Chapter 18

399 10 0
                                    

Realization

Nagderederetso lang ako hanggang sa...

*Peeeeep*

"Azalea, ano ba?! Papatayin mo sarili mo dahil lang sa lalaking yon?!" Saad ni Puti saka ginalawa galaw ang balikat ko.

Saka muling tumulo ang luha ko, umiyak ako sa dibdib niya.

"Gusto kong umiyak."

Saad ko kaya hinimas niya ang ulo ko.

Saka pinasakay sa kotse niya at humarurot hanggang sa saan kami mapunta.

At nandito kami sa palayan.

Gabi na, walang tao.

"Sigaw. Ilabas mo na." Saad niya kaya nahiga ako sa damuhan at tumitig sa mga bituin.

Hindi ko alam, pero nakatitig lang naman ako, pero natulo ang mga luha ko.

"Hindi naman ako pangit ah."

"Sexy naman ako."

"Mayaman naman kami."

"Pero bakit ang tanga ko?"

"Ang sakit, ang hirap. Hindi ko alam, hindi ko maisip. Ano bang wala sakin, na hindi siya makuntento sa akin?"

"M-matatangap ko p-pa sanang n-nagcheat siya sa babae.. Pero, Puti, sa lalaki kasi eeeh.."

"Bullshiiiit! Matatangap k-ko pa sanang n-niloko mo ako! P-pero hindi ko m-matangap na b-b-b-bakla kaaa.."

Ayoko na!!!!

And i breaked down.

"I know you need time to be alone. Iuuwi na kita." Saad ni Puti saka ako niyakag pauwi.

Nang makarating na kami sa bahay ay hindi na siya nagatubiling pumasok pa.

"Thank you, Puti." Saad ko na nakapag pangiti sa kanya.

"Pasok ka na. Susundan kita." Saad niya kaya binigyan ko siya ng hindi maintindihang tingin. "Ng tingin." Dugtong niya kaya tumango ako at pumasok.

"Oh anak, ang aga pa ah. Akala ko kila Dane ka matutulog."

"Ma, pacomfort naman oh." Saad ko kaya isa isa na namang tumulo ang mga luha ko.

Agad siyang lumapit sa akin at hinila ako sa sofa.

"Bakit anak? What's the matter?"

"Ma, may kulang p-pa po ba sa a-akin?"

"Wala na, anak. Kompleto ka na."

"Pero bakit kailan niya pa akong lokohin?!?!?"

"Anak, may mga ganong tao talaga. Hindi marunong makuntento sa isa. Si Sandro ba? Hayaan mo na siya, kalimutan mo na siya. Sinaktan ka na niya kase, binalikan mo pa. Ayan nasaktan ka na naman tuloy. Anak, sapat na yung dalawa. Pag naging tatlo yan, sobrang tanga mo na."

Ang harsh mang pakinggan, pero andaming laman.

"Opo ma." Saad ko saka tumakbo sa kwarto.



One Week Later

Nasa kwarto pa ri ako at nagiisip.


Azalea, isang linggo ka ng umiiyak? Hindi ka ba nasasawa? Hindi ka ba napapagod?

Nakakasawa ng, lagi nalang ako ang pinapaiyak at niloloko.

Nakakapagod ng maging tanga.

Eh ano naman kung pinagpalit ka niya sa lalaki?

Wala eh, kahit anong gawin mo, pag nabali, di na ulit matutuwid. Matutuwid man, may sala naman.

Eh ano kung bakla siya?

Bakit mo siya iiyakan? Eh naiyakan mo na siya ng isang bes, tama ba yun bess.

Grow up, Alea.

Cheer up.

Tumayo ako at tumingin sa family picture namin.

Iiyak ka na naman ng magdamagan niyan? Azalea, kung sinusulit mo ang mga gabi mong kasama ang pamilya mo kesa magmukmok jan gagaan ang pakiramdam mo.

Tama na yung isang linggong pagiyak mo, ayos rin yon parang burol niya mula ng araw na yon at bukas na siya ililibing kasama ang lalaking yon sa ataul.

Tumingin ako sa picture naming barkada.

Masaya naman kami ah, ako lang talaga ang laging malungkot kasi palaging nasasaktan.

Pero pwede naman akong maging masaya kung kakalimutan ko siya.

Tama na, sapat na sayo ang isang linggong pag iyak ko.

Ikinaluluksa ko ang pagkamatay mo.

Bangon, Alea. Sugod sa hamon ng lovelife, laban.

Sa susunod kasi na magmahal ka, wag naman yung sobra. Magbigay ka rin ng para sa sarili mo.

Wanted: Perfect Love (Completed)Where stories live. Discover now