Chapter 4: The Kiss

10 1 0
                                    

Raven's POV

Hindi mapigilan ni Tita Erlinda ang tuwa nang matapos akong mag kwento about sa pagkikita namin ni Neightan.

"Sinabi mo ba talaga sa anak ko yon?". Naka ngiting tanong nya sakin.

Nilunok ko muna ang pagkain sa bunganga ko bago sumagot.

"Ang totoo, tita Erlinda, kinakabahan talaga ako kanina sa harap ng anak ninyo. But I just couldn't let him intimidate me. Kung makikita ni Neightan ako na sisiksik sa isang sulok pag nagagalit sya ay lalo ko lamang siyang binigyan ng dahilang kaya nyang wag tuparin ang pangako sa itay".

"I'm glad of what you did, Raven. Sana'y naroon ako at nakita ko ang naiinis na itsura ni Neightan". Amazed na wika ni Tita Erlinda.

"Very emotionless. Para ngang bata." Prangka kong sabi. Shit!. Ano ba itong sinabi ko?!

"Im sorry". Naka yukong sabi ko.

"Don't, kilala ko si Neigtan. He has always been bitter and angry. At natutuwa ako at naglakas ka ng loob na harapin ang anak ko. No one would ever dare". Tinignan ako ng seryoso ni tita. Na lalong nagpakaba sa aken."Gusto mo ba talagang pakasalan ang anak ko?".

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Buong buhay ko ay itinanim na ni papa sa isip ko ang mga bagay na iyan. Natatawa na nga lang si Mama dati. Pero hanggang sa magka isip ako'y patuloy na sinasabi ni papa iyan at alam kong hindi na biro iyon. Kaya naman buong pagiisip ko'y natuon sa lalaking mapapangasawa ko pagdating ng ikalabing walong kaarawan ko."

"That's strange, Raven. Ang ibang babae ay ginagawa lahat upang huwag lang mapakasal sa lalaking ipinagkasundo sa kanila ng kanilang ama maliban nalang kung mahal din ng babae ang lalaki. Take my case for example. Nang malaman kong ipinagkasundo ako ng Papa sa anak ni Don Enrique ay agad kung niyaya na magtanan kame ni Crisanto". Pinaglaruan ko lang ang tinidor sa Plato.

"Hindi ko rin po maintindihan Tita Erlinda. All my life ay pinuno ni Papa ang imahinasyon ko ng larawan ni blu pati na ang pag uugali. And in my mind, he became my prince charming and was really looking forward to meeting and marrying him as he promised."

"Limang taon si Neightan nung huli syang makita ni Alfonso, hija. Ang ikinukwento marahil sa iyo ng ama mo ay ang anyo at pag uugali ni Crisanto. Halos magkapareho ang mag ama sa lahat ng bagay maliban sa minana ni Nicholas ang katigasan ng mga Sebastian. Isa pa, magkaibigan at magka babata ang ama mo at si Crisanto. Natatandaan kong gumawa sila nang pangako ni Alfonso sa isat isa na pagdating ng araw ay ipagkalasundo nila ang kanilang mga anak. Kaya naman nang ikinuwento ko sa Papa ni Neightan ang sinabi nito sa ama mo ay tumawa ng malakas si Crisanto. Hindi na raw nanggaling sa kanya ang pangako kundi kay Neightan."

Sandali kaming natahimik. Ipinagpatuloy ko ang pag subo ng mga pagkain sa plato ko.

"I want you to mary my son, Raven Montessa." Napa angat ako nang ulo dahil sa narinig ko.

"Gusto ko rin po. Ang totoo nyan ay nilakasan ko lang ang loob ko sa sinabi ko kay blu kanina na sa ayaw at sa gusto nya ay magpapalasal kame. Pero ang totoo non ay nanghihina na ang loob ko.

"Don't be Raven. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo. Hindi tatalikuran ni Neightan ang pangako nya pero gagawin nya ang lahat para ikaw ang umayaw na magpakasal sa kanya."

"Well, it's another thing when you have an ally."

"At promise gagawin ko ang bahagi ko sa pagsasabi sa anak KO na dapat ka nyang pakasalan. By the way, mag shoping muna tayo ngayon ng mga gamit mo."

"Pero, hindi ko yata matatanggap na--"

"Kalokohan.. Isipin mo nalang na ito ang kabayaran ng Papa sa hindi nito pagpapa sweldo ng maayos sa mga tauhan sa Hacienda. Tapusin mo ang pagkain at pupunta tayong department store."

Kiss Of A Promise Where stories live. Discover now