Chapter Sixteen

77.7K 1.9K 97
                                    

"We collected all the bullets inside the house and inspected them, and as expected, they're not ordinary bullets. The body has an engraved sword with a snake pierced through it, and we both know who it was."

Hindi ko inalis ang tingin sa ballpen na hawak ko habang pinapakinggan si Eden. After what happened the other night, pinapunta ko si Eden sa bahay ko para linisin ito at mag-imbestiga na rin. Hindi ko mapigilan na tumaas ang kilay habang patuloy ito na nagsasalita. 

"It was them," I heard Riley say. Tahimik lamang ako na nakikinig sa pinapaliwanag ni Eden.

"Right, but there's more." Nakuha nito ang atensyon ko nang sabihin niya ito. 

Sinundan ko ng galaw si Eden. Mayroon siyang kinuha mula sa lamesang nasa tabi niya at sinimulang ipamigay ito sa amin. It was a bullet. Nang maibigay na sa akin ang bala ay agad ko itong tinignan at sinuri. Tulad nga ng sinabi ni Eden ay mayroong naka-engrave sa katawan nito na espada habang may ahas na nakatarak dito. I frowned nang mapansin ko na may maliit na button sa pinakadulo nito at nang mag-angat ako ng tingin ay tila nalaman ni Eden ang tanong na nabubuo sa isip ko.

"Kung napapansin niyo, may maliit na button sa pinaka-dulong part ng bala. Iyan ang una kong napansin maliban sa naka-engrave. When you push it, a string of red light will be seen." Humarap sa pader si Eden at ilang segundo lang ay may isang linyang kulay pula na ilaw ang nakita namin.

"But what's with the laser?" I heard Mirai ask, and like Eden, she was also pointing the bullet at a wall.

"Good question. When you look at the light on the wall, it only looks like an ordinary red dot, but when you look closely, you can see that there's something in it. Let's go to the back." Mabilis na utos nito bago naglakad patungo sa likod ng kwarto.

I cocked an eyebrow, but nevertheless, I did what she said, and when I faced them, a string of curses was heard from them. I frowned and looked up, locking my gaze on Riley's hardened eyes.

"Riley?" Tinignan ko din ang iba. Lahat sila ay naging blanko ang mukha sa kung ano man ang nakita nila na nasa likuran ko.

"They finally found us." Iyon ang tanging sinabi niya sa akin at ang naging hudyat para tignan kung ano man ang tinitignan nila.

Madali ak umikot para makita kung ano ito. Naramdaman ko ang panlalamig ng buo ko na katawan at tila ba para akong kinakapos sa paghinga. Nagsimula na rin akong pagpawisan ng malamig habang nakatitig sa mga salitang nasa harapan ko.

Did you miss me, my lovely princesses? See you really soon.

Ipinikit ko ang mga aking mga mata at pilit na kinalma ang sarili. When I finally felt calm, paunti-unti ko naramdaman ang excitement sa mga susunod na mangyayari. I couldn't help the smile making its way onto my lips as I thought about what could happen. 

Finally, they found us. 

Nang magmulat ako nang mga mata ay nakita ko sila na nakatingin sa akin. They're looking at me expectantly, as if waiting for my command. Ngunit hindi ako nagsalita. Nanatili ako na tahimik. Ibinaling ko ang tingin sa nakasulat sa pader. 

Now, let’s begin.

A phone ringing startled me, making me jump against my seat. I looked over the dashboard, where the phone was vigorously vibrating. Kinuha ko ito at tinignan ang caller I.D. Iginala ko ang tingin sa paligid, trying to find out if there’s something unusual around me. When I saw nothing, tuningin muli ako sa aking cellphone para bigyan ito ng pansin.

It was an unknown number and with better judgment but before I could ask who it was, the person on the other line of the phone beat me. 

"Princess?" I sighed in relief when I recognized the voice. It was Xander. "Andrea, are you alright? Nasaan ka na? Kanina pa kami nandito."

The Killing Dance (Snow White and the Seven Reapers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon