7

3 0 0
                                    

Narrator's POV

Habang papunta sa parking lot ay nagtatawanan silang dalawa. Pa'no ba naman, ginagaya ni oij ang boses at ekspresyon ng guard kanina.

"Oy! Labas na!" With matching shooked and angry face. Pagkatapos sabihin ni oij un, sobrang tawa ni bria.

"Hahahahha! T-tama oij" sabi ni bria habang hinihingal sa kakatawa. Tumango naman ang binata at binuksan ang pinto ng kanyang kotse. Kumunot naman ang noo ng dalaga.

"Oh bakit nakakunot noo mo bakulaw?" Takabg sabi ni bria.

"Parang ang familiar ng kotse mo" sabi n'ya at inaalala kung paano ito naging pamilyar. "Ah eh, tara nalang" sabay ngiti ng dalaga.

Kibit balikat naman na isinara ni oij ang pinto ng kan'yang kotse. Pumasok ito sa driver's seat at ini-start  ang sasakyan.

Tahimik lamang sila buong byahe. Itinuturo lang ni bria kung saan ito nakatira.

Samantala, si bria ay gulong gulo. Iniisip n'ya kung saan ito nakita at paano. Dahil parang andaming alaala na naninirahan dito. Ang lakas ng lukso ng kanyang dugo ng may makitang sticker na we bear bears sa harap ng dashboard.

"Oij, sa'n mo nakuha 'tong sticker na'to?" Sabay turo dun sa sticker na wbb.

"Di ko rin alam. Sabi ni mama, nilagay n'ya raw 'yan para charm luck. Para daw walang aksidente na mangyayari. " sabi ni oij.

Tumango nalang si bria. Hindi kumbinsido ang dalaga sa dahilan. Di na lamang pinahalata ng dalaga na s'ya'y nagtataka.

Oij's POV

Ba't nga ba meron anoong sticker na ganon? Di naman ako palanood ng cartoons. Wala rin naman akong kapatid na maglalagay no'n. Tinanong ko na din kay mama 'yon, sumagot naman sya. Ung sagot na sinagot ko sa tanong ni fire. Di naman ako nag sisinungaling. Honesy to! Promise:)))

Itimuro ni fire ung bahay n'ya or should I say mansion n'ya.  Dito ata sa subdivision nato, sya ang may pinakamalaking bahay. Buti nalang di ako nakatira sa subdivision nato hays.

May sumalubong na tao sa amin. Lalaki, chinito at nasa mga 30+ ang edad nito. Eto siguro ung driver ni fire, pang driver ung suot e.

"Ser, lagay n'yo nalang po kotse n'yo jan. Ako na ho bahala, bigay nyo nalang honung susi n'yo sakin" sabay ngiti ng driver. Tumango ako at lumabas. Pag bubuksan ko ja sana ng pinto si fire kaso nasa labas na s'ya hinihintay ako. Nakabusangot s'ya. Haist. Tsk tsk tsk.

"Nakabusangot ka jan, papangit ka nyan e" ngiti kong sabi. Iniripan lang ako ng babaeng to. Abaaa!

"Tara sa loob, kanina pa ako hinihintay ni manang" so s'ya lang hinhintay? Hays. Hindi hospitable tong babaeng to.

Pagkaapak sa bahay, biglang sumakit ulo ko. Napahawak ako sa likod ng ulo ko. Napapikit sa sobrang sakit. Okay naman ako kanina e. Bat nagkaganito?

Napa iling nalang ako hays.

"Ijo, okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Sabi ng matandang babae na nasa 60+ na. Eto siguro ung sinasabing nag hihintay kay fire.

"Opo, bigla lang po ako nahilo pagpasok pero okay na po ako ngayon. Salamat po" ngiti kong sabi.

"Tss. Di ka lang sanay sa atmosphere sa bahay na'to. Pang mayaman kase." Simpleng sabi ni fire habang nag lalagay ng tubig sa baso na galing sa pitcher.

abat! Gago to.

"Excuse me, hindi man kagandahan bahay namin atleast kasya kami no. Makapag hotel na lang nga boset" sabi ko at nag kunwaring aalis na.

*thunder ekek sound effects*

"Ay bakulaw!" Sabay takbo ko kay bria. Napahawak ako sa braso n'ya na ikinagukat ko. Takot kase ako sa kidlat. Ewan ko kung bakit.


"Hey! Get your hands out of mee"sabay alis ng braso nya. Napaayos ako ng tayo "so takot ka pala sa kidlat?" Sabay tawa nyang sabi "baklush ka talaga hahhaha"

"Anong b-baklush?"

