Part 7

43 4 0
                                    

May mga taong sinasaktan ka on purpose at may mga tao ding hindi nila alam na nakakasakit na

pala sila,parang kagaya ni Kyle,alam kong hindi niya alam na nakakasakit na pala siya sa

akin.Pero masisisi niyo ba ako kong kahit na nasasaktan ako,hindi ko parin magawa siyang

kamuhian?crush ko siya,Crush lang diba!?Pero ba't sa tuwing nililigtas niya ako mula sa

pagkakahulog at sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya,ba't parang hindi lang Crush yung

nakikita at nararamdaman ko?

Ang wierd ko na naman ba?sa tingin ko tama naman kayo,ang wierd ko nga,akalain mo yun!?

Mahal ko ang taong sinasaktan ako?Bagay na talaga akong dalhin sa mental ano!?papunta na ako

ngayon sa school at naglalakad ako ngayon.Napag isip isip ko lang,paano kaya nakaka tyming si

kyle sa tuwing nahuhulog ako!paano niya kaya nalalaman na nasa lugar na yun ako.

Habang nag-iisip ako,may bigla nalang akong naramdaman na kumapit sa bewang ko at diritsong

hinalbot ako palayo sa nilalakaran ko and in a swift motion,may isang malaking truck ang dumaan

sa mismong dinadaan ko,ibig sabihin T____T naging Tanga na naman ako.

"Buti alam mo."

O______O ang boses na yun,hinarap ko yung nagmamay ari ng boses na yun at nung mga

brasong inilayo na naman ako sa piligro.

"Kyle!?"

"Tsk,kailangan mo pa ba talagang bigyan ng question mark ang pangalan ko?"

"sorry." sabi ko nalang,ayoko na siyang pagalitin,ayokong nagagalit siya sa akin.

Narinig kong huminga siya ng malalim at

"sabay nalang tayong pumasok sa school." napa angat naman kaagad ang ulo ko sa sinabi niya at

ipinalabas ko kaagad ang maganda kong ngiti.Well hindi naman effective sa kanya ehh,parang

hindi niya kasi ako napansin,parang wala lang,pero ok lang,atleast niyaya niya akong sabay

kaming pumasok.Masaya na ako ron.

Napaka tahimik niyang naglalakad,ako naman nagnanakaw ng tingin sa kanya,ang taas niya at

ang ganda pa ng jaw line niya,yun bang ahhh basta hindi ko ma explain,yung ilong niya kapag naka

sideview siya makikita mo talaga kong gaano eto ka tangos,tapos yun mga pilik mata niya

masyadong mahaba para sa lalaki,Naiingit tuloy ako,panigurado kong babae siya,ang dami niya

sigurong mga manliligaw.

Kahit nga lalaki siya ang daming mga babaeng umaaligid sa kanya ehh.May kakaibang aura talaga

The Greatest Gift I haveWhere stories live. Discover now