Wanna Tutor Me?

78 1 0
                                    

Chapter 3: Wanna Tutor Me?

Alas siyete imedya na nang dumating ako sa silid-aralan. Dahil sa kaka-internet ko kagabi, nakalimutan kong maglagay ng alarm kaya talagang tumakbo ako papunta dito pagkagising ko. Hindi na nga ako nag-almusal sa kamamadali (at nanghihinayang ako... paborito ko pa naman iyung pagkain namin ngayong umaga: tinapa at kanin!). Bago ka mag-taka, hindi ako nanuod ng bold. Hindi naman sa nagpapasanto ako, wala lang talaga akong oras para diyan ngayong may pasok na. Ibig sabihin no'n, puro research ang ginagawa ko.

"Mukhang pagod ka ah," sabi ni Charlene nang umupo ako. Tumingin ako sa unahan at nakita ang kaniyang ngiti. Maganda talaga si Charlene, yung tipong pang "beauty queen". Nakapagtataka nga talaga kung bakit wala pa siyang nobyo. May hinihintay kaya siya, o sadyang wala siyang interes sa lalake?

"Nagresearch ako kagabi," sagot ko sa kaniya, nakangiti. "Halata ba?"

"Medj. May eyebags ka eh," tawa ni Charlene, daliri niya nakatutok sa akin. "At tsaka, late ka kaya. Bihira ka maging late. Madalas sabay pa nga tayo dumadating eh. Ano ba rinesearch mo?"

"Wala naman," sagot ko sa kaniya na parang hindi masyado importante ang ginawa ko.  Hindi naman sa defensive, pero wala. Ayaw ko lang pag-usapan nang matagalan kasi minsan naiinis ako, lalo na kung ito'y academics. Call me insecure (okay, medyo insecure nga), but whatever. "Naghanap lang ako ng topics para sa senior thesis. In 2 months magbibigay na tayo ng proposal eh."

"Hmmmm," sabi niya, ang mga mata niya nasa akin. Hindi ko maipaliwanag, pero medyo iba ang tingin niya. Kumbaga... softer? Pwede ba yun? Yung tipong pinag-aaralan niya ang mukha ko, pero hindi yung sobrang intense. It's like... how a mother looks at her child. May gentleness. "Ang seryoso mo naman, Luis."

Ha? 

Nga-nga na lang ako. Tumaas ako ng kilay, sabay sabi, "Uhhh... okay?"

Ngumiti ulit siya sa akin at sinapak (mahina lang naman) ako sa balikat. "Compliment 'yun, uy!"

Bago ako makatanong kung ano ang ibig niyang sabihin, nakarinig ako ng tawa sa likod ko. Malakas. At puno ng saya. Tumingin ako sa may balikat ko at may isang grupo ng mga babae sa likuran na nagkwkwentuhan. Isa sa kanila ay isang babae na may kulay-kape na buhok, mata niya berde na may pagka-asul, yung tipong kulay na makikita mo lamang sa mga litrato. 

Sarah Jane Smith.

Isang linggo na ang nakalipas nang una siyang dumating dito sa eskwelahan. Noong unang mga araw, para siyang novelty na kaya mo lang tingnan sa malayo. Amerikana siya eh. Napakabihira ang mga tulad niya na mag-aral sa isang paaralan na hindi International School. Bukod diyan, sigurado ako may naiinsecure sa kaniya. Maganda siya. Maputi. Nahihiya ang mga lalake lumapit, at higit na nahihiya ang mga babae (siguro nga may mga nagseselos pa. Hindi ko sila masisisi). Baka nga marami ring natatakot mabulol, lalo na't Ingles ang wikang sinasalita niya.

Bottomline: Bukod sa akin, wala siyang taong maka-usap.

Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ako nahihirapan na kausapin siya. Bakit ang iba hindi siya kayang lapitan, pero ako walang kaeffort-effort? Sa totoo lang, gusto ko rin malaman iyan. Walang akong nerbyos na nararamdaman kapag lumalapit siya. Kaya ko siyang titigan sa mata (hay nako, kung alam niyo lang kung gaano karami ang tumitingin sa ibang direksyon kapag andiyan na si Sarah. Nakakatawa, promise.) ng matagalan. Wala akong hiya kapag gusto ko humiram ng lapis o humingi ng papel sa kaniya.

Sa tingin ko, tingin ng iba sa kaniya "unattainable." Cannot reach, kumbaga. Amerikana siya, progressive 'yan. Liberal. Langit siya, lupa tayo. Blah blah blah.

Pero noong una ko siyang nakita, sa unahan kasama si Mrs. Blancaflor, nahihiya at pulang-pula ang pisngi, nawala ang mga iyan sa isipan ko. Nakita ko siya bilang tao, kagaya ko. May takot rin siyang nararamadaman. Baka nga hindi niya ginusto pumunta dito. May pinakita siyang signs of weakness, kaya siguro, hindi ako natatakot o naiilang sa kaniya. Kasi alisin mo ang pagiging Amerikana niya, parang din siya ako. O si Charlene. O si Alejandro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Girlfriend Kong AmerikanaWhere stories live. Discover now