Prologue

22 14 0
                                    


SOMEONE'S POV

Taong 2000

Nasa bakuna ng pinto ang Apat taong gulang na si Neight ng marinig nyang sumisigaw si Don Alvaro Sebastian.

"Hijo de.... caramba!" Sigaw ng matanda at itinaas ang baston sa muka ng anak na si Erlinda." Iwan mo ang hampas lupa mong asawa, Erlinda. At tatanggapin kitang muli. Kayo ng anak mo".

"Mahal ko si Vicente, Papa. Hindi ko magagawa ang inyong nais. I cant leave him. I love him more than anything." Humihikbing sabi ni Erlinda.

"Ohh you love him." Sarkastikong ismid ng matanda." Tignan mo ang resulta ng pagmamahal mong sinasabi, Erlinda. Para kang pulubi. Ipinag palit mo ang anak ni Don Enrique Montaňo sa pobreng iyon na isa lamang tauhan sa Hacienda, que horror!" Patuloy ng matanda.

"Please forgive me, Papa. But i cant... Hindi ko sya hihiwalayan sa ayaw at sa gusto nyo. Patawarin mo ako." Umiiling habang patuloy sa pag iyak ang babae

"Hindi kita papatawarin hanggat hindi mo sya hinihiwalayan."

Napaatras at natakot si Neight dahil sa galit na galit nyang lolo. Pero mas nangi babaw ang poot sa kanyang puso dahil sa pangungutya sa kanyang ama. Pagkatapos ay kumaripas sya ng takbo papalayo.

"Nicholas!." Lingon ni Erlinda sa anak. Nag aakusang tiningnan sandali ang ama at sinundan ang batang anak.

Si Nicholas ay patuloy sa pag takbo at walang ka malay malay na apat na haciendero ang humahabol sa isang nagwawalang toro.

Nagulat si Neight sa pag sigaw ng Haciendero.

"Ang bata! Ang bata!"

Biglang tumigil sa pagtakbo si Neight dahil sa kanyang narinig. Natuon ang tingin sa sumisingasing na toro na sya ang tinutungo. Ilang dipa na lamang ang layo sa kanya.

"Mama! Tulong!." Takot na takot nyang sabi.

"Neight, anak!. Takbo!". Sindak na sigaw ni Erlinda nang makita ang anak ang pinupuntirya nang nanggagalaiting toro. Halos mawalan sya ng ulirat sa natitiyak na mangyayari sa anak.

Marahang tumakbo si Neight. Pero talagang hindi na nya kaya pang bilisan dahil sa nanginginig na tuhod dahil sa takot.

Sa isang kisap mata ay tumaas mula sa lupa ang bata na hinablot ng isang rancherong naka kabayo at mabilis na inilayo. Labis padin ang takot na nadarama ng bata.

Ibinaba ng ranchero ang bata sa harapan ni Erlinda na halos mawalan ng kulay ang muka dahil sa labis na takot at pag aalala sa kanyang anak.

"Neight anak!." Halos hindi na lumabas sa bibig ni Erlinda iyon at mahigpit na niyakap ang anak.

"Labis labis mo akong pinag alala, anak." Hindi padin mawala ang bilis ng tibok ng kanyang puso.

"May mga sugat syang natamo, Senyorita." Wika ng magiting na ranchero. Hinubad ang bandanang naka sabit sa leeg at iniabot kay Erlinda. Sa nanginginig na kamay ay itinali nito ang bandana sa duguang balikat ni Nicholas. Ang bata, bagamat takot at duguan ay hindi umiiyak.

"Oh..... Neight!" Muling niyakap ng nag aalalang ina ang anak.

"Sobrang sakit ba ng iyong sugat anak.?" Nag aalalang tanong nito.

"Hindi naman po masyado, Mama." Matapang na sagot ng bata.

"Kailangang dalhin ninyo agad sa bayan si Neight, senyorita. May sugat sya sa balikat. Baka hindi maampat ng tali."

Tumingin si Erlinda sa Ranchero. Si Alfonso, kaibigan ni Vicente.

"M-maraming salamat, Alfonso. Utang ko sayo ang buhay ng aking anak na si Nicholas. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang ginawa mong ito."

Kumawala sa ina si Neight at tumingala sa ranchero.

"Ako ang may utang sa kanya, mama. Buhay ko ang niligtas nya kaya ako ang dapat na magbayad." Mariin at malinaw na sinabi ng bata.

"Sa anumang paraan, Alfonso. Magbabayad ako ng utang." Napangiti ang ranchero dahil sa sinabi ng bata.

"Para kag si Vicente kung magsalita, Neight Navaro. Manang mana ka sa iyong Ama."

"Sabihin mo kung paano ako makaka bayad ng utang, ranchero." Matigas at maotoridad na utos ng bata.

"Neight, anak ak--"

"Hayaan mo sya Erlinda. Tulad ng kanyang lolo Don Alvaro Sebastian. Ayaw nya ding nag kakaroon ng utang na loob. At tulad ni Vicente Navaro, mahalaga ang salita." Ani ni Alfonso na totoo sa loob ang sinasabi. At natitiyak nito na hindi mapapalagay ang bata kung wala siyang sasabihin.

"Dalawang buwan pa lamang ng makapa nganak ang aking asawa, Neight. Isang malusog at napaka gandang babae ang aking anak. Labing walong taon mula ngayon ay papaka salan mo ang anak ko." Wala sa loob na sinabi ni Alfonso.

Nagsalubong ang kilay ng bata.

"Kinokontrata mo ang buong buhay ko paglipas ng labing walong taon, alfonso?".

"Iyon lamang ang kondisyon ko, Neight Navaro. Kung hindi mo gusto. Hindi naman ako nag papabayad ng utang na loob. Kalimutan mo na lamang kung gayon". Pormal ding sagot ni Alfonso na tinapatan ang anyo ng bata.

Bahagyang napahiya ang bata.

"Matutupad, alfonso. Pakakasalan ko ang anak mo sa paglipas ng ika-labing walong tag araw." Mariin at seryosong binitawan Neight ang pangakong iyon na sinabayan ng paglahad ng munting kamay.

Pigil ngiti ay inabot ng ranchero ang kamay sa bata at mahigpit na pinisil.

"Hanggang sa ika labing walong tag araw. Neight Navaro."

___________________________

Pls support din ito.

Pls click the ★ to vote.

Kiss Of A Promise Where stories live. Discover now