Chapter 1

4.2K 127 18
                                    


Isang buwan na mula ng magising si Kent, ang lalaking kasama kong tumakas sa sindikato pero wala pa rin siya maalala.

Actually, KL ang sinabi nito sakin noon na itawag sa kanya at wala na akong alam pa tungkol sa kanya.

Kent Ramos ang new identity niya at ang apelyidong Ramos ay surname ni doc noong dalaga pa na siya ipinagamit niya kay Kent.

Sabi ni doc, he's suffering a post traumatic amnesia dahil sa pagkabagok ng ulo niya noong tumakas kami dahilan ng pagkacoma nito ng tatlong buwan.

Ang nakakalungkot ay ang amnesia na ito is either temporary o permanent.

Pero ganoon paman ay ipinapangako ko na hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari lalo pa ngayon na may nag-uugnay saming dalawa. Kaya kahit bumalik man ang alaala nito o hindi ay mananatili ako sa tabi niya.

Kahit natatakot ako na baka kasabay ng pagkawala ng alaala nito ay nawala na rin ang kung anong damdamin na meron siya para sakin noong hawak pa kami ng sindikato sa loob ng halos kalahating taon.

Sa loob ng mga panahong iyon ay madaling nahulog ang loob ko sa kanya kahit may ginawa itong hindi maganda sakin, rason kung bakit may nabuong buhay sa sinapupunan ko.

Flashback. . .

"Please parang awa niyo na. Bitawan niyo po ako. Gusto ko na pong umuwi." Pagmamakaawa ko sa dalawang lalaking may hawak sa magkabila kong kamay pero tila mga bingi ang mga ito at pinagtatawanan lang ako.

Nangingig ang katawan ko sa takot dahil alam ko ang mangyayari sakin sa kamay ng demonyong ito.

Kitang kita ko ang kalunos lunos na sinapit ng isang kasama kong babaeng nakidnap din matapos siyang pinagpasapasahan ng mga lalaking nagbabantay samin.

"Please ayaw ko pong sumama, ayaw ko-"

"Mga pre, saan niyo naman dadalhin itong magandang binibini?" Natigilan ako sa pagpupumiglas ng marinig ang lamig na tinig.

Pag angat ko ng tingin ang halos mapanganga ako sa mukha ng lalaking nasa harap ko. Ibang iba siya sa lahat na lalaking nakikita ko dito dahil sa napakagwapo nitong mukha, hindi mo aakalain na isang tulad nito ay kasapi ng sindikato.

Ngunit ang pagkamangha ko ay napalitan ng matindig takot ng magtama ang tingin namin dahil ang talim ng mga mata nito.

"Pre, ibabyaheng langit lang namin ang babaeng ito." Sabi ng isa may hawak sakin sabay malademonyong halakhak.

"Kung gusto mo ay makisali ka samin, patunayan mo na talagang kasapi kana namin." Dagdag naman ng isa.

Binigyan ko ng nagmamakaawang tingin ang lalaking sa harap namin, baka sakaling iba siya sa mga kasama nito tulad ng pagmumukha nito.

Pero tuluyan akong napahikbi ng marinig ang sinabi nito.

"Hindi ko na kailangan patunayan ang sarili ko dahil matagal ko ng narealize na masarap pala ang buhay dito sa grupo. May libre druga na may mga babae pa. Pero mga pre, baka pwedi nyo namang ibalato sakin ang chicks niyo ngayon. Matatagal tagal na rin kasi akong hindi nakatikim ng masarap na putahe. Pangwelcome gift niyo nalang sakin." Nakangising saad nito at pinasadahan ako ng tingin na parang hinihubaran.

"Pre, pagbigyan na natin itong bata natin. Kumuha nalang tayo ng iba." Sang ayon ng isa.

"Sige, ipapaubaya namin siya sayo sa isang kondisyon." Malademonyong ngisi naman ng isa.

"Anu yun?" Kunot nuong tanong ng lalaki.

"Gusto naming makita kung paano mo ibabyaheng langit ang babaeng ito."

Moskova series #2: The Lost PlayboyWhere stories live. Discover now