TATLONGPU'T APAT

890 24 2
                                    

KHENZY POV

Nagising ako sa ingay na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Unti-unti akong bumangon at naalala ko na may mga kumuha pal sa akin kaya medyo nag panic ako at napatayo ng tuluyan pero nawala lahat ng inaalala ko ng natuonbsa malaking tv na nasa harapan ko ang aking kaluluha. Parang hinahatak ako nito na lumapit pa. Dahan dahan akong lumpit sa malaking TV na iyon kung saan nandoon si jared.

Nagugupuhan ako kung bakit may ganitong nangyayari. Siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit ako nandito?

Kinuha ko yung remote na nasa tabi lang ng TV at inulit ko sa umpisa. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Hi baby, Siguro pag napanood mo ito ay alam mo na ang nangyari sa'kin o baka tapos na ang lahat lahat kapag napanood mo ito. Gusto ko lang malaman mo na ginawa ko ang video na ito para ipa alam sayo na kaya ako aalis ay dahil walang iba. Hindi ako kailanman nagka problema kung anong meron na relasyon na mayroon tayo. Patawarin mo ako kung kakailanganin kong magsinungaling. Kailangan kong umalis para sa atin. Patawarin mo ako kung ayaw kitang isama sa journey na gagawin ko ngayon. I know baby, nag promise ako na kahit anong mangyari hinding hindi kita iiwan pero wala eh naduduwag ako. Naduduwag ako pag dating sayo. May sakit ko baby, hindi ito basta na sakit na pwede na kahit gamot. May brain tumor daw ako sabi ng doctor na nag gagamot mismo sa pamilya mo..."   Nagsimula nang tumulo ang luha niya. Naka-upo siya sa dulo ng kama niya ngayon at nakatutok sa kanya yung camera.Nasasaktan ako, Sumasakit yung dibdib ko at parang kahit anong oras ay pwede akong mawalan ng malay sa sobrang sakit nito. Kahit na tapos na ang mga nangyari sa kanya. Kapag naalala ko kung paano niya kinikimkim yung nararamdaman niya nasasaktan ako. Hindi ko halos maimagine lahat ng pinag daanan niya para lang malagpasan lahat ng iyon. Tuloy-tuloy na umaagos ang luha ko na akala mo'y wala ng katapusin.

"Masakit sa akin na malalaman ko bigla na mayroon akong ganitong sakit. Biro mo 'yon sa dinami-daming tayo sa mundo ako pa yung nagkaroon ng ganitong sakit. Binabalak ko na bago ako umalis papuntang ibang bansa para  doon na mag pagaling ay gusto kong ilalaan ko lahat ng oras ko sayo. Ayokong sabihin sa'yo na mayroon akong sa na ganito dahil ayaw kong isama ka sa lahat ng paghihirap na mararanasan kong. Mas gugustuhin ko na ako nalang ang masaktan. Ayoko na umasa ka na pagkatapos ng operasyon ay mabuhuhay ako at ayokong iwan ka na ang dahilan ay dahil sa sakit ko. Ayokong umasa ka sa buhay ko na wala namang kasiguraduhan. Mas gusto kong iwan ka at maniwala ka sa mga bagay na kahit walang katotohanan. Sorry kung nag p-plano ako ng ganito matalino ka at alam kong maiintindihan mo din ako. Mas mahal kita kesa sa buhay na mayroon ako. Mahal na mahal kita baby sagad sa buto....." Nagsimula nanaman akong akong humagulgol na akala mo walang katapusan. Akala ko tapos na ang video pero hindi pa pala.  Lumabas ako sa sunod na video. Pumunta kami no'n sa batangas at tinututok niya sakin camera na hawak niya.

"Misis ko tingin ka dito...
—Mister naman eh, tanggalin mo na kasi yan.....  —Kunwari ka pa nag eenjoy ka rin naman..." Nakatalikod ako sa kanya non at siya naman lagi tinututok sakin yung camera. Nasa bangka kami naka sakay non para mag scuba diving. Naalala ko pa yung nga araw na iyon na talagang sobrang saya ko.

"Happy?....—Yup, super hehe thankyou mister ko...." Nasa room na kami non at patuloy parin siyang nag v-video.

Pinunasan ko yung luha ko at tumingin ako sa bawat sulok ng  kwarto.

Ang sumunod na video na lumabas ay  mag isa nanaman siya sa kwarto niya at nakatutok sa kaniya ang camera.

"Hi misis ko, nasasaktan ako na makita kitang umiiyak. G-gusto kong sabihin sayo kanina yung totoo pero hindi ko kaya. Ayokong maging selfish. I love you very much. Naawa ako sa mga nangyayari satin ngayon lalo na sa sarili ko. Nasasaktan ako na nakikita kita  na sobrang nasasaktan. Kapag napanood mo to malalaman mo na hindi naman talagang totoo yung mga sinabi ko sayo kaya kita iniwan. Nasasaktan ako at alam kong nsasaktan kadin pero sana mapatawad mo ako. Bukas na ang alis ko papuntang ibang bansa para magpa gamot. Lagi kong dadalhin ang camera na ito para malaman mo na kahit wala ka dito sa tabi ko ay alam mo kung anong nangyayari sa akin. Walang kasiguraduhan na kapag tapos ba nitong operasyon na gagawin sa kin ay mabubuhay ako pagkatapos. 50/50 ako. Ang lagi mong tandaan na habang buhay kitang mamahalin hanggang sandulo ng aking pag hinga. I love you i pray na kung maging successful man yung operasyon at mabuhay pa ako ay sana nandiyan ka pa o di kaya ay available ka pa dahil pangako ko kapag sa oras na naging successful lahat ng ito ay papakasalan kita sa ayaw at sa gusto mo itatali kita. Baliw na kung baliw pero yon ang totoo."

Time And Attention [COMPLETED]Where stories live. Discover now