1

9 0 0
                                    

Bria's POV

"Condolences for you Bria" -tsk. Akala mo naman totoong nakikiramay. Hanap nya lang dito ung parte ng mana ng pamilya ko. Ang galing talaga makipagplastikan ng tita kong walang kwenta.

"Thank you tita Mags" - labas sa ilong kong sabi.  Kung nandito lang siguro si mama,pagbabawalan na ako nun. Paano ba naman? Di nya ako pinapabayaang magsalita ng ganun. Dapat mahinhin. Dapat maayos. Dapat kagalang galang

Pano ko gagalangin to? Pera lang naman habol. Tsk.

Habang inaayos ang libingan ng mama at papa ko, may tumawag.

Shit! Si attorney!

《Hello Attorney Rodriguez?》with matching natatakot na voice, sungit kaya netong matandang to! Pakshit kase e bat ko nakalimutan ung meeting ngayon.

《Ms Valencia you didn't attend our meet--》 pinutol ko na sasabihin nya. Mahabang diskusyon mangyayari e.

《Actually attorney papunta na ako e. Inunahan nyo lang ako. Okay lang po ba aking late ng 3 hours?》 Shingina talagaaaa. 1 pm ung meeting namin eh 4pm na! Ang lupit ko talaga;)

《Osge bilisan mo ms Valencia, we have to dis--》 puputulin ko na ulit. Andami sinasabi e. Magkikita rin naman kami. Hays

《Sge po attorney! Babyyyeeee》 then I end the call. Pupunta na ako. Baka mabungangaan ako ng matandang abogado na un kung malelate ako hays.


"Aalis ka? Paano magulang mo?"

"Ay kalabaw! Tita bat kayo nang gugulat nang ganyan?!" Buyset! Muntikan na ako mahimatay dun. Baka gusto nya akong isunod sa parents ko. Haynakoooo

"Pasenya na. Saan ka nga ba pupunta?" Wala ka ng pake dun. Nanay kita? NANAY?!

"Sa pupuntahan" I said sarcastically. Alam ko naman narinig nya usapan namin ni attorney e
Kaya dapat di na sya nag tatanong -.-

"Ikaw bata ka di ka man lang pinalaki ng tama ng mga magulang mo! Sumasagot ka ng pabalang sa nakatatanda sayo! Sana bago man lang mamatay magu---" tangna dami netong satsat.

"Namatay parents ko dahil sa sobrang panghuhusga ng tao! Katulad mo! Bat ka ba nandito? Diba gusto mo lang ng pera? Kaya ka nandit--"

*paaaaaaaak*

Isang malakas na sampal ang natanggap ng mga pisngi ko. Napatingin lahat ng bumisita. Ngayon pinag uusapan na nila kami. Mga sutil talaga.

*ano ba naman ung anak nila Rico at Elena di marunong gumalang*

*oo nga di siguro naturuan ng tama*

*sayang sya maganda pa naman pangit naman ugali*

*Dapat dyan sa batang yan dinidisiplina*

"TUMIGIL KAYO SA PAG CHICHISMIS AT LUMAYAS SA MGA TINATAPAKAN NYO! WALA KAYONG KARAPATAN NA HUSGAHAN ANG PAGPAPALAKI NG MAGULANG KO SAKIN! LUMAYAS KAYO NGAYON BAGO KO KAYO KALADKARIN ISA ISA PALABAS!" Sigaw ko. Natauham sila at lumabas pero aba't di parin tumitigil ang bibig ng dalawang nsa edad trenta. Pinag uusapan pa rin nila ako.

Habang lumalabas ang iba. Pumunta ako kung saan ang nag uusap na dalawang babae. Hinablot ko ang buhok nila at sinampal ng tig isa. Wala akong pake kung labing pitong taong gulang palang ako. Mali ang ginagawa nila kaya dapat gawin 'to.

Flashback

"Anak tatandaan mo, kapag mali ang isang tao, kung mas bata o matanda sya sayo-- gawin mo ang tama. Tatandaan mo yan anak ha?" Sabi ni mama habang sinusuklayan ang buhok ko.

"Opo mama. Gagawin ko po ang tama" habang nakangiti kong sabi.

EndOfFlashback

"IKAW BATA KA! NAPAKASUTIL MO! MAKALAYAS NA NGA DITO! TARA NA MARS!" Sabi nang babaeng mukhang palaka na sinampal ko't sinabunutan.

Dali daling umalis ang dalawa. Ngayon ako nalang mag isa dito. Di na rin ako makaka alis kase walang bantay si mama at papa dito. Baka madukot sila bukas pa naman sila ililibing.

At bukas rin ang birthday ko

Tinext ko nalang si attorney na pumunta dito at sinabi ang dahilan.

To: Atty. Rodriguez
Attorney I cant go there right now. Walang bantay si mama at papa kapag umalis ako dito.

'Sent'

I think nabasa na nya naman. Tinago ko ang phone ko sa bag at pumunta kila mama at papa.

"Ma, pa sorry sa ginawa ko kanina. Pinagmukha po nila kayong masama e. Sorry po. Sana maintindihan nyo." Sabi ko. Ayan na naman ang mga luha. Lalabas na naman.

"Ma, pa umiiyak na naman ako. Hahaha. Ipapangako ko sainyo di na ako iiyak. Magpapakatapang na ako hahaha." Saka ako ngumiti- ngiting may bahid ng kalungkutan. Pinunasan ko ang luha ko. Last punas ko na to ng luha. Di na ulit ako iiyak.

"Ms. Valencia?" Si attorney na siguro un.

Pumasok si attorney at umupo sa tabi ko. He offered me a hankerchief but I refused. Okay na un. Baka malagyan ko pa ng sipon ung panyo nya

"Hello po attorney ano pong pag uusapan natin?" Sabi ko. Pinipigilan kong mag salita ng wasak. Ung boses na kakaiyak lang.

"Tungkol ito sa ipapamana ng lola at lolo mo sayo, pati na rin ang imama mo galing sa mga magulang mo" sabi nya. May mana din ung grandparents ko sakin? Ang galing naman hahahah

"May problema po ba?" Sabi ko.

"Actually wala naman. Sasabihin ko lang ang proseso para mamana mo nang tuluyan ang mga ari arian at pera mo." Ahh. Sabi kase ni google kapag 18 ka na pwede mo ng makuha ang mamanahin mo. At ikaw ma rin ang magigiging incharge sa lahat.

"Bukas na ang iyong kaarawan at pwede mo ng makuha ang mana mo ng tuluyan. Pamumunuan mo na ang tatlong shools na pagmamay ari nyo. Ung limang bussiness na inaalagaan ng pamilya mo at animnaput limang bilyon na ipinamana sayo kung kaya mo na itong pamunuan"

Loading

Loading

Loading

PAKSHET!

"Di ko naman po ata kaya lahat ng un. Nag aaral pa po ako sa school namin." Atsaka ung pera. 65 billion un! Grabe.

"Okay lang un iha. Ung mga partners ng papa mo sa negosyo ang mag aasikaso dun. Mapagkakatiwalaan sila." Ah un naman pala. Eh paano ung sa school?

"Ung sa schools po attorney?" Siguro naman may mag aasikaso din dun.

"Sa dalawang schools,may mag aasikaso dun." Yes! Pero wait, tatlo diba ung schools? Ung school ata na pinapasukan ko ung walang mag aasikaso.

"Eh pano po ung school na isa?" Curious kong sabi baka mamaya benta un nonono!

"Ikaw ang mamumuno dun" WHAT?!

--

Yay! Chapter one is up! :)





Messy HeiressWhere stories live. Discover now