Chapter 5: The Engagement

11 1 0
                                    

WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS

Neightan's POV

Sabay sabay kaming naghahapunan tatlo ngayon. At gusto kong magalit kay mama nang sabihin nya kay Raven ang plano para sa kanya.

"Gusto kong magpa party tayo, Neight ," Exited nyang sabi saken.

"Matagal na rin nating hindi ginagawa iyon. Isang taon nang mahigit mula ng huli tayong nagkaroon ng party dito sa mansion. Parang belated debut ni Raven. Sa labing walong taon ng buhay nya ay puro haciendero ang nakikita nya. Poor girl." Sinulyapan ko naman ng kaunti si Raven na tahimik na kumakain.

"Sa pagkakataong ito, hija, magkakaroon ka ng pagkakataon na makilala ang mga binatang kasing edad mo". Dagdag pa niya na lalong nagpakunot sa noo ko.

"Bakit kailangan pa nun, mom?". Tanong ko bago nagpunad ng napkin sa bibig.

"Gusto ni Raven na magpakasal sayo hijo. It is not that I discourage her, lamang baka dahil wala syang ibang nasa isip kundi ikaw kaya desidido sya doon. But if she will met a few men, natitiyak kong magiiba ang damdamin nya. Ano sa palagay mo Raven?".

Tumitig naman ako ng taimtim sa kanya. Nagkibit balikat lamang sya.

"Kayo ang masusunod tita Erlinda. I'd like to meet a guy whom I can be friend with. Perhaps he could teach me a lot of things....". Patay malisya pang sagot nya.

Alam kong hindi sarcastic yun pero ganon ang pagkakarinig ko. What the hell was that Raven! Hindi manlang nya pinansin ang matatalim na tingin ko sa kanya.

"Of course. Pero kung hindi parin nagbago ang isip ni Raven at gusto padin magpakasal sa iyo, then you must marry her, Neight." nilingon nya ako na para bang sinasabi na umayon nalang ako.

"Pati ba naman kayo mama? Alam nyo namang wala akong balak magpakasal kahit kanino."

"Ibang sitwasyon ito, Neight. Word of honor ng mga Navarro at Sebastian ang nakataya. At noong mangako ka kay Alfonso na papakasalan mo si Raven ay naniwala at umasa si Alfonso roon dahil isa kang Navarro".

"Mama, ilang taon lang ba ako nun? Ni hindi sumagi sa isip ko iyon saglit man". Naiiritang sagot ko kay mama. "And it is absurd to force me into marrying her nang dahil lang sa pangako ng isang batang paslit!".

"Matured at responsible ka noon pa man, Neight". Kampanteng sabi ni mama pagkatapos ay nagkibit ng mga balikat. Damn!

"But anyway don't lost hope dahil baka makatagpo ng ibang binata si Raven doon sa gagawin kong party". Hindi na ako kumibo pa sa sinabi ni mama. Nauna na akong umakyat sa taas.

Raven' POV

Lihim na lamang akong napangiti ng makita ko ang halos magdikit na ang mga kilay ni blu.

"Are you really going to give me party, tita?". Nag aalangang tanong ko kay tita Erlinda.

"I'd love to, Raven. It might make him jealous a little pag nakita nyang inaaligiran ka ng maraming kabinataan".

Napanguso nalang ako dahil sa sinabi ni tita.

"Pano kung balewala lang sa kanya kahit sinong guy pa ang manligaw saken? What if hindi nya talaga ako gustong pakasalan?".

"He will marry you, Raven. Natitiyak ko. Kaya lang ihanda mo sa isang simpleng kasal. Sigurado akong hindi nanaisin ni Nicholas na magpakasal ng marangya".

"Anong ibig nyong sabihin tita!".

Napabuntong hininga naman si Tita sa sinabi ko. Whut? Mali ba na magtanong? Erz

Kiss Of A Promise Where stories live. Discover now