Jianna Soo's POV
Nagising ako ng nilalamig kahit pa nakakumot ako ng makapal. Alam kong nasa Healing Building ako dahil halata naman. Gising ako pero pikit ang mga mata ko. Putek! Nagiging abnormal na akooo!
Ramdam na ramdam ko rin ang kakaiba sa aking katawan at alam kong hindi lang yun basta kakaiba dahil nag-iinit talaga ng katawan ko. Ewan ko pero parang pag binuka ko ang kamay ko may lalabas at makakasira sa paligid ko.
"Jianna....."
Shet....ayan na naman ang boses na yan. Takte nakakairita na sya. I can see her image kahit pa pikit na ang mata ko.
" Ano na naman ba?!" Iritableng sagot. Di ko alam kung may nakakarinig sa amin dahil feeling ko sa isip lang kami nagkakausap.
"Your charm is awake. Trust your Only One friend. She'll take you to the good one."
Bigla syang nawala ng parang bula pagkatapos nyang sabihin yun. Ang rami nyang pakulo ahhh....Minulat ko na ang mata ko, pagkamulat ko ay titig ni Suga ang bumungad!
The heck!! Ano bang ginagawa ng isang 'to?!
"Magtigil ka nga sa kakatitig mo!" Sigaw ko.
Napalayo sya ng kunti dahil sobrang lapit nya talaga kanina. Feeling ko ay kakainin nya ako anytime dahil ang sama ng titig nya.
"Sino ka?" He asked in confusion.
"Bobo mo! Malamang si Jisoo!" Sagot ko agad.
Bigla ako nakaramdam ng pagkairita dahil alam kong inaasahan nya ay si Janieah. Tsk. Natahimik sya at di na lang umimik. Umupo na lang ulit sya sa gilid at pinagmasdan ang kagandahan ko.
"Kuha mo naman ako ng mainit na tubig." Mahinang banggit ko.
Errr...ngayon pa ako nakaramdam ng hiya. Di nya na ako pinansin saka sya pumunta sa may pinto at pumasok dun. Pagkalabas nya ay walang ganang nyang ibinigay sa akin ang baso na may mainit na tubig. Para naman syang dismayado na hindi si Janieah ang maasahan nya. Magkaiba kami ni Janieah kung sya ay mahinhin pwes ako ang syang kabaligtaran nya.
Ininum ko na yun at feeling ko guminhawa ang nararamdaman ko. Pero ilang saglit pa lamang ay lalong uminit ang pakiramdam ko. Damn! Anong nangyayari sa akin?!
"Bakit? Anong nararamdaman mo?" Aligaga na natanong nya.
Di ko sya pinansin at tiningnan ang kamao ko na nakayukom. Ang kanang kamay ko ay hawak ko pa rin ang kwintas na crystal tears.
"Let it out!" Sigaw pa ni Suga kaya binuka ko ang dalawang kamay ko. Nabitawan ko ang kwintas.
Napapikit ako ng mariin at naaaninag ko ang mukha ng isa sa mga kaklase namin. May binabalak syang sunugin ang buong campus.
Pagkamulat ko ang syang pagkawala ng imahe. Napatingin ako sa mga palad ko. Nag-iba ang kulay nun na parang isang bahaghari.
"Pakitawag ang mga kasama sa mission. May sasabihin ako." Seryosong sabi ko.
Linzie Devin Roncal's POV
Nang makarating kami sa kwarto ni Jisoo ay natagpuan namin syang isa ng ganap na fairy. Mukha syang nakacosplay dahil sa kulay ng buhok nya at balat. Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa kanya.
"Ok ka na ba?" Agarang tanong ko ng makalapit. Tumango naman sya bilang tugon.
Napatingin sya kay Jennie at nginitian ito. Sa pamamagitan nun ay para syang weird sa sobrang formal. Ano ba ang sumapi sa loka loka naming kaibigan? Hawak nya ang kwintas at binigay iyon kay Jennie.
YOU ARE READING
MAGITASSIAN WORLD: The Lost FALLEN ANGEL
FantasySeven Guardians with different powers. Four Bad Girls who broke the CRYSTAL TEARS. One person has the cursed power. And one world that make your dreams magical. But one thing is happened a decade ago, The Lost Fallen Angel is missing. Seven Guardian...