Part 12

29 4 1
                                    

"Kyle!??" sambit ko
"Tsk,obvious bang ako?ba't mo ba palaging binibigyan ng question mark yang pangalan ko?"
"hehehehe naninigurado lang kasi..."
"kasi ano!??" naku po>___<hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na iniisip ko siya kanina pa.

"Kasi gusto ko nga lang makasiguro baka kasi hindi ikaw yan at baka may nanggagaya lang sayo."
"ok" sagot niya,at tumalikod para umalis
"Kyle,ba't ka ba ganyan?ba't ka palaging nagagalit?ba't hindi ka ngumingiti? at ba't parang may galit
ka sa lahat ng taong nakakasalamuha mo?"

Hindi ko alam kong asang lupalop ang mga words na yun nanggaling basta bigla bigla nalang
silang lumabas sa bibig ko.Kaya humarap sa akin si Kyle,pero hindi na ako naka upo kundi
nakatayo nako.
"Dahil minsan mas mabuti ng makita kang palaging galit para di mahalata ng iba kung kailan ka
nagagalit dahil sa selos na nararamdaman mo." At umalis na siya.

ok!??Ano naman ang ibig sabihin non!?? hindi ko siya gets.Para daw hindi siya mahahalata na
galit dahil sa selos!??Ehhh sino naman kaya ang pinagseselosan niya!??Naku naman kyle,para
kang Math ang hirap mong e solve.

naglakad lakad muna ako para maaliw ang sarili ko at nung feel ko na kailangan ko nang
magpahinga pumunta na ako sa kwarto ko.Pero hindi ako ganon kadaling nakapunta sa kwarto
ko.Pagkapasok ko sa mismong bahay na tinutuloyan naming lahat,bumungad naman sa akin ang
mga Pugita na nasa sala nanonood ng TV,kaya nilagpasan ko lang sila,like hello ba't ko naman
sila papansinin.Pero nung aakyat na sana ako sa hagdanan may bigla nalang napunit kaya
napatingin ako sa likod ko.

And there stood Lea and her evil companions.At may hawak si Lea na kapiraso ng damit ko,so siya pala ang may gawa,kawawa naman ang Blouse ko.
"Ano bang ginawa ko sa inyo ha!!" galit kong sabi
"Tinatanong mo pa!?" sabi nung isa niyang kasama
"Ikaw.ang landi landi mo,pagkatapos mong landiin si Steven ngayon si Kyle na naman!??" banat
naman nung isa.So yun pala,nakita nila siguro.

"Hoy,kayo hindi ko sila nilalandi,at isa pa huwag nga kayong mag imbento ng storya,anong
pinagsasabi niyong nilalandi ko si Kyle ha!"
"Nakita namin kayo." sabi ni Lea,sabi ko na nga ba ehh nakita nga nila.Pero swear to God wala
kaming ginawang miglagro ha!!

"Talaga!!Anong nakita niyo!??" paghahamon ko kay Lea na siyang ikinagalit niya,kaya bigla nalang
niyang binunot ang buhok ko at yung mga kasama niya hinuhubaran ako.Tang*na hindi ko kaya
silang lima,napaiyak nalang ako,wala akong magawa para maipagtanggol ang sarili
ko,naramdaman ko nalang na bra nalang ang naiwan sa pangitaas ko at ngayon wala na akong
belt at punit narin ang jeans ko.

"Hoy!! Tigilan niyo yan." God,thank you.May biglang sumigaw na siyang ikinahinto nilang lima at
biglang tumakbo paalis ron,habang ako naman napa upo nalang ron.Nakakainis hindi ko
inaasahan na magagawa nila ang ganonng bagay,ng dahil lang sa selos,hindi ko inaasahan na
kaya nila akong ganonin ng dahil lang sa bagay na hindi ko naman ginawa.Mas lalo tuloy akong
napaiyak.Ano bang ginawa ko at ginaganito nila ako!?

Naramdaman ko nalang na may naglagay sa akin ng tuwalya at yumakap sa akin,kaya napatingin
ako sa taong tumulong sa akin.
"Ate Angel." this time yumakap na talaga ako sa kanya.
"Tahan na,okay na." sabi niya sabay haplos ng likod ko.Anghel nga talaga siya.
"Halika na magpahinga kana." sabi niya at inalalayan niya akong umakyat patungo sa kwarto
ko.Pagkarating ko sa kwarto agad agad akong nagbihis at natulog.

Masyado akong napagod dahil sa ginawa nila at sa pag-iyak ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising ako dahil sa isang musika,kaya napabangon tuloy ako.Sinundan ko ang pinanggalingan
nito hanggang sa makalabas na ako sa bahay makarating sa isang lugar na hindi ko pa nakita
mula nong nakarating kami rito.


Isang lugar na puno ng bulaklak,mapapangiti ka talaga,dahil napaka fresh at ganda ng mga
bulaklak,nasa isang pavelion ako na puno ng bulaklak.Ewan ko lang kong asan nanggaling ang
music na yun at bigla nalang ding nawala pagkarating ko.

Ang sarap ng simoy ng hangin,parang nawawala na tuloy yung sakit na naranasan ko kanina.
"Sorry." may biglang nagsalita na siyang ikinalingon ko.
"Steven?" siya nga,ngayon ko pa siya ulit nakita,asan naman kaya nanggaling ang mokong nato!!?
"Stev--" Hindi ko na natuloy ang dapat kong sabihin dahil bigla bigla nalang niya akong niyakap.At
naramdaman kong may tumulo sa balikat ko.Nakapa weird talaga ng taong to,nag so-sorry ng
walang kasalanan tapos bigla bigla nalang yayakap para umiyak.Ayos ahh.

"Huwag ka munang magsalita,ako muna." sabi niya na still nakayakap parin sa akin.Kaya hindi ako
nagsalita at hinayaan ko nalang siya.
"Alam ko na ang nangyari." O____O
"Sino nagsabi sayo?" tanong ko

"Hindi na importante yun,alam mo bang nagalit ako nung nalaman ko yun!?galit ako sa mga taong
gumawa ng ganon sayo,pero mas galit ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa,wala ako dun
kong saan mas kailangan mo ko,palagi nalang akong huli." At mas lalo pang humigpit ang
pagkayakap niya sa akin.Sa tingin ko si Ate Angel ang nagsabi non sa kanya wala namang ibang
taong nandon kanina ehh,pero yung unang nagsalita ba't nga ba boses lalaki yun!??di bale na
nga.

Naiintindihan ko na siya,kahit na ako,kung may mangyari man na ganon sa kaibigan ko magagalit
din ako sa sarili ko.Lalo nang first bff ko siya.

Niyakap ko rin siya at

"okay,na ako,at saka hindi mo naman kasalanan yun ehh,kaya huwag kanang mag-alala okay!??"
at saka pa ako bumitaw sa kanya.At gaya nga nang sabi ko,umiiyak nga siya.

"Huwag ka na ulit iiyak ha!!" sabi ko sa kanya sabay pahid na rin ng mga luhang natitira sa mga
mata niya.


"Sa susunod sisiguraduhin kong ako ang nanjan sa tabi mo kapag gagawin nila ulit yun." ngumiti
nalang ako sa sinabi niya,alam kong nag-alala siya sa akin,pero sisiguraduhin ko rin na lalaban
na talaga ako ng buong lakas sa susunod na gagawin nila sa akin yun.

At naglakad na kami pabalik sa bahay na tinitirhan namin.Dumiritso na ako sa kwarto ko,pagod
parin kasi ako,3 hours lang ang tulog ko dahil sa ingay ng music na gawa ni Steven kaya babalik
nalang ako sa pagtulog.Pero bago ako makahiga sa kama ko,may nasulyapan ang mga mata ko
na siyang ikinagulat ko.Si Kyle nasa ilalim ng puno na malapit sa kwarto ko,nakaupo at

Umiiyak.

The Greatest Gift I haveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