CHAPTER: 2

16 17 6
                                    


" Pano naman yun naging bastos. Duh. Yang utak mo ang bastos hindi ako."
Tiningnan ko siya ng masama. Bading ba siya? Tssskkk. Kadire.

Pumasok muna siya sa Bathroom niya habang ako wiling-wili sa mga display na painting. Hindi ako artistic pero yung babae na nasa painting yung facial expression niya. Parang kumikirot sa puso ko.

Yung babae kasi nasa may dingding umiiyak. Tinitigan ko maigi yung painting at may na spot akong kakaiba sa painting. Kung hindi mo oobserbahan ng masyado ang painting hinding hindi mo makikita ang nakikita ko. Sa gilid kasi niyon ay may lalaking nakatingin sa babaeng umiiyak.

May pagka dark ang kulay ng painting na ito.

Lumakad ulit ako papunta sa ibang painting. Itong isang nasa harap ko kakaiba.

Yung babae umaamoy ng rose pero umiiyak din yung babae habang inaamoy niya iyon. At yung rose ay parang natutunaw sa kamay ng babae. Nakakatakot naman. Parang Revenge ang ibig sabihin nito.

May napansin ako sa mga painting na andito sa kwarto ni Arthur. Pare pareho yung babae.

Familiar siya. Saan ko ba siya nakita. Hmmmm??

" You like it?"
" Ayy gonggong ng mangga."

Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. Pero mas nagulat ako ng pagharap ko ay nakita ko si Arthur na naka towel lang.

" Yaaaakk. Mag bihis ka nga ng maayos. Kadire ka talagang hilaw ka. "
Agad akong napatalikod at nagtakip ng mata. Kadire naman.

" Naku sorry. Hindi ko sinasadya"
Basi sa mga yabag niya na mabilis. Mukhang tumakbo ata siya papunta sa isang pinto. Narinig ko kasing may nagbukas at sumarang pinto.

Pagharap ko wala na si Arthur.

Tumingin tingin ulit ako sa mga painting. Pare pareho talaga yung mga babae eh.

Sino kaya siya sa buhay ni Painter.

" Anong napansin mo sa mga painting na andito sa kwarto ko?"
Humarap ako kay Arthur. Thank Goodness bihis na siya.

" Ahmmm. Sino yung babae. Napansin ko kasi na parang iisa lang ang ginawang model ng painter. "

" Your Correct. At alam mo ba ang kwento niyan kung bakit iisa lang ang pinili ni mister painter na model."

" Hindi. Ano ba yung kwento?"
Meganun pala ang mga artist. Ang Astig naman nila.

" Yan kasi yung babaeng gustong gusto niya. Bata palang sila. "
" Ahh. Childhood Lover sila."
Ang sweet naman.
" Hindi. Kasi ayun sa painter. Siya lang daw ang nagmamahal sa kanilang dalawa."
" Ang sad naman."
Totoo na'sa'sad talaga ako. Ayokong maranasan ang ganung lovelife.
" At hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi ni painter kay miss model yung feelings niya kasi si miss model ay may iba na."

Yung feeling na nanonood ka ng korean movie tapus bigla biglang mamatay si bida girl doon. Tapus mapapaiyak ka kahit ayaw mo. Ganun ang pakiramdam ko. Naiiyak ako. Masyado talaga akong OA.

" Kawawa naman ni Mister Painter."
" Anong nakakaawa doon? Eh kasalanan niya rin naman."

Ayy naku. Nega nega naman ni Arthur.

" Paano niya naging kasalanan iyon?"

A wonderful LOVE !Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