8

3 0 0
                                    

Oij's POV

Nagising ako sa sobrang liwanag ng sikat ng araw. Pumunta ako sa bintana para tignan ang labas. Ang ganda ng view dito kila fire. Grabe ang tahimik. Pero alam n'yo? Joke lang un.

Nagising ako dahil sa mabungangang boses ni fire. Ang tahimik sa klase pero pag dating dito sa bahay nila, para s'yang bibig na naging tao na nilagyan pa ng bibig kaya sobrang ingay. Akala ko bisita n'ya ako, eh ginawa pa akong bwisita.  Eto pagkasabi n'ya.

"Hoy! Aba! Kamahalan tumayo ka na jan! Nakahain na ho ung pagkain sa baba mahal na prinsipe! Gusto mo bang sungalngalin kita jan, kamahalan? O gusto mo sipain ko ung itlog mo para maging tatlo?" May diin ung sabi n'ya ng 'kamahalan' and 'mahal na prinsipe'.

"Ay eto na po reyna! Aga aga pa ho oh! Ala singko media pa lang!"

"Aba nagrereklamo ka ngayon? Oh bahala ka malate sa school mamaya! Pwede kitang patalsiking hinayupak ka!"

*shooked.* Wednesday palang pala. Nakalimutan ko

"Eto na baba na" mahinahon na sabi ko.

"Aba dapat lang! Lumalamig na ung pagkain oh! Bilisan mo wala ka sa bahay n'yo!"

Di nalang ako nag reply. Pero sya, aba! Bababa nalang ng hagdan sumisigaw pa. Hays.

"Hay nako manang! Kain na tayo. Ung batugan nandun paaa sa guest room! Aba kung makareklamo na maaga parang di sya nakatulog kagabi! Samantalang humihilik pa sya sa himbing ng tulog nya!"

Nagulantang ako sa sinabi n'ya. Teka? Sinilip nya ba ako kagabi? O baka naman may hidden cctv don pinanood n'ya ako. Sabi na nga ba may pagnanasa sakin tong bakulaw na'to e.

"Hoy! Anong tinutunga-tunganga mo jan? Nag de-daydream ka ba? Aba gising! Di magiging kayo ng crush mo ulol!" Abaa! Sino namang crush ang tinutukoy nya?

Inirapan ko nalang sya. Teka. Tinatawag ba ako ng teacher namin? Naririnig ko sya e. Isiniwalang bahala ko nalang.

May tumapik sakin, si bria. Nabalik ako sa realidad.

"Mr. Delafuerte! I've been calling you 15 times!"
Paktay na diha. Akala ko imagination ko lang un. English subject ang subject na dinidiscuss ng teacher ko ngayon. Pero sabi ko nga, tatanungin ka nila ng tanong na walang koneksyon sa lesson at di na mag didiscuss.

"Im sorry ma'am. What is it again?"

"Nag i-imagine ka ba mr. Delafuerte? Iniimagine mo ba na ung crush mo ay hubo't hubad sa harap mo?" And the class laughed except to my seatmate, fire.

"Uhh no ma'am. Im sorry for not listening" sabay yuko kong sabi. Ung teacher kase na'to ay namamahiya. Matandang dalaga e. Tas bagay ung pangalan n'ya sakanya, Ms. Dalia G. Matanda. Ung middle name nya is 'gang'

"No sorries mr. Delafuerte. Sino ba yang babae na yan ha? Share your thoughts" sabay tawa nyang sabi. Tinignan ko si bakulaw at nakakatakot ung mukha n'ya. Parang magsusunog ng tao. Tinignan ko din ung kamay n'ya,parang mababali na ung tig- 10k na bolpen nya, sa sobrang kuyom nito.

"No ma'am. Its not a girl or whatsoever."

"Mr Delafuerte I know boys. When you stare on nothing and suddenly smiles, you think something pornographic" wow. Mind reader ba sya? Eh di naman un ung iniisip ko. I was just reminiscing.

Bubuka na ung bibig ko pero biglang tumayo si bria. Halata ung usok sa ilong n'ya. Ta's ung apoy sa mata n'ya? Solid. Parang magsusunong talaga s'ya ng tao.

Hinawakan nya ung balikat ko at pinaupo ako. Pero ang sakit. Pinang gigilan n'ya ung balikat ko. Inikot ikot ko ito para mawala ung sakit.

