Chapter 3

6.2K 195 4
                                    

Tatlong buwan na mula ng magturo so Axel Jax sa Esferial University. Mabilis siyang nakapag-adjust sa paligid. Hindi siya laking probinsiya pero dahil sa tulong ng mga kapwa guro niya mabilis lang niya natutunan ang klase ng pamumuhay sa lugar na ito kung saan napakalaking pagkakaiba mula sa lugar na kinalakhan niya.

Walang pagsisisi na dito siya nagpasyang mamuhay ng panibagong buhay at sa pagtanggap sa kanya ng unibersidad na ito wala ng mapaglagyan ang tuwa niya. Akala niya wala ng pag-asa pa na makapagturo siya dahil sa iskandalo na kinasangkutan niya sa huling ekswelahan na pinagtuturuan niya pero hindi siya hinusgahan ng may-ari ng unibersidad. Tinanggap siya nito ng patas at ng wala panghuhusga.

Kaya naman nagnanais pa rin siya na makilala ito ng personal at makapagsalamat. Ngunit alam niya ng walang posibilidad iyun dahil sa pagiging mailap at mapribado nitong personalidad. Siguro balang-araw mangyari yun,maghihintay siya.

Kasuluyan siyang nag-iikot sa buong unibersidad,gawain niya iyun kapag oras na ng klase at habang libre siya nag-iikot siya para manita ng istudyante na sa tingin niya ay hindi pumapasok sa mga klase nito at nakatambay lang sa kung saan-saan.

Inayos niya ang suot na salamin sa mata. Hindi naman malabo ang mata niya pero nagsusuot lang siya niyun upang makabawas man lang iyun sa atensyon ng mga isyudyante niyang babae.

Pinagmukha niyang istrikto ang kanyang dating para sa ganun hindi na maulit pa ang nangyari noon. Nainlove sa kanya ang isa sa istudyante niya at doon siya napahamak at nilubog sa kahihiyan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ayaw na niya iyung maulit pa kaya naman mula ngayon hindi na siya friendly sa mga istudyanteng babae na siyang nagpahamak lamang sa kanya. His parents both died many times ago and his younger sister. Malungkot maging mag-isa pero syempre nagkaroon din naman siya ng kahit papaano maranasan na makipag-date pero hindi naman iyun nauuwi sa isang seryosong relasyon. Isang pagkakamali nga sa kanya na naging affectionate siya sa mga babae na mas bata sa kanya dahil sa kagustuhan niya makaranas ng isang nakababatang kapatid na babae.

Pumanaw ang nakababatang kapatid niyang babae dahil sa sakit na leukemia. Mahal na mahal niya ito gayun nga lang maaga ito kinuha sa kanya na noon ay highschool pa lamang siya.

Paliko na siya para sumilip sa likod ng gusali ng biglang nay tatlong lalaking istudyante ang humahangos na tila ba hinahabol ito ng kung ano.

"Saan kayo galing tatlo?" istrikto sita niya sa mga ito.

Pawisan at humihingal na lumapit sa kanya ang mga ito. Pareho din namumutla.

"Sir!!"sabay-sabay na bigkas ng mga ito.

"Anong nangyayari sa inyo? Bakit maputla kayong tatlo? Hindi ba may klase kayo ngayon?"istrikto pa rin niyang turan sa mga ito.

"S-sir..m-may nakita k-kaming w-white lady dun sa dulo!"nanghihilakbot na turan ng isang lalaking istudyante na namumutla pa rin.

Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig.

"Sino nagsabi sa inyo na pumunta kayo dun?"pagalit niyang sita sa mga ito.

Hindi nakakibo ang mga ito bagkus yumuko lang.

"Bumalik na kayo sa room niyo,ngayon din!"matiim niyang utos sa mga ito at mabilis naman tumalima sa utos niya.

Sinulyapan niya ang dulong bahagi na kinaroroonan ng private office ng may-ari ng eskwelahan na ito.

White lady?

" Mga kalokohan ng mga kabataan ngayon,"usal niya na sinabayan niya ng pag-iling.

Muli niyang sinulyapan ang nakasaradong opisinang iyun. Weird nga sa pakiramdam kapag malapit lang siya roon. Pakiramdam nga niya kapag nadadaan siya rito tila ba lagi may mata na nakasunod sa kanya.

Pakiramdam mo lang yun. Masyado kang paranoid,Shuck!

At Axel Jax,hindi ka na bata para mag-astang bata din na tinatakot ang sarili..sita ng kanyang isip.

Marahas siyang bumuga ng hangin at pumihit na para sundan ang tatlong istudyante kung sumunod nga ang mga ito sa kanya.

Habang tumatagal ang pagtuturo niya sa unibersidas na ito mas lalo lamang siya nalalamon ng kuryusidad tungkol kay Ms.Esferial. Hindi niya alam pero tila bang may umuudyok sa kanya na labagin ang pinakaunang rule ng unibersidad.

Maghunus-dili ka,Axel Jax! Baka nakakalimutan mo na malaki ang utang na loob mo kay Ms.Esferial kung hindi dahil sa kanya wala ka ngayon rito at tahimik na sinisimulan ang bagong buhay mo! Paninita ng kanyang isip.

May mga istudyante na bumabati sa kanya na nakakasalubong niya sa hallway. Tinatanguan lamang niya ang mga ito. Lalo na ang mga babaeng istudyante na hindi man kinukubli ang pagkamangha ng mga ito sa kanya.

Ayaw na niyang masangkot pa sa kahit anong gulo. Hindi niya sasayangin ang binigay na pag-asa ni Ms.Esferial sa kanya.

Nang matiyak na niyang wala na siyang masisita bumalik na siya sa faculty upang ihanda ang mga gagamitin niya sa pagtuturo. Ilang minuto na lamang magsisimula na ang klase niya.

Nang mapuna ang kulay pulang papel na hugis puso ay alam na kaagad niya kung kanino iyun galing. Napailing na lamang siya. Dinampot niya iyun at nilagay sa gilid ng desk niya kung saan doon din niya nilalagay ang mga nauna pang sulat. Hindi lamang ang mga istudyante niya ang nagbibigay sa kanya ng ganun love letter ultimo ang kapwa guro niya.

They are in the same room pero nagiging romantic ang admirer niya kaya kahit minsan napapangiwi siya sa pagbibigay nito ng love letter na sa tingin niya ay pangbata lang hindi na niya binibigyan ng pansin at ayaw naman niyang maoffend ang nagbibigay sa kanya niyun.

Nang maisarado na ang binuksan na drawer nilisan na niya ang faculty upang puntahan na ang classroom kung saan siya magtuturo sa oras na iyun.

Sabi nga nila napakaboring mamuhay sa ganitong klaseng lugar at sa isang gaya niya na lumaki sa siyudad mahirap nga naman talaga pero ang iskandalo na kinasangkutan niyang iyun ang nagturo sa kanya kung paano magtiis at maappreciate ang isang bagay na dati ay binabalewala lamang niya at hindi niya aakalain na magiging parte ng bagong buhay niya. Sa lugar na ito dito niya nahanap ang bagong pag-asa. Ang bagong Axel Jax Shuck.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon