Chapter 1: Meeting

19 12 0
                                    

Year 2018, Manila.

Raven's POV

"Do you have an appointment with Mr. Navaro?". Taas kilay na tanong sakin ng secretary sa harap ko.

"No. But I'm sure he wants to see me". Lakas loob na sagot ko. Grabe! Ganito ba talaga kahirap kausapin si Blu? Kanina ang Security Guard, tapos sa Reception. Ngayon naman yung secretary nya. Para ako netong dumaan sa sentry ng mga hapon. Haha.

"May I have your name?" Ano bang problema sakin ng Secretary na ito. Parang galit na ewan eh.

"Raven Nicole Montesa"Tumango lang ang sekretarya sa akin bago nya isinulat sa kapirasong papel ang pangalan ko. Pagkatapos ay tinitigan nya ako. It's getting creepy. My ghod.

Kung maka tingin sya ay parang sanay na sya sa ganong scenario ng mga babaeng gustong kumausap sa boss nya. Well excuse me!. Hindi ganon ang intensyon ko.

Siguro madalas nyang nakikitang babae na bumibisita sa boss nya ay sopistikada. Samantalang ako laking probinsya.

Tingin nya siguro hindi ako ang uri ng babaeng type ng boss nya. Hmp! She's wrong may pangako sya and he can't broke it.

Oo probinsyana ako, pero cultured ang tinig ko sa pag sasalita. Muli na naman nyang pinasadahan ang buong katawan ko. I feel so uncomfortable.

Okay naman ang suot ko ah. Pantalong maong na namumuti na sa sobrang kupas pero nag muka nga itong design. Tapos yung pangtaas ko t-shirt kulay puti. Hindi pa naman ito masyadong luma. Kaya ito nalang sinuot ko.
Ang mahaba kung buhok ay naka tirintas mula sa taas ng ulo at ang dulo sa umaabot sa batok.

"I'm really very sorry Ms. Montesa. But Mr. Navaro is in the middle of an important meeting right now." Maarteng sabi ng secretary ni Blu.

"Kahit na. Aantayin ko sya dito kahit na umabot pa ng kahit anong oras." Determinadong sagot ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko pero kailangan ko syang maka usap dahil kung hindi sa kalye ako nito matutulog. Paano na ito. Hindi pa naman ako sanay dito sa maynila. Huhu itay paano na iton.

"Pero mamaya pa sya matatapos." Paliwanag nung secretary.

"Hihintayin ko hanggang matapos ang meeting ni Mr. Navaro." Nilingon ko ang mahabang divan. Yung bang parang nasa hospital yung pinag aantayan ng pamilya." Maari ba akong umupo dun ataghintay?"

"Sure. Pero tinitiyak ko sa inyong mahihirapan kang harapin si Mr. Navaro. Marami syang appointment sa umagang ito."

"Ikina lulungkot kong maging mapilit, Ms. Pero tinitiyak ko ring hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nakaka usap ang boss mo". Determinadong sagot ko. Pagkatapos ay lumakad na papuntang upuan.

Nakita kong napa iling ang secretary sa akin. Bakit? Hindi ba sya makapamiwalang ang ganitong ka batang babae ay pinatulan ng amo nya.?

Well! Papakasalan ako. Akala nya siguro ay ako ang naghahabol. Well parang ganon na din haha.

Sinikap kong abalahin at libangin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbunuklat ng mga magazine na sa totoo lang ay hindi ko maintindihan. Blanko lang ang tingin ko sa larawang nasa pahina.

Magka halong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Paano kung hindi ako harapin ni Blu? May posibilidad na gawin nya iyon dahil hindi naman nya ako kilala bukod pa sa sinabi nito na hindi nya na gustong maka usap ang kahit na sino na nag mula sa Hacienda Sebastian.

Naiinip na ako dahil dalawang oras na ang lumipas simula ng maghintay ako dito. Wala akong ibang ginawa kundi tignan ang relong naka sabit sa dingding.

At bawat tunog ng telepono ay tumitingin ako sa secretary, subalit lahat ng mga tumatawag na alam kong gusto ding maka usap si Blu ay iisa lang ang isinasagot. Im sorry but he's having a meeting and cannot be disturbed.

Kiss Of A Promise On viuen les histories. Descobreix ara