"Baklush. Di mo alam 'yon? Definition mo un 'te"

"H-hoy! Hindi ako ate no! Wala akong kapatid at kuya ako! KUYA! K-U-Y-A. Ayan inispell ko na sa'yo kakahiya naman sa'yo eh."

"Kahit anong sabi mo bakla ka. Bakla. B-A-K-L-A. bakla! Baklush! Badi---"

Kiniss ko s'ya. Napapanood ko kase sa movies na kapag tinawag kang bakla,halikan mo.

Tinanggal ko ang labi ko sakanya. Dumilat ako at sinabing

"Sining bakla ngayon?" Ngisi ngisi pa ako jan.

"Fck youuuuuuuu! Ugh!" At sabay walk out. Pumunta sya sa second floor ng bahay nila. Sa may dulo at pumasok sa kwarto na wbb ang pinto.

Napatawa nalang ako. Pumunta ako kay manang. Gusto ko pa kase makilala ng lubusan si fire. Ung friends thingy? Ewan ko pero sabi ng puso ko, dapat kaibiganin ko sya. Ang lonely nya kase masyado.

"Oh ijo? Kumain ka na ba? Gutom ka na ba?" Sabi ni manang. Baka pagkauwi ko sa bahay, wala na ung 8pack abs ko ah? Joke lang.

"Ay hindi pa po ako gutom. Hihintayin ko nalang po si fire" sabay ngiti kong sabi.

"Mamaya pa 'yon lalabas. Pero kung hihintayin mo talaga, edi sige" ngumiti s'ya sakin. "Gusto mo ng kwento tungkol sa kanya no?" Napatango ako.

"Bata pa lamg si bria mabait na bata na 'yan. Laging nakangiti. S'ya ung nagbibigay liwanang sa bahay no'n. Kapag dumadating ang parents n'ya, natatanggal ang pagod ng mag-asawa. Syempre salubungin ka ng may kiss at hug sabay 'i missed you ma, i missed you pa.' Sino ba naman ang di mapapangiti diba?" Nagpatuloy sya "hanggang sa lumaki s'ya ganun ang pakikitungo nya sa amin at sa magulang n'ya. Maliban nalang noong nag hayskul na s'ya." Nakita ko ang lungkot sa mata n'ya. Napangiti nalang sya ng malungkot.

"No'ng nalaman ng mga magukang n'ya na bumagsak s'ya e pinagalitan s'ya. Di s'ya makalabas ng kwarto at ginawa n'ya buong bakasyon ay nag aral at nagkullong sa sariling kwarto para makapag pokus. Pero naulit un nang nag 3rd year hayskul na s'ya. Galit na galit ang mama nya non. Dahil nabalitaan sya na may boypren. Ung boypren nya pala na 'yon ay nung pers yir hayskul palamang. Naglayas si bria nun kasama ang boypren n'ya. Ako lang ang nakakaalam na umalis s'ya. Pero sana pala di ko na lang s'ya pinayagan dahil--"

"Manang? Gutom na'ko pahinging pagkain please?" Biglang may tumawag sakanya at sino pa ba? Edi si bakulawm hays naputol tuloy kinekwento ni manang.

"Sge bria!" Bumaling sya sakin "itutuloy ko nalang sa susunod ha? Kumain ka na muna."

"Hindi na po ako kakain. Matutulog nalang po ako. San po ba dito ung guest room?"

"Ah. Ayun ijo. Oh sge ituloy nalang natin sa susunod na araw ah? Magpahinga ka na" at umalis na sya. Umakyat ako habang lutang na lutang.

Nagkaboyfriend na si fire?  Hmm. Ang swerte naman nun. Kwento ni manang na mabait si fire non kaya nagustuhan sya. Hanggang ngayon kaya sila pa rin? Pero parang hindi mag isa nalang si fire. Kung merong sila, dapat poprotektahan nya ang girlfriend nya. Because you can never love if you're a coward. How will you protect your love if you are such a coward? However, I think wala na sila. Hays.

*boogsh*

"Aray! Shit" nauntog ako sa pintuan na color brown. Nakalagay dito ang guestroom kaya pumasok na ako. Binuksan ko ang ilaw at ditk na tumambad ang mga gamit. May kama dito na  malaki at lampshadesa gilid. May flat screen din na sa tingin ko nasa 105 inch. Pang mayaman talaga ang datingan


Humiga ako sa kama at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.


---

Hehe! So wazzup? Sarreh kung ngayon lang nakapag ud busy sa kdramas and wp eh! Hahaha so ayin lang! Vote!:)))

Messy HeiressWhere stories live. Discover now