Chapter Nine

63.8K 1.9K 34
                                    

"Andrea Montenegro! Open the goddamn door!"

Bakit ba hindi nila magawang umalis na hindi ako kasama? I wanted to go to sleep more. Mas lalo ko pang idiniin ang unan sa tainga ko to block there voices, but to my luck, lalo pang sumigaw si Eve. Dinagdagan pa ang halos makasira niya na mga katok.

"Hindi ka talaga tatayo?" Narinig kong sinabi niya. Hindi ko siya sinagot. "Blade, dumating na ba yung clown?!"

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ko nang marinig iyon. Wait. Did she just say clown? Shit. Agad akong tumayo sa kama at halos takbuhin ko na ang pinto para buksan ito. When my fingers felt the familiar cold, rounded metal, I harshly swung it open.

"I'm up!" Sigaw ko sa kanila. "I'm up!"

I wanted to punch her face when I saw that she had a face that said, 'I win'.

"Good. Now, fix yourself. Aalis tayo in twenty." Nakangising utos nito. I made a face at her, nang tumalikod na ito sa akin.

Bakit ba kasi pumayag ako sa gusto nila? Sana ay natutulog pa ako ngayon. Sino ba kasi ang may pakana na pumunta daw kami sa isang amusement park today dahil kanselado naman ang klase. Napangiti ako ng malaki nang maalala ko ang pinaggagawa namin kahapon. Kanselado ang pasok ngayong araw dahil sa gulong ginawa namin. Nangawit sa kakatawa ang mga panga namin habang nanunuod kami kahapon.

Paano namin napanood? Well, it was Eve's fault. She hacked the university's system and Blade installed hidden cameras around the school, then connected it to my computer

I did my daily morning rituals. Nakasuot ako ngayon ng isang simpleng balck V-neck shirt, faded jeans, and my black beat-up Converse shoes. I kept my face as make-up free as possible with only mascara and face powder. I also strapped two daggers to my leg for safety purposes. Palabas na sana ako ng kwarto ko nang mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na kwintas sa night stand ko. I just stared at it, debating to myself if I'm going to wear it or not.

"Andrea, we're going!" Narinig kong sigaw ni Blade. Before I knew it, nakalapit na ako sa aking night stand at sinuot ang kwintas.

Four hours have passed; halos lahat na ng rides dito ay nasakyan na namin. Kumakain kami ngayon except Blade, ayaw niyang kumain dahil parang bumabaliktad pa rin daw ang sikmura niya at baka daw isuka niya lang daw ulit yung kinain niya.

"What's the next ride?" I heard Mirai ask.

"Rollercoaster." Magkasabay nilang sagot kay Mirai maliban si Blade.

"No shit, Sherlock!" Mabilis na angal ni Blade. "Ayaw ko ng sumuka!"

Halos maibuga ko ang iniinom ko na soft drinks dahil natatawa ako sa itsura niya habang umaangal. Naalala ko ang nangyari kanina pagkababa namin ng Rollercoaster. Habang kami nagsisigaw sa saya at sa adrenaline rush, siya sobrang tahimik niya at naka-poker face pa sa kabuuan ng ride. Sobrang putla niya pagkababa namin at maya-maya nga ay sumuka na ito sa trash can na unang nakita niya.

Nagtatawanan pa rin kami kahit sobrang pula na ng mukha niya at patuloy pa rin ang kantyawan nila. Inilibot ko ang tingin, sobrang saya ng lugar na ito, parang walang problema na nage-exist dito. Napakasaya ng mga bata, kasama ang mga pamilya nila.

Pamilya.

Napako ang aking tingin sa may carousel ng mapansin ko ang isang lalaking nakatingin sa direksyon namin magkakaibigan. He was wearing a tux and shades, preventing me from knowing who he was. Nakatingin lang ito sa amin, then, not a moment later, he smirked. Nabitawan ko ang hawak ko na easy can open soda. Narinig ko ang impact nito sa sahig at alam kong narinig iyon ng mga kaibigan ko kaya nanahimik sila.

The Killing Dance (Snow White and the Seven Reapers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon