Chapter Five

93.8K 2.3K 167
                                    

"Fucking bastards." Mahinang mura ko habang pinapanood ang CCTV footage ng parking lot ng bar na ito.

Kinuyom ko ang kamay at pilit na kinalma ang sarili. Earlier, when we heard Xander say that something happened, I thought something happened with my friends. Hindi ko inakala na kotse ko pala ang tinutukoy nito. A bouncer let them know that someone’s car has been vandalized and they are trying to find out whose car it was. Riley was the one who identified that it was mine. 

My car was the definition of wreck. Basag ang mga salamin, yupi ang harapang bahagi, flat tires at kung dati blue ito ngayon ay nagkulay rainbow na ito. My baby. 

“Miss,” Tumingin ako kay kuyang guard nang magsalita ito. He was pointing at the screen which made us look too. 

May isang itim na Montero ang tumigil sa harap ng parking lot at may lumabas na limang kalalakihan, kasing dami ng lalaking nanggago sa kotse ko. Maliban sa mga nakatakip ng mga panyo ang mga gagong nanggago sa kotse ko ay mga nakasuot din ito ng mga sumbrero. May mga dala silang mga baseball bat at mga spray paint. Pinanood ko kung paano nila gaguhin ang sasakyan ko, kung paano basagin ang mga salamin nito. 

Isa sa mga lalaki ang biglang tumigil sa paghampas ng baseball bat nang biglang may marshall na sumita sa kanila. Dahil dito, natigil din ang iba at kumaripas ng takbo papunta sa sasakyan nila. Looking at them, I could see them laughing. Isa lang ang pagkakamali nila, iyon ay ang hindi nila tinakpan ang plate number ng kotse na gamit nila. Agad ko naman itong binigay kay Eden. Alam na niya ang gagawin duon.

“Thank you, sir.” Pasalamat ko rito bago lumabas ng office nila. Now we'll wait. 

Napangisi ako sa mga naiisip ko na pwedeng mangyari once Eden find out kung sino man ang mga ito. Endless possibilities. Dumiretso ako sa parking lot ng bar, ignoring the fact that Austin is at my side. He's been with me since Xander said what happened and here I am trying to make his presence disappear. 

Naabutan ko na nandoon pa sa parking lot ang mga kaibigan ko pati na rin ang kambal. Nandoon din si Kenshin at Angelo. They're all waiting for us. Nakapalibot ang mga ito sa dalawang sasakyan. Ang kambal ang unang nakapansin sa amin. Umayos ng tayo si Alex habang si Xander naman ay naglakad palapit sa amin. Hindi ko inaasahan na narito rin pala si Alex. 

“Princess,” Narinig ko na sinabi ni Xander bago ko naramdaman ang pag-akbay nito sa akin. 

Natigil ako sa paglalakad dahil dito. Did he just call me princess? Naramdaman ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata ko at ang panlalamig ng katawan ko. Bahagya ko ito na nilingon at naabutan ito na nakatingin sa akin. He was smiling at me. 

“I mean, it's okay to give you a nickname, right? Si Austin nga kitten ang tawag sayo.” Kasunod pa nito na sinabi. 

Hindi ko alam ang isasagot dito kaya tumango na lamang ako rito. Nagpatuloy ito sa paglalakad kaya naglakad na lang din ako. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at napansin ko ang gulat sa mga mukha nila bago ito itinago. 

“Xander,” I heard Austin say beside me. Kinilabutan ako sa lamig ng boses nito. 

“Bakit?” Xander asked as he kept his hands on my shoulder. 

“Do you want to die?” Malamig na sinabi ni Austin. It was said dangerously low that I could hear the threat in it. 

Hindi ko maiwasan na mainis dito kaya hinarap ko ito at sinamaan ng tingin. Wala siyang karapatan na sabihin iyon kay Xander.

“Shut up.” Mariin ko na sinabi rito. My brows furrowed when I saw a ghost smile on his lips. Tila nasisiyahan ito sa nakikita niya. 

Sa tabi ko ay naramdaman ko ang pagyanig ng katawan ni Xander sa pagtawa. Lilingunin ko sana ito nang bigla nitong ilagay ang kamay na nasa aking balikat sa ulo ko. He gently patted my head before messing my hair. 

The Killing Dance (Snow White and the Seven Reapers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon