When your Boss is getting pointers from your Tatay. . .uhm, hello po Nanay!

5.5K 416 88
                                    

"Kanina ka pa yata kinukulit ni Dei, sunod-sunod ang alert ng cellphone mo eh."

"Hindi naman po Tito, tinatanong lang ho kung nakailang bote na'ko. . ."

"Sus, hindi ka naman uuwi ngayon di ba? Kaya hindi ka rin magmamaneho. Okay lang na magka-tama ka ng konti, minsan lang naman tayo magka-inuman ng ganito."

"Magagalit ho sa'kin eh, pag nalasing daw ho ako hindi nya ako kausapin ng isang buong linggo. . ."

"Tiklop ka naman agad?"

"Iba ho kasi magtampo ang dalaga nyo, ang galing ng strategy, hindi ko ho kayang tiisin."

"Mukha nga, pero Richard hijo, ito naman ay payong tatay lang ha? Huwag mo sanang masyadong kukunsintihin ang kapilyahan ng anak ko, baka masanay, sige ka, ikaw rin ang mahihirapan sa bandang huli."

"Susubukan ko po Tito. . ."

"Sabi mo yan ha? Baka kasi isang salita lang ng anak ko, mabilis pa sa alas-4 sunod ka agad?"

"Dapat po ba ay hindi?"

"Aba'y oo. Hayaan mong maghintay. Dapat matutunan nya yun.

"Baka ho magalit eh. . ."

"Dapat marunong din syang makiusap sa'yo."

"So pag may gusto ho sya, hindi ko muna agad susundin?"

"Oo, paghintayin mo naman ng konti."

"Sige ho Tito."

"Ganyan nga. Tandaan mo hijo. Paminsan-minsan, ipakita mo kung sino ang lalake sa inyong relasyon, kung sino ang mas dapat na agad nasusunod. . ."

"Narinig ko yun Teodoro! Tigilan mo 'yang si Richard, kung ano-ano ipinapasok mo sa isip nyan. . ."

"Ako nga Maryann ay pabayaan mo, tinuturuan ko lang syang maging matapang, magiting at. . ."

"Isa!"

"Masunurin! Ganun dapat hijo, uunahin mo ang pangangailanan ng iyong mahal na kabiyak, dapat sumunod agad-agad!"

"Very good. O sya, tama na yang inuman nyo at malalim na ang gabi. Nagsumbong na sa'kin si Dei na ayaw mo pa daw paakyatin si Richard."

"Yes Dear! Sige na hijo, baka pati sa'kin ay magalit si Dei kung hindi pa kita paakyatin, sulong na at kami na ang magliligpit dito - masama na rin ang tingin sa'kin ng Tita Maryann mo, baka dito ako sa lanai patulugin."

***tbc***

Author's Note:

Sa mga #TeamHarot dyan...

I know you guys are waiting for the - 'lam nyo na yun' after session scene - pero ito muna ha, sumisingit eh, at kelangan ko din kasi ng matinding concentration pra dun, 'lam nyo nmn hindi ko forte yun, ang hirap haist, klangan um-effort ang lola nyo. . .😁

@solunasky

Ang Boss Ko...Bow!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon