Chapter Four

1 0 0
                                    


----Who's This Letter?

Jady POV.

TIRIK NA ANG ARAW sa labas. Pumapasok na ang liwanag sa maliit nasiwang ng kurtina sa bintana ko.

Nakatihaya akong pinagmasdan lamang ang kisami. Mga 8:4O am, na akong gising.

Hindi ko maiwasang isipin ang ginawa niya kagabi. Nakakatawa. Para siyang abnoy sa ginawa niya.

Abnoy naman talaga siya. Pati narin yung laruan niyang ginagamit pag mamasid sa akin. Nakakatawa mukha niya.

Parang lasing na baliw. Tsss...

Tumayo ako sa pagkakahiga at umupo saglit. 1O:3O am na sa alarm clock ko.

Ngayon yung araw na magkikita kami.

Dali dali akong tinungo ang comfort room. Naligo. Nagbihis at nanaog ng hagdanan.

"Oh san ang punta mo ngayon?" Bungad sa akin ni kuya Andrew, pag kababa ko ng hagdan.

Dalawa lang kaming magkakapatid. At siya ang kuya kong napakabait. Di katulad kong bunso na ubod ng lupet.

"Magkikita kami ngayon ni penelope. Ngayon yung araw na ibibigay niya sa akin yung group project namin." Sabi kong nakaupo sa sofa, habang sinusuot ang kulay pink kong skitchers na sapatos.

"Oh, ingatan mo yan ha. Bagong bili ko pa naman yan sayo nong isang lingo lang." Bilin ni kuya, habang nakahilata sa sofa at nakamukmok sa flat screen ng t.v.

Kahit ang lupet ko sa kanya. Mabait parin siya sa akin. Hindi ko ipagpapalit ang kuya ko kahit kanino.

"Opo. Teka. Naka inom kaba kuya? Bakit ang baho ng alak bunganga mo? Tapos lantang lanta ka na parang bulok na gulay? Lasing kaba kuya?" Sabi ko habang tinungo ang kusina at dinampot ang isang pulang mansanas sa loob ng refrigerator at agad na bumalik sa pag kakaupo sofa.

"Hindi ako lasing naka inom lang. Hang over pa yata ako ngayon eh." Sabi niyang naka hawak sa ulo. "Aray! Shit. Parang mabibiyak ata to."

Kinagat ko ang mansanas. Ang lutong.

Teka sino kaya kainoman nito kagabi?...

"Oh, may nagbibigay sayo. Kunin mo." Kinuha niya sa taas ng glass table ang isang puting card at inabot sa akin.

Nagtataka akong kinuha ito.

May nakalagay na pangalan na nakasulat sa pulang kulay.

From: Secret Admirer.

To: Jady Marie Cruz

"Ano to? Sino nagbigay nito?" Tanong ko kay kuya andrew.

Nagkibit balikat lamang siya. "Di ko alam. Nakita ko lang yan kanina sa labas ng gate nang tumunog yung doorbell. Pinulot ko yan sa baba ng gate. Para sayo yan. Pangalan nakalagay mo."

Sino kaya galing to?

Secret Admirer?

"May nililihim kaba sa akin bunso?" Umiba ang boses ni kuya Andrew. Tunog seryoso. Nakatitig siya sa akin na parang may gustong malaman.

Wala akong tinatago.

"Wala akong secreto kuya." Sabi ko sabay kagat sa mansanas. "Hindi ko nga alam kung sinong card letter na iyan?"

Gusto kong tignan ang loob at basahin ang nilalaman, pero naka sealed ito ng mabuti.

Parang may tumutulak sa akin na basahin ko ang sulat.

The more I hate, the more He loveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant