Chapter 22

5.4K 215 9
                                    

Hindi na napigilan ni Mia-Ashly ang pagguhit ng ngiti sa kanya mga labi sa sinabi ng binatang guro.

Napakurap-kurap ito ng malamang matanto nito ang sinabi.

"Uhm," anito at tumikhim. "Pasensya na kung pinangahasan kong pumasok rito.." anito na tila napahiya sa kanya.

Iwas ang mga mata nito sa kanya at hindi maalis sa mga labi niya ang ngiti na ito ang dahilan.

"Ayos lang.." aniya habang magiliw nila pinagmamasdan ng wolf niya ang binatang guro.

Ang gwapo niya sa suot niya !! Alingawngaw ng wolf niya.

Nakalong sleeves polo ito na kulay asul na pinaresan ng kulay na itim na maong na medyo hapit sa mamasel nitong hita at binti. He's so lean and fitted. Tila itong isang modelo ng isang clothing line.

"Hindi ka ba nag-eenjoy sa party?" pukaw niya rito pagkaraan nila puriin ang binata na walang kamalay-malay.

"Ang totoo kasi naisip ko na sana dumalo ka.."ang sagot nito.

Dayum! I'm sure may gusto na siya satin!!!

Hey,don't say bad word! I don't like it..agad na sita niya rito gamit ang isip.

Oops! Sarreh,naexcite lang ako,prinsesa..

"Pinapanuod ko ang kaganapan hanggang sa matapos ang party," tugon niya.

"Uh,ganun ba.."

"Gusto mo makita kung saan ako nagmamasid?" aniya.

Yan gusto ko,mahal na prinsesa!

Agad itong tumango. Nangniningning sa excitement ang mga mata nito.

Napangiti siya sa tinuran nito at saglit ito natigilan ng ngumiti siya rito.

Tahimik itong sumunod sa kanya. Umakyat siya sa hagdanan na gawa sa kahoy at inakyat niya ang maliit na kubo na nasa puno ng mangga.

"Tree house.."mangha nitong saad.

Lumapit siya sa bintana at mula roon tanaw niya ang nagaganap na kasiyahan.

Agad na kumabog ang dibdib niya ng maramdaman ang pagtabi ng binata sa kanya.

"Nakakamangha," manghang-mangha nitong saad habang nakatanaw ito sa kasiyahan.

"Dito ako palagi hanggang sa matapos ang maghapon.." aniya.

Bumaling ito sa kanya. Mataman siya nito tinitigan at buong tapang na sinalubong niya iyun.

"Maaari ko bang tanungin kung bakit ayaw mo magpakita sa mga tao?"saad nito. Puno ng kuryusidad ang tono at masasalamin sa mga mata nito.

"Hindi naman sa ayaw ko..mas gusto ko na hindi ako kilala ng lahat para sa ganun hindi ko maranasan ang pangilagan at katakutan ako," kung malalaman nila na isa akong lobo.

Nagsalubong ang mga kilay nito.

"Bakit ka naman pangingilagan o katatakutan?" Kuryuso nitong saad.

Ibinaling niya ang mga mata sa unahan.

"Siguro dahil naiiba ako.."anas niya.

"Isang nakakamangha babae ang isang tulad mo kahit sino mamangha sayo..at ..at isa na ko dun,Ms.Esferial.." anito.

Napabaling siya rito at mataman pala ito nakatitig sa kanya.

Nasasalamin sa mga mata nito ang paghanga nito...para sa kanya.

"Namamangha ka sakin?" usal niya.

Tumango ito."Yes,"mabilis nitong tugon.

"Salamat,Axel.." aniya. May kung ano mainit na bagay ang kumalat sa buong mukha niya.

Nasaksihan niya ang pagngiti nito.

"Wow..uh,pwede bang tawagin lang din kita sa pangalan mo?" anito.

"Okay lang naman.." aniya.

Muli ito napangiti. Lalo ito gumagwapo kapag ngumingiti ito. Lumilitaw ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin.

"Salamat,Mia-Ashly.." sambit nito sa pangalan niya.

Bigla sumiklab ang init sa bawat himaymay ng kanyang ugat.

Oh no..we're in heat now,princess!!

Naikuyom niya ng mariin ang mga palad.

"Can I stay here for awhile..with you?" matiim nitong saad.

Oh no..anang ng wolf niya.

"Walang problema.." sagot niya.

Ugh! I hate you! baka Bigla ko siyang dambahin!

No worry,everything is under control.

Oh yeah,I'm burning now!

I want to be with him..so,please,hold yourself.

I'll try..



The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon