Part 18

35 4 1
                                    

Binuksan ko ang windshield at kinuha ang sinulat niya,napangiti nalang ako,ibig sabihin nakita

niya ako,pero ang higgit na ikinasaya ko ang ang katutuhanang walang nag-uugnay sa kanilang

dalawa ni Angel.Pero dapat ba akong maniwala kong nakita ko naman siyang ngiting ngiti at

mukhang masaya nung nag-uusap sila ni Angel don sa beach? 

Sakto ding lumabas si lola at pumasok sa kotse,saka ko pa siya tinanung

"Ano po bang ginawa niyo sa bahay na yan?"kalmado kong tanong para di mahalata ni lola

"Ako kasi ang personal designer ng anak ng may-ari ng bahay na yan,ikinunsulta ko lang kong

anong gustong kulay ng damit ang gusto ng anak nila para sa prom." Oo nga speaking of prom

malapit na rin pala yung amin.

"Ahhmm lola,yung sinasabi niyong anak ng may-ari ng bahay na yan,lalaki po ba?"

"Oo,Kyle ang pangalan." 

sabi ko na nga ba ehh.

"Ahh ganon po ba,matagal na po ba kayong personal designer niya?"

"Hindi naman bago lang,kasi ayaw nila nung unang designer na nakuha nila,panget daw gumawa

ng damit."

"ahhh." kaya pala wala siyang alam na classmate ko ang de-nidesignan niya,buti nang ganito,para

iwas tukso ni lola,lalo pa kong malaman niyang Crush ko yung lalakeng yun.Crush ko pa rin nga

ba!?

"Nga pala Cha,may ipapakilala ako sayo bukas,kaya you need to get home early,is that clear?"

Wow grabehh naman tong si lola maka 'is that clear' para naman akong late umuwi.

"Okay po."

--------------------------

[kinabukasan]

Pagpasok ko ng school,nabigla ako sa nasaksihan ko.Biglang tumahimik ang buong paligid at

lahat ng mata nasa akin lang naka tingin.Wow ganon ba talaga ka grabehh ang transformation ko?

grabehh naman kong ganon,so talbog ko na pala talaga si Aprodite.Papasok na sana ako sa

room namin ng may biglang bumangga sa akin kaya nahulog lahat ng libro ko.

"ohh sorry ha,pa tanga tanga ka kasi,yan tuloy nahulog ang mga books mo."e narting sabi ni

Lea,hindi nalang ako sumagot  at pinulot ko na ang mga libro ko.Pero habang nagpupulot

ako,naramdaman ko nalang bigla ang pag hablot ng buhok ko,mataas pa naman etong buhok ko

at may malalaking curl na eto ngayon.Kaya automatic na napatayo ako at nahulog na naman ang

mga libro ko.Hindi pa sila na kontento at huhubaran na naman sana nila ako kong walang pang

tumulong sa akin.

"Itigil niyo yan kong ayaw niyong ma suspended." sabi nong boses lalaki at saka sila

nagtakbuhan,ako naman inayos ko muna yung buhok ko at uniform saka pinulot ang mga libro ko.

The Greatest Gift I haveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon