25

13 18 3
                                    

  3 Years Ago
     ( Fieldtrip in ****** Forest )

Grade 9 ako ng mag field trip ang junior at senior high dito sa ****** forest. Kahit gipit ako sa pera tinulungan ako ni Cheska na makaipon. Suggest siya ng Suggest ng mga rakit. At ako naman dahil gustong gusto ko talaga sumama, go ako ng go.

Hanggang sa nakaipon nga ako para sa field trip.

   " Hooy, Mary Claire De Guzman."
Napaarayy ako ng paluin ni Cheska ang mukha ko.
  " Araay naman Cheska. Bakit ba?"
Hinihimas himas ko ang mukha ko.
  " Haleer, Baba na tayo dito sa bus. Tumingin ka sa labas nag lalakad na sila papunta sa ****** forest. "

Tumingin nga ako sa labas. Nagulat ako ng medyo malayo na ang lahat sa amin. Agad akong tumayo at kinuha ang gamit ko.

  " Naku cheska. Bilis! "
Hinila ko si Cheska pababa ng bus. Kahit mukha ng kinakaladkad ang itsura eh wala akong paki. Baka mawala pa kami. Hindi pa kami makakapag enjoy.

  " Ano ba, Maria Clara. Dahan dahan sa pag takbo pag ikaw nadapa kasama pati ako noh."
  " Ambagal mo kasing tumakbo."
" Like duhh. Sino ba tulog ng tulog aber?"

Huminto na kami ng nakarating na kami sa kanila. I mean sa kasama namin.

Agad hinanap ng aking mga mata si Sky.  At nakita ko siya na busy sa cellphone niya.

  " Saan ka pupunta Claire?"
Sigaw ni Cheska ng umalis ako. Nag sign ako sa kanya ng 'sandali lang babalik din ako'

Lumapit ako kay Sky. Kahit hindi siya nakangiti ang gwapo niya pa rin. Dahan dahan ang pag lapit ko sa kanya..

  " Ahmmm..S--sky... Aayyy"
Natisud ako.

Mabuti nalang ang bagsak ko ay kay Sky.

Yung totoo?? Sinadya ko talaga ito. Nyahahaha. Galing ko talaga.

  " Sky. Sa.. Salamat"
Tinititigan niya lang ako.

Kahit nakakahiya na dahil pinagtitinginan kami ng mga schoolmates ko ay wala akong paki. Dahil nakayapos ako kay Sky.

Kinikilig talaga ako. As in kinikilig talag ako. Ang galing ko talaga sa ganito.

  " Sinadya mo"
Eerrrh. Halata ba yun? Parang hindi naman ah.

Dahan dahan naman niya akong itinayo. Napakamot nalang ako sa ulo ko't ngumiti.

  " So--sorry hah. Hehehehe."
" Next time don't do that. Baka sa susunod hindi na kita masalo."
  At umalis na siya.

A wonderful LOVE !Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang