Chapter Two

1 0 0
                                    


----Second Impression.

Anglie POV-

"ANG GANDA ko talaga. Wala nang makakapantay sa kagandahan ko" sabi ko sa harap ng salamin habang nagsusuklay. "Mas maganda ako kay Jady. At akin ka lang Mike. Walang makaka agaw sa yo. Akin kalang."

Dumighay ako. Malakas.

Hindi ko mapigilang matawa ng kaunti. Hindi ko alam kung bakit masaya ang araw ko ngayon.

Ngumiti ako, at dumukot pa ng limang fries sa platitong mala bundok sa dami, na nakapatong sa lamesa ko.

Sinubo ko magkasabay ang limang fries. Nagkandahulog ang iba. Sayang naman. Napapikit ako saglit, habang nginunguya ko ng buong pagmamahal ang nababalot sa chesse na fries. Shit. Ang sarap...

Namulat ako bigla nang maisip kong dapat akong magpaganda ngayon. Dahil, ngayon ang araw na pinakasasabik ko

Kinuha ko ang lipstick. Mapulang mapula. Iginuhit ko sa aking mala anghel na labi. Dapat makapal.

"Ang ganda ko. Wait--"

Kinuha ko ang blush on. Pinkish red. Tamang tama sa mala marshmallow kong pisngi.

"Yan! Magugustuhan na talaga ako niya ngayon."

Mag susuklay na sana ako nang may biglang kumatok sa pinto.

"Angelie. This is your mom. Aalis kami ng daddy mo ngayon. We have bussiness conference in a miles away. So yaya will take care of you... Bye."

Yes! Sumabay sa akin ang panahon.

"Yes mom. Take care. And dont forget na bilhan nyu ako ng isang box na ice cream. And cream pie. Love you." Sabi ko habang nagsusuklay.

"Okay, bye-"

Dali dali akong lumabas ng kwarto at dali daling nanaog ng hagdanan.

Hindi ko namalayan na naka abang pala si yaya Mele sa baba.

"Ay senyora!" Gulat at putol putol nitong pagkakasabi. "H-hinay hinay lang po. B-baka-"

Nang makatapak ako sa sahig. Tinaasan ko ng kilay si yaya Mele. Hindi ko nagustuhan ang tono at pananalita niya.

Umuungol ang loob ng tyan ko sa sinabi niya.

"Baka ano yaya-- baka masira ang hagdanan. Baka, wala akong maliit na awa sa hagdanan? Yan ba dapat sasabihin mo yaya?"

Pumeywang ako.

"Hindi po senyora Angelie," nanginginig ang boses niya sa pagkakasabi. "Baka, po madapa kayo at masugatan ang maputi nyung balat. Ako na naman ang pa gagalitan ng amo." Sabi niyang nag mamakaawa.

"Wala kang paki!" Sabi ko sabay labas ng bahay.

Mga tao talaga ngayon. May insecurity. Hindi ba nila alam na pangit at kasalanan yun.

Habang naglalakad ako sa daan ng subdivision hindi ko mapigilang magutom.

Shit! Bakit ngayon pa?

"Anglie, kumusta?"

Pamilyar ang boses na yun ha.

Huminto ako at tumalikod.

Si Efren nga.

"San ka pupunta? Halika, hatid na kita" Sabi ni Efren tapos ngumiti.

Bakit siya pa? Sa dinami dami. Bakit siya pa? Ang pangit kaya niya.

The more I hate, the more He loveWhere stories live. Discover now