36

14 14 1
                                    

  " Saan ka galing? Late ka ng umuwi." Nagulat ako ng pagbukas ko ng gate may nagsalita sa harapan ko. 

  " Gising ka pa? Si ano... ahmmm.. Yung bata?" Hindi pa kasi namin nabibigyan ng pangalan yung bata. Wala pa akong maisip. Alam ko ang harsh ko sa bata kasi hindi ko siya binibigyan ng atensyon. Hindi pa kasi ako kumbinsido sa bata not unless lumabas yung result ng DNA. Two weeks na kaming nakatira sa iisang bubong at two days palang ang nagdaan simula ng lagi akong late na umuuwi dito sa bahay namin kuno. At two days na din ang nagdaan simula ng nag pa DNA TEST kami ni Sky. Hindi ko alam kung bakit kumbinsido si Sky siguro dahil hawig na hawig niya yung bata kaya ganun siya ka'uto- uto na naniwala agad.

Well ako, may nararamdaman naman akong kakaiba sa sarili pag nakikita ko yung bata. Parang gusto kong maging nanay talaga hindi dahil kay Sky kundi sa nararamdaman sa loob ko yun ngalang pinipigilan ako ng isip ko. Na baka daw FAKE NEWS yan or SCUM. Mag ingat daw ako. Yun ang sabi ng isip ko. Exagge ko kuno.

    " Tinatanong kita kung saan ka galing ba't nakatulala ka lang?"  Teka, Two weeks palang ang relasyon namin ganyan na siya ka seloso. Naku.Naku. Maghihiwalay tayo agad nito Sky. Kaya relax ka lang. " Heeeyy. Nak High ka ba?" Pinitik niya noo ko.

" Araay naman Sky. Ansakit hah." Hinawakan ko ang noo ko. Ang laki kasi ng kamay niya kaya ang sakit ng pagpitik niya.

" Masakit? Mas prinoblema mo yung sakit kesa sa oras ng pag uwi mo. Namimihasa kana." Ang OA niya promise.

   " Teka nga. Papasukin mo nga muna ako bago mo ako pagalitan." Niluwagan niya yung gate at pinadaan ako. " Salamat!"

Dumiretso ako sa loob ng bahay hanggang sa kusina. Nauuhaw talaga ako. Mabuti nalang may ref ang bahay na ito. Nasanay na ako sa malamig na inumin kasi yun ang lagi kung iniinum. Sumunod pala sa akin si Sky, akala ko dumiretso siya sa Kwarto niya.

    " Bakit ba ganyan ka makatingin?" Yung tono ko hindi galit kundi nagpapa cute.

" Don't use me that look, Maria. Tell me, where have you been after school". Sasabihin ko ba?.

kasi naman itong si Sky parang tatay ni Ano, grabe kong magtanong nakakatakot ang tingin.

   " Sa ano... Kena ano...ahmmm"Kinagat ko yung baso.

" What the fuck Mary Claire, Can you just tell me."  Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Sanay na akong sumisigaw siya kahit nga school sumisigaw yan pag hindi na sunod ang instruction niya.  Nakita ko siyang pumikit at huminga ng malalim. " Please"

   " Kina Arthur ako nagpunta. Kumain kami doon kasama lola niya."

Hindi ko alam kung pano niya ako napilit sa salitang PLEASE niya. Iba talaga si Sky ang lakas ng dating sa akin ng mga salita niya.

     " So kumain kana pala." Sabi niya. Lumakad siya papunta sa ref at kumuha din ng malamig na tubig. Matapos niyang uminon lumapit siya sa kaldero malapit sa lababo. Huhugasan niya ata. Ambait naman niya.

  Nagtaka ako kung bakit nagtapon si Sky ng pagkain sa basurahan.

" Panis na ba iyon?" Tanong ko. Pero parang hindi kasi amoy ko pa ang amoy ng ulam.  

A wonderful LOVE !Where stories live. Discover now