Tinignan ko si maam dalia. Ayun, she made a fearful face. Konti nalang lumuhod s'ya sa harapan ni bria. Tumigin naman ako kay bria.

Nilagay ko ung kamay ko sa braso n'ya at sinabing

"Fire, okay lang u--" pero huli na. Tinanggal n'ya ung kamay ko at pumunta sa harap.

"Well Ms. Oldie,how about imagining that you don't have a job anymore?" Bria said. Napanganga ako. Tinignan ko ung labas ng window at ayun may nakiki usyosyo na mga ibang teachers. Halatang worried ung face nila. Habang ung classmates ko naman nag pustahan.

"Mapapatalsik si miss dalia pustahan, one week allowance"

"Sge, di mapapatalsik yan."

Mga gago haays.

"Uh Bria, I was just kiddibg around. O-okay? Go back t-to your place and we'll start d-discussing." Halata ung takot sa boses n'ya pero nag smile pa rin s'ya.

Aba matibay 'to'ng matandang to.

Di ko na pinigilan si bria. For what? Wala namang makakapigil sa kanya. She do what she wants.

"No miss oldie. Let's continue your 'joking time.'" Bria said. Hanga rin ako kay bria e, matapang. "So now ms oldie, I will be saying something and you take it a joke, okay?" Napatango nalang ang matanda. "Bukas, magtuturo ka pa dito. Bukas, papasok ka pa ng office mo. Bukas, makikita mo kami. At eto ang isa pang joke" lumapit sya ng konti sa matanda at napatingin sa gilid ang matanda. "Sa paningin ko, tama ung ginawa mo" at umalis na sa harap. Pumunta na sa tabi ko habang ang guro naman ay nangingiyak- ngiyak.

Lumapit ako kay bria ng kaunti para makabulong dito.

"Bria, Idol na kita"

"IKR" sabay ngisi n'yang sabi. Lumabas na ang guro. Tumingin s'ya sa classmates namin. Napa buntong hinga nalang s'ya at nagsmile. Pero biglang kumunot ang noo n'ya dahil may nagtaas ng kamay, I assumed na class president un.

"Yes Mr. Fernando?" Sabi ni bria.

"Uhh bries, pa'no n'yan? Sinong english teacher natin? We can't just hired like a snap of a finger you know."

Napaisip si Bria. May point maman si president pero nagulat ako nung may nickname s'ya para kay fire. Di ko pa talaga kilala 'to. Pero I want to know. Kase parang ang interesting n'ya.

"Kakausapin ko muna ung principal. For now, you can have your break" sambit ni bria. Pero with a proud face.

"Oh ikaw? Di ka ba mag lalunch?" Napatingin ako sa kanya.

"Sabay na tayo?"

"Diba kakausapin ko ung principal? Atsaka walang tayo, ogag"

"Pwede ako sumama? Malay mo may maibahagi akong ideas" tapos kong sabihin un ay nag smile ako with pleading eyes.

"Fine, basta wag kang kokontra sa desisyon ko,okay?" And I just nod.

Sinundan ko s'ya. Deretso lang s'ya sa daan. Ako naman palinga linga. Tinititigan kase at punag uusapan kami ng mga schoolmates namin e. Tutal gwapo ako kaya ayun. Todo titig sila saming dalawa ni fire tas sabay bulungan. Pinagtsitsismisan ba kami rito?

Tinapik ko si fire, kumunot ang noo nya at tinignan nya ako ng why-you-fcking-touch-me look. Tinuro ko ung mga schoolmates namin. Nawala ang kunot ng noo n'ya at nagsmile bigla.

May sayad na ata to

"Hoy ba't ka nag iismile jan? Di mo ba nakikita pinagbubulungan tayo?"

"Basta. And thank you G. Binigyan mo ako ng idea"

"Anong G? Nickname mo sakin un?"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Sabi ko nga" at nag pout nalang. Pwede namang pogi. Pwede namang hot oka sexy pero G? Siguro Gwapo hehe

Tinignan ko ulit ung mga schoolmates namin. At ayun naka iwas na ng tingin. Pero bakit sahi ni bria na binigyan ko s'ya ng idea?

--

Sorry for the late ud:)
Medyo soup hehe.

Messy HeiressWhere stories live. Discover now