sunako_nakahara's Poem

2.9K 81 10
                                    

Sa Likod ng Kwento


Ito ay salaysay na nais ko lang ikwento,
Nagsimula sa mainit na panahon ang engkwentro,
Sa pagitan ng langit at piling mo,
Nasaan na kaya ako?

Hindi inaakala na ikaw ay makikilala,
Isang umaga matapos nang ako'y sumimba,
Upuan ay dumikit sa tabi, at ikinagulat nang may magsalita,
'Bakit napakadami ng iyong dala-dala?'

Ako ay nagulat sa iyong pagtataka,
Noong una ay gusto ko pang magsuplada,
Ngunit sa isang ngiti mo pa lang ako'y natulala,
Puso ay nanikip, pisngi biglang namula
Panginoon ko, ano itong nadarama?

Simula noon, kahit mainit ikaw ay sinasamahan
Bawat interaksyon, akin iningatan
Sa unang pagkakataon aking naranasan
Kumabog ang puso, nadaan sa biglaan.

Subalit hindi talaga tayo ang itinadhana,
Matapos ang tag-init, ngiti sa aking mga labi ay hindi na nagpakita
Pilit hinanap, puso'y matindi ang pagkabalisa
Lungkot ay nanalo, pag-asa ay nawala na
Ganun ba akong kadali kalimutan, sinta?

Ilang taon na rin ang lumipas,
Pero paghanga'y 'di pa rin kumukupas,
Ikaw ang unang lalaking sa aki'y nagpamalas,
Na karapatdapat akong ingatan at respetuhin sa wakas.

Sa sandaling ika'y muling makita,
Gusto ko sanang magpasalamat sa t'wina,
'Rye', ikaw ang dahilan nang pagiging makata,
Naging manunulat maging ang mga akda ay nalathala.

Ngunit ako ay natatakot na magsalita pa,
Nakikita ko na ikaw ay masaya na,
Sa piling ng iba, sa wakas nasalo na
Pag-ibig na akala ko ay akin, wala na pala.

Gusto kitang bawiin sa kanya,
Pero ako ba ay may karapatan talaga?
Baka katulad ng tag-init kung saan tayo nagsimula,
Doon din nabaon sa limot ang mga ala-ala,

Marahil mabuti pang sambitin na lang sa mga talata,
Na kahit ilang pag-ibig pa ang sumalanta,
Ang puso ko ay 'di pa pagod sa pakikidigma,
Mr. Orange ikaw pa rin ang aking TOTGA.

Salamat sa pag-alis mo noon, mahal,
Ako ay naging kilala, kahit wala pang nagmamahal,
Pero kung ang tadhana, kwento natin itanghal,
Pipiliin kong makasama ka nang mas matagal.

Hindi naman kita sinisisi sa pagiging mag-isa,
Tuloy pa rin ang buhay, puso ay matibay pa,
Naalala na lang kita kapag tag-init na,
Kaya eto na naman, nakapagsusulat na tila isang makata.

Sana matapos na ang mga baka sakali sa aking gunita,
Ayoko na ako ay umasa pa,
Tatapusin na ang sinulat na walang kwenta,
Paalam sinta, paalam ala-ala.

The Wattpad Filipino Block Party 2018Where stories live. Discover now