page!!! Thank you!!!💖💖💖
BINABASA MO ANG
MAGITASSIAN WORLD: The Lost FALLEN ANGEL
FantasySeven Guardians with different powers. Four Bad Girls who broke the CRYSTAL TEARS. One person has the cursed power. And one world that make your dreams magical. But one thing is happened a decade ago, The Lost Fallen Angel is missing. Seven Guardian...