Chapter 41

5K 166 3
                                    

Hindi niya hinahayaan na lumipat ang bawat oras na hindi niya sinisigurado ang kaligtasan ni Axel Jax. Kahit isang linggo na ang lumilipas mula ng may sumunog sa inuupahan ng kasintahan patuloy pa rin siya sa pagbabantay sa kaligtasan nito. Kahit na magkasama sila sa isang bahay alerto pa rin siya. Mahina man na ituturing nila ang mga tao mga tuso din ang mga ito. Alam niya iyun sa tagal na niya sa mundong ito. Mulat siya sa pangyayari sa mundo ito na mismo rin ang mga tao din ang may gawa.

Kasulukuyan siya nasa bintana ng tree house niya at nakatanaw sa pag-aari niyang unibersidad. Hinihintay niya matapos ang klase ng kasintahan.

Natanaw niya mula sa malayo ang bulto ni Ma'am Nimfa. Palagian itong lumiliban sa trabaho pero may lagi itong rason na acceptable naman sa kaniya. Pinanuod niya ang paglalakad nito palabas ng escualahan. Narating nito ang gate at huminto ito tila may hinihintay hindi naman nagtagal may isang kotse na huminto at may lumabas na dalawang lalaki.

Kinausap ito ng guro at bigla may kung ano siyang nararamdaman na hindi maganda pagkakita pa lang niya sa dalawang lalaki.

Hindi maganda intuition ko sa mga yun!

Tinandaan niya ang mga mukha nito at bago ito mawala tumanaw ito sa kung saan at sinundan niya iyun. Nakita niya ang bulto ng kasintahan na kakalabas lang sa isang silid-aralan.

Naikuyom niya ang mga palad.

Hindi maganda 'to! Ligalig ng inner wolf niya.

Malakas ang pakiramdam nila mga lobo. Tumalim ang mga mata niya ng makita sumama si Ma'am Nimfa sa mga ito.

Kailangan natin mabantayan ang kilos ni Ma'am Nimfa!

Sinang-ayunan niya ang sinabi ng wolf niya. Hindi sila matatahimik ng wolf niya lalo na kung ang kasintahan ang sangkot sa kakaibang kinikilos ng guro.

May pagtataka pa rin kay Axel Jax ang bigla pagbabago ni Andrea. Umaakto itong na tila ngayon lang sila nagkakilala nito. Naipilig niya ang ulo.

Agad na winaksi niya ang isipin na iyun ng marating niya ang treehouse ng nobya. Nakangiti ito sa kanya habang nakatunghay sa kanya mula sa bintana nito.

"Magandang hapon,mahal na prinsesa!" pagbati niya rito na sinamahan pa niya ng pagyukod.

Mahinhin itong natawa sa ginawa niya.

"Magandang hapon din,magiting kong mandirigma," ganti tugon nito.

Napangisi siya at mabilis na inakyat niya ito. Nasasabik na siyang mahalikan ang kasintahan.

Damn,he's crazy in love with her.

Sa sobrang pananabik niya rito pinangahasan niya na angkinin ito at puno ng pagmamahal naman na tinugunan siya ng dalaga.

"May napansin lang ako kay Andrea,nitong nakaraan araw mula ng maging istudyante ko siya parang may iba sa kanya,parang...ngayon lang kami nagtagpo?" hindi na niya napigilan isawika iyun sa kasintahan na malambing na nakayakap sa kanya.

Nasa tree house pa rin sila at tanging longsleeves polo niya ang suot nito habang nakaupo patagilid sa kandungan niya.

"Pinakiusapan ko si Zei na burahin niya ang alaala ng nakaraan iyun ni Andrea at ng damdamin niya para sayo," tugon nito.

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ng kasintahan.

"For real? Wow..." maang at mangha niyang saad.

"Zei is god..everything is possible for him,"anito.

" Now I know..kailangan ko pasalamatan si Zei,"aniya ng makabawi sa pagkamangha.

"I will tell him na gusto mo siya makausap," nakangiti saad ng kasintahan.

"Yes,karangalan ang makaharap ang isang panginoon na tulad niya," mangha niyang turan bago niya muli halikan ang kasintahan.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon