Final Wave

56 1 0
                                    


5 Years Later


Kyle's pov



Sa loob ng limang tao,wala akong ibang naramdaman kundi kalungkutan at pighati.

"Kyle,tama na yan,umuwi kana." sabi sa akin ni Steven.

"Hayaan mo nga ako." sabi ko sabay inum ng pang limang baso ko ng tequila.komusta naman!? heto ako ngayon wasak na wasak,at nagsusunog ng baga sa isang bar. kasama ang lalaking nagngangalang Steven.

"kong nandito siya hindi niya talaga magugustuhan yang ginagawa mo." Napahinto ako, at binagsak ng malakas ang basong hawak ko, nakita ko pang dumugo ang kamay ko dahil sa pagkabasag nito. Paki ko!? saka ko siya hinarap.




"Pero WALA SIYA DITO, LINTEK EHH, INIWAN NIYA AKO, AKALA KO BA MAHAL NIYA AKO, PERO ANONG GINAWA NIYA? INIWAN NIYA AKO, INIWAN NIYA AKO NG WALANG PASABI, INIWAN NIYA AKONG NASASAKTAN, NANGUNGULILA AT........"

"HINDI LANG IKAW ANG NASASAKTAN KYLE, KAYA HUWAG KANG MAGPAKA GAGO, KONG TUTUUSIN ANG SWERTE MO NGA EHH, DAHIL IKAW ANG PINILI NIYA BAGO SIYA....." tama nga siya, ako nga ang pinili niya pero iniwan niya ako, INIWAN.




Natahimik kaming dalawa. Sa loob ng limang mahabang taon maraming nagbago at kasali kaming dalawa non, simula nong mawala siya, hindi na naging maayos ang galaw ng buhay ko, at kong noon hindi kami magkasundo ni Steven. Ngayon siya na ang palaging nanjan sa tabi ko, ang taong naging kaibigan ko na, ang taong nanjan sa tuwing nasasali ako sa ramble at gulo, ang taong nanjan kapag nagwawala ako dahil sa sobrang lasing, ang taong nagbabayad sa mga iniinom kong beer at kong ano pa, ang taong sinisigawan ako lalo na kapag tungkol sa kanya at ang taong nagpapatino sa akin kahit na impossible na akong tumino.





Hinay hinay niya akong inalalayan Patayo, tapos binayaran niya ang bartender, saka kami lumabas sa lugar nayun, isinakay niya ako sa sasakyan niya, saka niya tahimik etong pinaandar at hanggang sa makarating kami sa bahay ko. Walang sabi sabi niya akong ulit, inalalayan, wala na naman ako sa sarili kong katinuan, hindi naman talaga ako ganon ka lasing, sadyang hindi ko na talaga nakakaya ang katawan ko kapag umiiyak na ako at lasing pa.




Tahimik niya akong ipinasok sa bahay tapos sininyasan niya ang mga maids na siya na ang bahala, sanay na naman ang mga eto sa ganitong eksena, sa loob nga naman ng limang taon kong pagiging ganito, impossibleng hindi sila masasanay. Tahimik niya akong ipinasok sa kwarto ko saka pinaupo sa kama. Kinuha niya ang isang upuan don sa study table ko saka inilagay sa harapan ko at saka siya dun umupo.




Tahimik lang kami,saka niya binasag ang katahimikan.

"Kyle, kailangan mong bumangon, hindi na siya babalik, wala na siya, pakiusap huwag mong pahirapan ng ganyan ang sarili mo, kong nakikita ka niya ngayon, paniguradong malulungkot siya." Palagi naman talagang ganito si Steven sa akin, palaging sinasabihan akong magbago, kaso paano ko yun gagawin kong ang taong rason ko para maipagpatuloy ang buhay ko ay wala na!?

The Greatest Gift I haveWhere stories live. Discover now