Chapter 5

4K 175 126
                                    


"Bheng anak umalis na kayo dito." Mahinang saad ni nanay Merlie ng makalapit samin ni Kent.

Isang tango lang ang ibinigay ko kay Kent at alam na nito ang ibig sabihin kaya inalalayan niya ako para maglakad paalis. Hindi ko na nilingon si papa o ni tapunan ng tingin.

Masamang masama ang loob ko sa kanya dahil hindi paman nakalabas sa mundong ito ang anak ko ay pinagtatangkaan na niya ito nang masama.

Tumulong naman sa pagbitbit ng mga gamit namin sina nanay Merlie.

Pero bago pa kami tuluyan makalabas sa pinto ay muling nagsalita si papa kaya napatigil kami sa paglalakad.

"Kapag lumabas ka sa pintuang iyan ay ituturing kong wala na akong anak sa katauhan mo. Kapag umalis ka dito ay wala ka nang maaasahan sakin, ni singkong duling ay wala lang mahihita sakin. At sisisguradohin kong gagapang kayo sa hirap. Pagsisisihan mo na pinili mo ang walang kwentang tao na yan kaysa masaganang buhay na naghihintay sayo." Panunuyang saad nito.

Lalo akong napaiyak dahil sa sinabi ni papa. Talagang napakalupit nito, kahit sarili niyang anak ay kaya niyang sirain ang buhay makuha lang ang gusto nito.

"Siguro nga papa maghihirap kami sa buhay pero kahit kailan ay hinding hindi ko pagsisihan na makasama si Kent sa buhay ko. Wala po kayong alam sa hirap na dinanas ko noong panahong nawala ako at hindi niyo po nakita ang sakripisyong ginawa ni Kent para sa kaligtasan ko at ng sanggol na ipinagbubuntis ko kaya mas pipilin ko pong magtiis sa hirap kasama ang mag ama ko kaysa manatili dito na ang kapalit ay buhay ng anak ko." Kahit luhaan ay nagawa kong makapagsalita ng mahaba bago kami tuluyang lumabas sa pinto.

Alam kong mahirap ang buhay dito sa amin lalo pa't wala akong trabaho na naiwan dito at alam kong walang makukuhang matinong trabaho si Kent kung sakali dahil wala itong maalala. Pero hindi ako magsisisi na piliin ang ganitong buhay basta't kasama ko si Kent at ang magiging anak namin.

"Bheng magpakalayo layo kayo dito sa hacienda. Ang mabuti pa ay umuwi ka sa nanay mo. Kahit mahirap ang buhay doon ay ligtas kayo dahil hindi abot ng kapangyarihan ng ama mo ang lugar na yun. Mahal ng mga tao doon ang nanay mo, ihahatid kayo ni Tony sa sakayan." Naiiyak na sabi ni nanay Merlie.

"Sige po nay, maraming salamat po pero baka po mapahamak si mang Tony pag nalaman ni papa." Alangin kong sabi.

"Hindi, ako ang bahala. Isa pa magulo ang isip ng papa mo ngayon kaya hindi niya ito iintindihin. Basta mag-iingat kayo Bheng. Pasensya kana kung hindi ka namin natulungan kanina sa kamay ng papa mo nasaktan ka tuloy."

"Ok lang po nay, naiintindihan ko po. Aalis na po kami, salamat po uli." Paalam ko bago sumakay sa lumang pick up na minamaneho ni mang Tony.

Hindi ko aakalain na aabot sa sukdulan ang kasamaan ni papa para balaking ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko.

Hanggang ngayon ay nanginginig ang kamay ko sa takot. Kung hindi lang malakas at magaling makipaglaban si Kent ay baka kung anu na ang nangyari samin ng anak ko. Buti nalang at hindi ito pumayag na mapahamak ang anak namin kaya lumaban ito.

"Nanginginig ka mahal ko, please calm down. Hindi ko na hahayaan masaktan kapa ng ama mo o kahit sino man." Tiim baga nitong sabi sabay hawak sa kamay ko na nanginginig at dinampihan ng halik ang noo ko.

"Mahal, bakit hindi ka agad lumaban? Bakit hinayaan mong saktan ka nila?" Mayamaya'y tanong ko sa kanya.

Si mang Tony naman ay tahimik lang na nagmamaneho.

"Hindi ko naman aakalain na ganoon kasama ang ama mo. Kahit papano ay nirespeto ko siya dahil ama mo siya kaya hindi ko siya sinaktan kaya I'm sorry mahal kung nasaktan ka niya kanina. Pero sa susunod na kantiin niya ni dulo ng buhok mo ay hindi na ako magtitimpi sa ama mo." Dinig ko ang pagngangalit ng ngipin nito sa pagpipigil ng galit.

Moskova series #2: The Lost PlayboyWhere stories live. Discover now