22

13 17 6
                                    

Pinalo ko siya.

" Wag ka ngang tumawa dyan."

Pero tumatawa pa rin si Arthur. Kung tanggalan ko kaya siya ng ngipin? Hindi, gilagid nalang para brutal talaga.

  " Paano ba yan narinig ni Sky ang sinabi mo. Does this mean were officially on?"
  Baliw ba siya.

Tumingin ako kay Sky. Na natutulog. Ewan ko kung natutulog siya.

  " Eewww. Tingnan mo nga yang itsura mo. Sarili mo lang ang papatol sayo noh."
   " Naturingan kang matalino pero kung umakto ka parang bobo." Nang aasar talaga siya eh. " Mahal ko ang sarili ko, pero hindi kami talo noh."
   " Ewan ko sayo."

Tumayo na ako at iniwan si Arthur. Lalabas muna ako para mag refresh manlang.

Aiiisstt. Kahit kailan talaga pag kausap ko si Arthur hindi kp maiwasang mainis sa bawat linyang bibitawan niya. Lalo na pag binabara niya ako.

Ang sama niya sa akin. Hindi ko naman siya inaano.

Umiling iling ako sa mga naiisip ko. Naglakad nalang ako papuntang rooftop ng building.

Naramdan kong may sumusunod sa akin. Alam ko na may sumusunod talaga sa akin. Pero hindi ako nagpahalata na alam ko na may sumusunod sa akin. Baka si Arthur itong nandito sa likod ko. Baka nga!

Papunta lang naman akong rooftop pero bakit naman ako susundan ni Arthur. Inignore ko nalang siya.

Nakarating na ako sa rooftop pero sinusundan pa rin ako ng kung sino man iyon.

  Iba talaga ang pakiramdam ko dito eh.

Lumingon ako para malaman kung sino yung sumusunod sa akin. Nagulat ako sa nakita.

  " A--anong ginagawa mo dito? Naligaw ka ba bata?"
" Mommy.!!!!! "
Biglang yumakap sa akin yung bata. Na ikinagulat ko.
  " Mommy? Sinong mommy mo?"
Tanong ko sa bata. Infairness, ang gandang bata. Kamukha niya si Sky.

  " You po."
Itinuro ako ng bata. Paanong ako ang naging mommy niya.
   " Anak kita? Teka, baby wala pa akong anak." Natatawa ako sa sinasabi ng bata.
  " Opo. Your my mommy."
" Naku baby wala pa akong anak. Bata pa kasi ako eh."
  " But your my mommy."
" Baby, i am not your mommy. Ok?"
  Umiling iling yung bata. Jusko naman. Nakakagulat naman ito at nakakaluka.
  " Mommy ko po kayo."
" Ha. Paano? Baby, wala pa akong anak."
  " Anak niyo po ako."
" Sino mommy mo baby dadalhin kita sa kanya. Teacher ba siya?"
  Ngumiti lang yung bata sa akin.
" Si daddy." Sabi niya.
   " Daddy ang pangalan ng mommy mo?"
  " Hindi po. Si daddy."
" Ahh. Yung daddy mo ang hahanapin natin."
  Tumango naman yung bata sa akin. " Asan ba daddy mo?"
  " Sa room po."
" Saang room?"
   " Class-A po. Dito sa building. "

Class A. Room ko iyon ah. Sino may anak sa amin.? Parang wala naman ah.

   " Baby sure ka ba?"
" Ano pangalan ni Daddy mo?"
   " Sky po."

Si Sky? Si Sky may anak. This is unbelievable!!!!!!!!

Nanlaki ang mga mata ko. May anak na siya? Totoo ba ito? Kung totoo ito, kung ganun nanay niya ako?

  WTF. nakakaluka. No. No. No.

"Mommy. Are you ok?"
  Tiningnan ko yung anak ko kuno. Hindi ako makapaniwala. May anak ako? Paano?
  " Mommy mo ba talaga ako? I mean paanong naging mommy mo ako?"

Tinitigan lang  ako ng bata sa tanong ko na halatang hindi niya ako maintindihan. Omygassshh.

Paanong nag karoon ako ng anak. Ambata bata ko pa. Plus senior high palang ako nooh.

Hindi talaga ako naniniwala na anak ko ito. Maniniwala pa ako kung kay Sky. Kasi kamukha niya. Subrang kamukhang kamukha.

  " Baby, Ilan taon kana?"
" I'm 3years old po."

3years old siya. Samantalang hindi nga ako pinapansin ni Sky 3years ago eh.

  " Baby, don't lie to ate ok. Tell me kung sino parents mo hah? No lies ok?"
   Tumango tango yung bata sa akin. Naluluka na talaga ako.
  " Whats your name?"

Tinitigan lang ako ng bata.

  " Ano po iyon?"
Nagulat ako sa tanong ng bata. Hindi ata siya nakaintindi ng english.

  " Baby, anong pangalan mo?"
Tinitigan lang ulit ako ng bata.
   " Wala pa po akong pangalan eh."

At mas lalo akong naluka. Walang pangalan ang batang ito?

Sinungaling ba tong batang ito or what?

 

A wonderful LOVE !Where stories live. Discover now