Chapter 9

841 33 18
                                    

Kent POV:

"Take off your clothes." Seryoso kong utos sa pasaway kong asawa ng maibaba ko sya sa kwarto natin.

"Kent na-naman." Nauutal nitong tanggi kaya lalong napakunot ang noo ko.

"Maghuhubad kaba o gusto mong ako pa ang maghubad sayo?" Asik ko dito dahil di pa naghuhupa ang inis ko.

Hindi na ito nagsalita at maiingat na naghubad ng damit nawaring natatakot.

"Saglit lang may kukunin lang ako." Ani ko bago dali daling lumabas sa kwarto.

Pagbalik ko ay naka upo ito papag na hinihigaan namin habang nakayuko.

"Higa ka na." Utos ko dito habang nilalapag muna ang palangganang may malinis na tubig at may bimpo bago hinuhubad ang pantalong suot ko dahil di pa ako nakabilis mula ng dumating ako galing sa bayan.

"S-sorry na, nag-uusap lang naman kami ni Roy, wag ka nang magalit tsaka natuwa lang naman ako kaya napayakap ako sa kanya." Nakayuko nito sabi.

Alam ko dahil kanina pako nakikinig sa usapan niyo,

Gusto kong isatinig pero naaaliw ako sa mukha ng asawa ko ngayon. Ewan ko kung anu ang nangyayari dito na mukha takot na takot sakin at parang natatae na ewan.

Hindi naman ako galit sa kanya pero di ko mapigilang mainis at magselos ng makitang niyakap nito ang lalaking iyon.

Tangina, gusto ko ako lang nakakahawak sa kanya eh.

"Wala akong pakialam kaya humuba-"

"M-mahal naman, kabuwanan ko na next week. Baka masaktan si baby sa gagawin mo eh. Kaya sorry na please, wag mo muna akong parusahan sa paraang gusto mo. Sa umpisa kalang pa naman nagdadahan dahan pero nakakalimot kana sa dulo eh kaya baka matamaan mo na si baby sa loob ko." Kung kanina ay masuyo at mahina ang pakikipag usap nito sakin ngayon naman ay mabilis ito at may kalakasan ang pagkasabi.

Halos malaglag ang panga ko ng maintindihan ang tumatakbo sa isip nito.

"What the f*ck Mahal!!! Wag mo akong umpisahan sa ganyang usapan habang nakakapagpigil pa ako dahil baka makalimutan kong kabuwanan mo na lalo pa't nakahubad ka sa harap ko." Damn, di ko alam kong matatawa ba ako o maiinis sa isiping yan ang tumatakbo sa isip ng asawa ko.

Di ba nito alam na mula ng mag pitong buwan ang tyan nito ay nababaliw na ako sa pagpipigil dahil ayaw kong masaktan ang baby namin kahit alam kong di ito masasaktan pero mabuti na yung sigurado. Tapos ito ang maririnig ko mula sa kanya ngayon.

Such a tempt, tsssk..

" Eh anu ba-" di ko na ito pinatapos magsalita at ako na mismo ang nagpahiga sa kanya bago umpisahang punasan ang buong katawan nito dahil gahibla nalang ang pagtitimping natitira sakin kaya mas mabuting manahimik nalang siya.

"Magpahinga ka muna habang nagluluto pa si nanay ng hapunan at aayusin ko muna ang bubong para di tangayin ng hangin." Sabi ko matapos ko siya bihisan at halikan sa noo.

"Hala, anlakas pala ng ulan. Buti dito na si nanay." Dinig kong anas nito.

"Tsk." Napangisi nalang ako ng magtama ang paningin namin dahil mabilis itong tumalikod habang namumula ang mukha.

-----

Bea Jane POV:

Nagising ako dahil sa malalakas na hangin at kidlat dala ng bagyo.

Naitulog ko pala habang iniisip ang kakahiyang pinagsasabi ko kay Kent.

Kung pwedi ko lang sanang hilingin na lamunin nalang ako ng lupa sa subrang hiya. Kaya hanggang ngayon ay namumula pa din ata ako.

Moskova series #2: The Lost PlayboyWhere stories live. Discover now