PROLOGO

3.7K 49 0
                                    

Time and Attention is the most important thing to keep your relationships strong.

Nagpa alam na kami kila mama silva at lagi lang nila pinapa-alala na mag ingat kami sa byahe at dumalaw muli.

Tahimik na nagmamaneho si jared.

"Dy, balik tayo sa susunod na buwan sa inyo huh? Please." Sabi ko pero wala pa rin syang imik.

"Uy, mister." Tawag ko sa kanya but no response again.

"Woy, naririnig mo ba ako. Tsk bahala ka nga jan kanina ka pa eh hindi mo ko pinapansin." Dagdag ko pa.

Kainis, maayos naman kami simula kanina tapos nagka ganito na. Nag j-joke time ba sya? Tsk bahala na nga nakaka inis.

Hindi ko na ulit sya kinulit hanggang sa nasa tapat na kami ng bahay namin.
Hinintay ko pa sya saglit na magsalita pero wala talaga.

Nakaka-asar talaga wala naman akong ginawang masama para ganituhin nya ako huhu.

Lalabas na sana ako ng kotse nya ng bigla nyang hinawakan yung braso para hindi tuluyang maka labas.

"Bakit?" Angil ko pa.

Hindi sya nag salita at naka tingin lang sya sa labas.

"Alam mo kung wala kang balak na mag salita mas mabuting lalabas na ako. Hindi ko alam kung anong problema mo. Kanina naman okay pa tayo tapos biglang ganito na." Mahinahon pa ako nyan.

Lalabas na sana talaga ako ng bigla syang mag salita at ang sinabi nyang 'yon ay ang ikaguho ng mundo ko.

"Maghiwalay na tayo," seryosong sabi nya at naka tingin na sya ngayon sa akin.

"Ito na nga oh, maghihiwalay na tayo. Uuwi kana sa inyo ako din ganoon. Ano pa?" Yan lang ang lumabas sa bibig ko na nag babaka sakali na yun naman talaga ang gusto nya at mali lang ako ng pagakaka intindi.

"Hindi ako nagbibiro." Sabi nya pa.

"Hindi rin naman ako nagbibiro ah."

"Tsk, maghiwalay na tayo, mag break na tayo, Ayoko na." Sabi nya at tinignan ko sya ng mabuti at walang bakas sa mukha nya na nag j-joke time sya.

"B-bakit? May nagawa ba akong mali? Bakit! Hindi ko maintindihan." Sa huling sinabi ko tumaas ng konti ang boses ko.

"Wala lang gusto ko lang makipag hiwalay." Parang gagong sabi nya.

Nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko at konting kurap na lang mahuhulog na ito.

"Ganun lang yon? Dahil gusto mo lang? Ano to laro ha, pag-ayaw mo na pwedeng pwede kang umayaw kapag ginusto mo. Ano to ha! Hindi ko maintindihan. Maayos naman tayo ha, tapos biglang magkaka ganito. For fuck sake jared naman wag naman ganito. Para kang tanga eh. Sabihin mo na ngayon pa lang kung nag j-joke time ka lang please."

Nag-uunahan na mahulog ang mga luha ko. Tinignan ko sya at walang nag bago sa mukha nyang walang emosyon.

Nasasaktan ako sobra sobra. Ang sakit lang marinig sa kanya yang gayong wala naman siyang dahilan para makipag hiwalay.

"Hindi naman lahat ng bagay kailangan may dahilan diba. Eh sa ayoko na nga eh may magagawa ka ba?! Ayoko na sa relasyong to, naiintindihan mo?" Sabi nya.

Tumango-tango ako at pinunasan ang luha ko pero kahit anong punas nito may panibago nanaman.

"BAKIT NGA! IMPOSIBLENG WALANG DAHILAN POTA! Sabihin mo kasi ng maayos." Umiiyak na ako sa harapan nya.

Gusto ko syang sigawan ng sigawan at baka sakaling magising siya.

"Wag na natin pahirapan pa ang isa't isa. Dito rin naman punta nito bakit hindi pa natin madaliin. Kalimutan mo na ako. Isipin mo na lang hindi mo ako nakilala sa buong buhay mo. Wala akong magandang maidudulot sayo. Tutal bata ka pa naman marami ka pang makikilala jan." Sabi nya at parang wala lang sa kanya yung mga sinasabi nya.

Eh ano yung sinasabi nya na wag ko sya iiwan? Pero sya naman pala ang mang iiwan. Yung nagdaang araw na magkasama kami ano yon? Pakitang tao lang? Pero hindi eh ramdam kong masaya sya lagi nyang sinasabi sakin na mahal na mahal nya ko.

Almost perfect na yung mga araw na magkasama kami. Walang naging problema puro happy moments lang yung naramdaman ko nung araw na iyon.

"Hindi ganun kadaling kalimutan ka, kung sayo madali lang pwes sakin sobrang hirap. Please nag mamaka-awa ako wag naman ganito please parang awa mo na Mahal na mahal kita please, gagawin ko lahat wag lang ganito. Ano bang ayaw mo sa ugali ko? Kung may ayaw ka babaguhin ko sabihin mo lang, masyado ba akong clingy? Ano? Selosa ba ako masyado? Please babaguhin ko lahat yon wag lang ganito please please." Humahagulgol na ako.

Nilagay ko yung mga palad ko sa dalawang mata ko pero patuloy pa din ang pagbuhos ng masaganang kong mga luha.

Alam kong nagpapaka-martyr na ako pero okay lang basta para sa kaniya.

"Umayos ka, walang babaguhin sayo. Ayoko lang talaga sa relasyon na to, nakaka sawa. Napag-isip isip ko na bakit ba ako pumatol sa bata. Look nakikita mo sarili mo? Nagmamakaawa ka na parang ako lang ang lalaki sa mundo, ayoko ng ganyan. Nagmamaka-awa din ako, Lumabas ka sa kotse na to na prang walang nangyari, kamilutan mo ako, isipin mo na wala kang nakilala na tulad kong gago." Sabi nya.

Ang sakit, sobrang sakit yung tipong pinipiga ang puso ko, parang dinudurog.

Ang sakit sakit dahil yung nakilala kong jared hindi ganyan mag salita. Hindi nya hahayaan na umiyak ako ng ganito. Bakit biglang nag bago.

"Ano yung mga pinapakita mo sakin nitong nag daang linggo? Ano yon!? Sabi mo pa sakin kani-kanina lang wag kitang iwan, papakasalan mo pa ako tapos ganito na nangyari ha! Ano sabihin mo! Nakaka inis ka naman eh, dapat una palang hindi mo na pinaramdam sakin na parang ako lang ang babae sa mundo. Dapat nung nag hiwalay tayo nung unang beses dapat hindi mo na ulit akong binalikan dapat hinyaan mo na lang ako hanggang sa makalimutan kita. Ano to bumabawi ka lang ha! Mahal kita eh alam mo yan. Oo bata pa ako pero alam ko yung nararamdaman ko. Please sabihin mo kung anong problema wag ganito." Tuloy-tuloy na sabi ko kahit yung iba kong sinabi ay pumipiyok-piyok pa ako.

"Please, im begging you. Tumahan ka jan, ayusin mo ang sarili mo. Umalis ka sa kotseng ito na parang walang nangyari at wala kang nakilalang tulad ko. Wag na wag kang lilingon. Umalis ka na please lalo mo lang pinapahirapan sarili mo. Kalimutan mo na ako. Hindi na mag babago ang desisyon ko."

Tumango-tango ako.

"Sige. Kung yan ang gusto mo, maghiwalay na tayo kahit na sobrang sakit na kayang kaya ko pa din ipag siksikan ang sarili ko sayo pero alam kong hindi na magbabago ang isip mo, sige gusto mo yan. Sige pag bibigyan kita. Ito lang ang hiling ko na sana hindi na muling mag tagpo ang landas natin. Wag na wag ka rin mag papakita sakin at kahit sa kabilang buhay." Masakit sa dibdib yang mga sinabi ko sa kanya pero wala na akong pakealam. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kotse nya at tulad nga ng sabi nya iisipin ko na hindi ko sya nakilala.

Hindi ako lumingon tuloy tuloy lang ako tulad din ng aking luha.

Isang babae at lalaking nagmamahalan ng lubos ngunit paano nila mapapatatag ang kanilang relasyon kung ang kanilang pagmamahalan ay galing sa madaliang proseso.

Tunghayan natin ang pagmamahalan nina JARED PEARSON at KHENZY ASHFORD.

---
Please let me know if i have error on this chapter.

Thankyou and spread love

Click the vote if you like this.

Time And Attention [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora