Chapter 7

1.9K 68 58
                                    


Saya kaming naghahapunan nina nanay at Kent dahil minsan lang itong nakakasabay namin siya ni nanay na maghapunan sapagkat palaging ginagabi itong umuwi galing sa trabaho.

" Oh Mahal, kain lang ng marami ha para maging malusog kayo ni baby." Masayang saad ni Kent habang nilalagyan ng pagkain ang aking pinggan.

Kahit papanu ay may masarap kaming ulam ngayon dahil kumita siya ng malaki laki sa kanyang mga sideline.

"Tama na Mahal, di ko na yan mauubos eh." Reklamo ko dito ng makitang madaming kanin ang nilagay niya sa aking pinggan.

"Ubusin mo yan Mahal, para makaipon ka ng lakas para sa panganganak mo. At hayaan mo mas lalo kong sisipagan sa trabaho para palagi tayong makabili ng masarap na ulam." Masigla pa nitong wika.

Si nanay naman ay tahimik lang na kumakain at napapangiti nalang minsan. Naaaliw ito sa katangiang ipinapakita ni Kent.

"Nay may gamot pa po ba kayo?" Baling naman nito kay nanay.

"Meron pa naman hijo, wag mo akong alalahanin." Nakangiting tugon naman ni nanay sa kanya.

"Aba'y di naman po pupweding pabayaan kayo nay, kailangan nyo pong magpagaling agad para po may lakas kayo sa pag aalaga ng apo at mga magiging apo nyo." Pilyong saad nito kay nanay na nakangisi.

"Nako, oo na. Ikaw talagang bata ka, kaya nagpapasalamat ako ng labis na ikaw ang naging asawa ng anak ko. Napakabait mo-"

"At napakagwapo po nay diba?" Putol nito sa madamdaming pahayag ni nanay sabay taas baba ng kanyang kilay kaya napatawa nalang kami sa kalokohan ni Kent.

"Hai nako, kumain na nga lang tayo." Sabi ko nalang para makaiwas sa kalokohan ng asawa ko dahil baka saan pa mapunta ang usapan at nagpatuloy sa maganang hapunan.

-----

Payapa kaming nagpapahinga ni Kent sa kwarto matapos nang masayang hapunan. Nagkukulitan at nag-uusap ng mga bagay bagay ng marinig namin ang kaguluhan sa labas ng bahay kaya dali dali kaming bumango para malaman sapagkat nasanay kaming tahimik na ang paligid pag ganitong oras maliban nalang kung may kasiyahan o okasyon ang isa sa mga kapitbahay namin.

"Anu ang inggay na yun anak?" Tanong ni nanay na nakadungaw sa pintuan ng kanyang silid.

" Di pa po namin alam nay, lalabasin palang po namin ng malaman-"

"Edeth! Edeth! Tao po!" Naputol ang dapat kong sabihin dahil sa malakas na tawag at katok sa pintuan.

"Dito kalang mahal, ako na ang titingin." Sabi Kent at inakay ako papunta sa tabi ni nanay bago pagbuksan ang taong kumakatok.

"Edeth! Kent hijo! tulungan nyo kami! Ang anak kong si Mae ay sinasaktan ng kanyang nobyo, hindi namin siya matulungan ng tatay dahil kahit ang asawa ko ay sinuntok ng walanghiyang lalaki lalo pa't may kasama itong mga kabarkda niyang mukhang adik." Mabahang sumbog ni Aling Mayet habang umiiyak.

"Dito kalang mahal, babalik ako agad." Kunot nuong baling sakin ni Kent bago ito dali daling lumabas ng bahay kasama si Aling Mayet.

Kaya di ko maiwasang kabahan dahil alam kong galit ang asawa ko dahil sa kanyang narinig. Naging sensitibo ito lalo na sa usaping babaeng sinasaktan dahil na rin sa nangyari sakin kaya ayaw niyang makakita o makarinig na may babaeng sinasaktan.

"Bheng anak san ka pupunta?" Tanong ni nanay noong nagsimula akong maglakad patunggo sa pintuan.

" Nay kailangan ko pong sundan ang asawa ko, baka po anu ang mangyari sa kanya." Sagot ko.

"Pero anak buntis ka, baka mapanu ka, sa tingin ko eh kaya naman ni Kent ang kanyang sarili." Nag aalalang wika ni nanay habang nakasunod sakin.

" Alam ko pong kaya ni Kent ang sarili niya pero hindi po ako mapakali pag andito lang ako at maghihintay sa kanya." Napapadyak kong sabi kay nanay.

" Naku, ikaw talagang bata ka. Sige na sasamahan na kita." Ani nitong napapailing pa.

-----

"Wag kang makialam dito!!!" Malakas na boses ang aming narinig habang papalapit kung saan ang kaguluhan.

"Makikialam ako hanggat gusto ko dahil hindi tama ang ginagawa mo." Mahinahon ngunit may bahid na inis ang boses na narinig ko galing kay Kent.

"Wala kang pakialam, away naming magsyota ito!!!" Maangas na sigaw ng lalaki na sa pagkakaalam ko ay boyfriend ni Mae na taga bayan.

Ngayon ay nakikita na namin sila dahil pumwesto kami ni nanay kung saan nakatayo ang iba naming kapitbahay na umaagapay kay Aling Mayet na halos himatayin na sa kaiiyak at kay Mang Kanor na may ilang pasa sa mukha.

Kitang kita din namin si Mae sa likod ni Kent na nakalugpok sa lupa habang umiiyak.

Gulong gulo ang damit at buhok nito. May mga galos sa mga bisig at putok ang labi.

Tulad ng ibang mga kababaehan nakaluha din ako sa sinapit nito. Si Mae ay isa siya mga kababata at kaibigan ko dito sa baryo nila nanay.

Kahit kapus sa pera ay lumaking maganda, mahinhin at matalino ito dahil alagang alaga siya ng kanyang mga magulang sapagkat nag iisang anak ito. Kaya nakakadurog ng puso makita ang nangyayari sa kanya ngayon.

"Away magsyota? Away magsyota ang tawag mo nito? Na sinasaktan mo ang walang kalaban labang babae? Ganyan kaba kaduwag at babae lang ang kaya mong bugbugin? Bakla lang ang gumagawa nyan pre." Nakangising asar ni Kent sa lalaki na ikinapikon nga nito.

"Bakla pala ha!!!" Galit na sabi nito sabay suntok kay Kent na mabilis naman nitong naiwasan.

" Ang lamya naman, baka kasi sanay ka sa sabunutan."

"Putangina!!!! Manahimik ka!!!!"

Lalong nagalit ang lalaki dahil sa pang aasar ni Kent kaya nagpaulan ito ng suntok at sipa na ikinasinghap ng mga tao nakasaksi pero ni isa ang walang tumama.

Ang dalawang kaibigan naman ng lalaki ay napapangisi pa sa una ngunit bigla silang napatayo ng gumanti ng suntok si Kent na ikinatumba ng kaibigan nila.

Alam kong malakas si Kent sumuntok at kayang kaya nito ang lalaki pero nakaramdam ako ng kaba makitang kumuha ng upuang gawa sa kahoy ang kasama ng lalaki at balak na ihampas sa likuran nito.

" Sa likod Mahal!!!" Bigla kong sigaw bago pa makalapit ang isang lalaking may dalang upuan kaya nasalag niya ito at nasipa ang kalaban.

Pagkaraan ng ilang sandali halos hindi na makabangon ag tatlong lalaki.

"Umalis na kayo at wag nang bumalik pa dahil oras na makita ko kayo dito ay hindi lang yan ang aabutin niyo." Malamig na saad ni Kent kaya kahit na hirap ay nagtakbuhan sila palayo.

Walang tigil na pasasalamat ng mag asawa sa amin lalo na kay Kent dahil sa pagligtas sa kanila anak.

Maging ang ibang taga baryo ay natutuwa at nagpapasalamat dahil hindi ang sa mga gawain at trabaho nakakatulog si Kent sa kanila kundi itinuturing nila siyang bayani sapagkat hindi ito ang unang pagkakataon na may ipinagtanggol si Kent na taga baryo.

Minsan na din niyang nabugbog at itinaboy ang mga nangungutong na taga bayan tuwing nagdideliver Ang taga baryo ng kanilang produkto.
.
.
.
.

*****

Hey guys, pagpasensyahan nyo na ang update kung ito,. Maraming errors dahil di ko na nadouble check at sorry if boring Ang update..

Pls. Don't forget to vote, comment and follow me....

Thank you.

Moskova series #2: The Lost PlayboyWhere stories live. Discover now