Chapter 2

6.7K 249 8
                                    

"Congrats,Mr.Shuck,you are hired now," pagbati sa kanya ni Ms.Rostov.

Inabot niya ang kamay nito na nakalahad sa kanya. Sa totoo lang kanina pa nga siya kinakabahan na baka hindi siya matanggap.

"Maraming salamat,Ma'am..alam kong hindi naging maganda ang huling records ko pero tinanggap niyo pa rin ako," aniya na labis niyang kinatutuwa.

"Lahat tayo deserve ng 2nd chance saka isa pa may mga istudyante talagang mapusok kaya tayo minsan ang nalalagay sa alanganin," friendly nitong saad.

Magandang babae ito kahit sinong lalaki magugustuhan ito pero may pakiramdam siya na sa dating ng aura nito parang ang taas-taas nito. Yun bang hindi niya ito maaabot? Hindi niya alam basta may aura ito na hindi ito basta-basta babae lamang kahit napakagenuine ng pakikitungo nito sa kanya.

"Saka kulang talaga kami sa guro ngayon eh,kaya tamang-tama nag-apply ka dito saka qualified ka naman not mention to what happen sa last record mo," anito na may ngisi sa mga labi.

"Maraming salamat,Ms.Rostov,"nasisiyahan niyang tugon. Ngayon lamang siya ulit nakaramdam ng saya pagkatapos ng mangyari ang nakasangkutan niyang iskandalo sa dating pinagtuturuan niyang unibersidad.

Binigyan talaga siya nito ng bagong pag-asa na makapagsimula muli. Lihim siyang napabuntong-hininga. Kung hindi lamang sa eskandalo na nakasangkutan niya sa huling eskwelahan na pinagtrabuhan niya hindi sana siya mawawalan ng pag-asa na makapagturo pa pero nalaman niya ang Esferial University. Malayo man ito sa siyudad masasabi niyang isa ang unibersidad na ito na pinakamahusay dahil sa mga istudyante na gumagradweyt dito na may magandang records. Swerte talaga niya at hindi siya pinabayaan ng Diyos dahil kahit nalugmok siya sa nakaraan nagkaroon uli siya ng pag-asa na makapagsimula muli at lalo na ang makapagturo muli na siya ng bahagi ng kanyang buhay.

"Sana magustuhan mo dito sa pananatili mo dito,ang layo pa naman nito sa siyudad," anito sa palakaibigan na turan.

Napangiti siya. Mukhang magkakasundo sila ng Dean na ito.

"Oo naman..isang malaking opportunity at pagkakataon itong binigay niyo sakin,Ma'am." matapat niyang saad.

"Well,gusto ko lang mainspired ang mga students namin dito sa oras na may gwapong bagong guro na sila ngayon," pagbibiro nito sa kanya.

Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. "Salamat,hindi kayo magsisisi sa pagtanggap niyo sakin," aniya at sisiguruduhin niyang magiging mabuti siyang empleyado ng paaralan ito.

"Hindi naman kasi mapili si Ms.Esferial kung sino ang gusto magtrabaho dito kaya agad na inaprobahan niya ang application mo," anito.

"Paano ko kaya siyang mapapasalamatan,Ma'am?" aniya.

Alam niya ang tungkol sa may-ari ng unibersidad base sa pagkukwento sa kanya ng mga tagarito sa lugar na ito.

Mapribado daw ang buhay nito kaya wala sino man ang nakakakilala pa rito at nakakakita sa hitsura ni Ms.Esferial. Sobrang kuryuso siya na makita ng personal ang may-ari.

"Ahm,isang bagay lang na pwede mo isukli sa kanya,Mr.Shuck,"pagseseryoso nitong bigla." Ang huwag lumapit sa kinaroroonan ng private office niya,siguro naman nabasa mo ang rules ng unibersidad?"anito.

Agad na tumango sya. Hindi niya aakalain na ganun talaga kapribado ang may-ari ng unibersidad nito.

"Makakaasa kayo na hindi ko lalabagin yun ngayon binigyan niya ako ng pagkakataon na makapagturo muli," matapat niyang saad.

May ngiti na muli sa maganda mukha nito sa sinabi niyang iyun.

"So,see you on monday?" anito.

"Yes,ma'am..maraming salamat ulit,"nakangiti niyang tugon rito.

Isang matagumpay na ngiti ang muli gumuhit sa mga labi niya na ngayon ay makakapagturo siyang muli makalipas ang isang taon na pamamahinga niya.

Bumuga siya ng hininga.

" Sino makakapagsabi ngayon na hindi na ko makakabawi ulit sa buhay ko ngayon,"usal niya sa sarili at nilibot ng mga mata niya ang kabuoan ng unibersidad.

Dahil sa eskandalo iyun nasira ang imahe niya bilang isang guro sa Maynila.

Sinira ng dating istudyante niya ang reputasyon niya bilang isang guro na wala nais kundi ang makapagturo sa mga tulad nito na nangangailangan ng edukasyon.

Marahas siyang bumuga ng hangin. Kinalimutan na niya ang mapait na nakaraan niyang iyun. Malayo na siya sa mga tao na humusga sa kanya.

"Namiss ko ang Sir Axel Jax na tawag nila sakin," usal niya muli sa sarili.

Sinuyod niya muli ang kabuoan ng unibersidad. Malawak at malalaki ang gusali. Talagang ginastusan pero ang nakakabilib doon may ibang kurso na libre lang. Nakakamangha.

Sana isang araw makilala niya ang may-ari ng Esferial University. Well,umaasa pa rin siya na sana isang araw makadaupan-palad niya ito.

Sobrang pasasalamat niya talaga kay Ms.Esferial. Hindi siya nito hinusgahan at tinanggap na tila ba wala siya naging problema sa dati niyang pinagtuturuan.

Napangiti siya at hinayon ng mga mata niya ang dulong bahagi ng unibersidad kung saan naroroon ang private office ng may-ari.

Off-limit man iyun sa kanila wala naman limit ang binibigay nitong pag-asa sa isang tulad niya na sinubok ng kapalaran.

Napabuntong-hininga siya pagkaraan. Ipapakita niya muli sa buong mundo at sa mga taong humusga sa kanya na kaya niya muli bumangon muli. Na may karapatan pa rin siyang ibahagi ang kaalaman sa mga magiging istudyante niya.

Magiging isang mabuting impluwensya at modelo siya sa mga nakakabata sa kanya.

"Maraming salamat,Ms.Esferial. Binigyan mo ako ng panibagong pag-asa. You are a god-sent."bulalas niya sa kawalan.

Natawa siya sa inaakto niyang iyun. Mabuti na nga lamang walang klase sa araw na iyun kung hindi baka kanina pa siya pinagtitinginan ng lahat. Well,who cares,kung meron man may makakita sa kanya. He want to show sa buong mundo kung gaano siya kasaya ngayon.

Napakswerte pa rin niya at alam niyang isa siyang mabuting tao kaya masaya siyang muli at may pag-asa muling makapagturo.

Pumihit na siya upang lisanin ang lugar na iyun. Nasasabik na siyang magturo muli.

Hmm,kailangan niyang magselebrasyon kahit mag-isa lang siya. Sobrang masaya lang talaga siya.

Damn,para tuloy siyang bata na binigyan ng candy ng isang di kilalang tao.

Isang malaking ngiti ang sumilay sa mga labi niya.

Sana isang araw mapasalamatan niya ang may-ari ng unibersidad na ito.

Umaasa talaga siya na mangyayari yun!

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon