Chapter 13

5.4K 198 11
                                    

Barely updates. No WiFi in my place nakikonek lang ako sa anak ng amo ko hehe once nga lang..salamat. Sorry sa wala updates.

Wala siyang ideya kung ano nga ba ang consequence na ipapataw sa kanya ng may-ari ng Esferial University dahil sa paglabag niya sa rules nito.

Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito. Hindi gaya ng maiskandalo siya ng istudyante niya,well,pagkadismaya ang nangingibabaw sa kanya noon hindi gaya ngayon. Tila ba isasalang siya sa pagbitay dahil sa ginawa niya. Siguro nga dahil guilty siya kaya naman ganun na lang siya kadismaya para sa sarili niya.

Agad na napalingon siya ng bumukas ang pintuan ng opisina ni Ms.Valerie Rostov.

"Good morning,Ma'am," pagbati niya rito. Ayaw niyang pangunahan ang magiging parusa niya.

Patatalsikin na ba siya nito?

Hindi na ba force resignation ang magiging record niya?

Termination.

Kung iyun ang ipapataw sa kanya hindi na talaga siya makakapagturo pa!

Makakapagturo man siya. Malamang sa bundok kung saan hindi abot ang edukasyon na nakatira roon at ang masaklap pa doon wala siyang makukuhang sahod!

Nakangiti naman itong tumugon sa kanya. Kahit papaano nababawasan niyun ang kaba at pangamba niya dahil sa maaliwalas nitong mukha.

"Morning,too,Sir Axel Jax..have a seat," tugon nito.

"Well,nakausap ko na si Ms.Esferial.." simula nito habang nakatitig sa kanya. May kinang ng kung ano ang mga mata nito na hindi niya lamang malaman kung ano.

Seryoso na tumango siya rito. Gustuhin man niyang ibalik ang magandang bukas ng mukha nito hindi niya magawa dahil sa kaba at...kabiguan.

May inilapag ito sa harapan niya sa ibabaw ng desk nito. Nagsalubong ang kilay niya ng makita na isang susi iyun na may keychain na lobo o aso?

Naguguluhan na nag-angat siya ng tingin rito at nakangiti naman ito.

"Susi iyan ng private office ni Ms.Esferial," nakangiti nitong saad na kinaawang ng bibig niya.

"Bilang parusa sa paglabag mo sa rules niya,you have to clean her office everyday after work,okay?"magiliw nitong saad. May mahihimigan na tila may ibang kahulugan ang sinabi nito.

Napamaang siya sa narinig na kinatawa ng huli. Puno ng kaaliwan ang maganda nitong mukha.

Tumikhim siya. Ang kanina kaba na naramdaman niya ay napalitan ng hindi kapani-paniwalang emosyon.

That's it?! Maglilinis siya ng opisina ni Ms.Esferial bilang parusa niya?!

"Minsan tinutulungan ko siya maglinis ng opisina niya pero kapag medyo busy ako siya na ang naglilinis mag-isa,so,dahil lumabag ka sa rules niya..ikaw na ang bahala sa office niya ngayon,okay?"

Maang pa rin na napatango na lamang siya sa sinabi nito.

Ganun kabait si Ms.Esferial para parusahan siya ng ganun?

Ang maglinis ng opisina nito araw-araw?

Gusto niyang mapangiti pero pinigilan niya. Unexpected iyun. Lalo lang sumidhi ang pagnanais niya na makita ang may-ari ng unibersidad bukod sa nalaman niya na kaedaran lang niya ito pero sobrang matagumpay na.

Nagmamay-ari na ito ng isang unibersidad sa napakabatang edad.

Tinitigan niya ang susi na nasa palad niya. Magsisimula na ang parusa niya mamaya;ang maglinis ng opisina ni Ms.Esferial.

Napabuga siya ng hangin na may kasamang ngiti sa mga labi niya. Agad na inayos niya ang sarili baka may makakita pa sa kanya na ngumingiti mag-isa.

Naeexcite siya. Iyun ang nararamdaman niya ngayon.

Excitement.

Umaasa kang ikaw ang una na makakakita sa kanya,anang ng isip niya.

Naningkit ang mga mata niya sa likod ng salamin na walang grado dahil sa pinipigilan niyang emosyon na tumango sa sinabi ng kanyang isip.

There's no impossible in this world,mind.

Saka,swertehen man na magpakita ito sa kanya talagang siya ang kauna-unahan tao na makikita ng personal ang misteryosang si Ms.Esferial!

Pagkakataon na rin niya iyun upang magpasalamat rito ng sobra.

Napakabuti ng kalooban nito. Panigurado hindi lamang ang panloob nito ang maganda!

Paano mo naman nasabi yan? Sure ka ba na maganda siya? Anang ng isip niya.

Masyado ka mapanghusga,isip.

Ang kagandahang ng loob ang siyang nagpapaganda sa panlabas ng anyo ng isang tao.

Ang importante sa kanya ay kung ano ang nasa loob ng isang tao.

Isa si Ms.Esferial na may mabuting kalooban na hinahangaan niya.

Ang swerte lang niya na natagpuan niya ang lugar na ito at dito niya makikilala ang isang tao nagbigay sa kanya ng bagong pag-asa.

Nasasabik na siya makilala ito ng personal. Kaya sana pahintulutan siya ng nasa itaas na makilala ang pinadala nitong anghel na sumagip sa kanya mula sa kamiserablehan ng buhay niya.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCWhere stories live. Discover now