17

17 18 5
                                    


" Ehh kasi po hindi man lang siya gumawa ng paraan para maipagtapat yung feelings niya."
" Anong magagawa mo ganun talaga sa love."
" Bakit ikaw kay Sky. Inaakit mo pa nga siya sa men's c.r eh."

Nanlaki ang mga mata ko.

" A-- anong pinagsasasabi mo d'yan. Wag kangang maimbento. "
" Ako pa ngayon ang maimbento."
" Hooooyy Arthur wala kang ebedensya nooh."
" Says who? Meron kaya ako."
" Hah. As if maniniwala ako."
" Cge. Ikakalat ko ito sa school."

Lumakad siya at pumunta sa cabinet niya at may kinuha doon. Isang cellphone.

Pumindot pindot siya doon at nag scroll. At biglang nag ingay yung cellphone.

Nanlaki talaga ang mga mata ko.

" Ohooomayyhasss. Sinundan mo ako?"
Tawang tawa si Arthur sa reaksiyon ko. Habang ako naiirita at nahihiya dahil sa tawa niya.
" I delete mo nga yan. Nambubuso ka naman eh."
Bigla kong hinablot sa kanya yung cellphone. Kaso matangkad siya kaya hindi ko naabot sa kanya.

" idelete mo sabi yan eh."
Pinipilit kong maabot sa kanya yung cellphone kaso umaatras lang siya at kada talon ko mas lalo niyang tinataasan. Like hello hanggang kili kili niya lang ako.

" Abutin mo muna."
" Ano ba Arthur wag kangang parang bata d'yan. Ibigay mo sabi yan eh."
" Abutin mo kasi."
Tatawa tawa siya habang pinaglalaruan niya ako

Aba. Masaya siya hah na nahihirapan ako.

Dahil sa inis ko itinulak ko siya ng malakas at hindi ko alam na wrong move paka iyon dahil ng pabagsak siya'y napahawak siya sa bewang ko kaya ang resulta kaming dalawa ang natumba.

At subrang wrong move talaga dahil nasa ibabaw niya ako at ang ANO ko at ANO niya magkatapat.

May naramdaman ako na kakaiba. Sa ANO niya. Kaya nanlaki ang mga mata ko.

Hinampas ko siya sa dibdib niya

" Yaaak.!"
Tumayo ako. Ganun din siya.

Hindi ako makapaniwala na ganun ang posisyon namin. Nakakadire talaga.

" A--a--ano. Hin-hindi ko kasalanan ah. "
Tumingin ako sa kanya ng masama. Kaso nawala kaagad ng makita ko yung itsura niya. Pinagpapawisan siya't nag blu'blush.

" So kasalanan ko?"
Hindi siya makatingin sa akin ng deretso.
" Hindi naman. I mean itinulak mo ako di ba."
" So kasalanan ko nga?"
" Hindi. Hindi iyon ang ibig kong sabihin."

Ang angas ko pero siya parang may kakaiba sa kanya.

Parang ang hinhin ng salita niya. Napangiti ako ng wala sa oras. Gusto ko ngang matawa dahil sa itsura niya. Mukha siyang bata.

A wonderful LOVE !Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang