Chapter 3

425 12 0
                                    

Dinner

Maybe some other says na ang OA ko  kasi nakatitigan kolang naman si Puti.

Pero hindi ko kasi maexplain yung nararamdaman ko.

Nahihiya na nagsisisi na kinikilig--

Wth?!  Scratch that!

"Guys hapunan na daw." Sabe ni Patrick.

Tahimik yung kubo namin,  pero si Patrick ang nagawa ng dahilan para umingay kami. Buti may mga tao pang katulad ni Patrick.

Tumayo na ako sa kama at tumingin sa salamin.

Naka messy bun ako at white shorts tapos loose black shirt.

Nagsuot narin ako ng tsinelas at hinintay sa labas si Dane.

Lumabas sya nang naka squarepants at naka black fitted shirts.

Wait,  lahat kami ng nasa room 10 naka black?!

Whats with the color?

Yes black is my favorite, pero imposible namang black ang favorite naming lahat dahil si Dane ay kikay na Pink.

Naglakad na kami papunta sa hall at nakita ang upuang may number 10. Well,  i guess kami kami ang laging magkakasama.

"Woah! Sinong patay sa room 10?" Biro ni Lian, the earphone king.

"Puso ko patay na patay sa kanya.."

Ewan ko ba kung binulong yon ni Denver, pero narinig naming lahat.

"Oy sino yan ha?" Patrick.

"Si Denver pumapagibig!" Asar ni Harry.

"Respect someone's privacy." Saad ni Puti tapos naupo sa tabi ko.

"Kj talaga toh kahit kailan!" Saad ni Lian tapos kumain nalang.

Based on my instincts si Dane ang tinutukoy ni Denver,  the Ros King.

Well, lagi nyang iniinis si Dane, maybe yun yung naisip nyang way para magpapansin kay Dane ng hindi sinasabi ang nararamdaman nya kay Dane.

"Eat vegies." Saad ni Puti tapos nilagyan yung empty part ng plate ko ng gulay.

Wth?!

"Uuuy! Si Gray dumadamoves!" Asar ni Harry, the Daldal Prince.

Namula ako pero pinagpatuloy ang pagkain ko.

At dahil sa hiya ko, inom ako ng inom ng tubig.

"Wag puro tubig, mabubusog ka agad nyan. Sa dulo dapat ang tubig pagkatapos kumain." Saad nya tapos inusod papunta sa kanya ang tubig ko.

Lupa! Palamon! Now na!

"Nakanang! Galawang Abo 101!" Asar ni Patrick.

Minadali ko nalang ang pagkain at ininom yung tubig ko.

Naupo lang ako at pinanood silang kumain.

Napansin kong nagkamali ng kuha si Puti ng baso at yung baso ko ang nainuman nya.

SA PART KUNG SAN AKO UMINOM, DUN DIN SYA UMINOM!

Namula na naman ako, ramdam ko yon dahil maputi ako.

"A-ah, Puti, tubig ko kasi yan." Saad ko tapos pinoint yung ininuman nya.

"What's wrong with that? Parehas naman tayong tao." Blankong saad niya.

"Pero, Puti kasi--"

"Anong tawag mo kay Abo?! Puti?" Tanong ni Lian,  na parang bawal tawagin si Gray sa ibang pangalan.

"Ah oo,  yung buhok nya kasi. Bagay sa kanya, yung puti." Saad ko at nagulat ako ng umubo si Puti sa tabi ko.

Hinimas ko ang likod nya at inabutan siya ng tubig.

Maya maya ng humupa ang ubo nya napatigil ako sa paghimas sa kanya nang marealize ko ang ginagawa ko.

Naginit na naman ang pisngi ko.

"Alea, why does your face turned so red?! Are you a walking tomato?" Alam kong nangaasar ang tono ng boses ng babaeng toh.

"Ikaw palang ang nangahas tumawag sa kanya ng ibang pangalan bukod sa Gray o abo." Saad ni Harry, kaya nagtaka ako.

"Bawal ba? Oh, sorr--"

"You can call me that way. Youre an exception." Saad nya kaya please lang lupa, palamon.

Wanted: Perfect Love (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant