Chapter 9

336 10 0
                                    

A game?

"Bakit ang tagal nyo? Bakit mugto mata mo? Saan kayo galing? Sino nagpaiyak sayo--"

I put my index finger in his lips.

So naughty.

"Kinwento kasi sakin ni Dane yung lovestory nila ni Darren. Nakakaiyak kasi yung lovestory nila. Nakakatouch."

"Ang iyakin talaga ng mga babae." Narinig kong bulong nya kaya binatukan ko sya.

"Kesa naman sa mga lalaking parang walang puso na walang pakialam sa mga nangyayari." Saad ko tapos lumayo ng upuan sa kanya.

Nagsimula na akong kumain pero hindi ko sya kinakausap.

Talk to my hand bitch.

Habang nakain ako ay may kamay na pumulupot sa bewang ko.

"Eh ano naman kung iyakin ka?"

"Parang sinabi mo na ring mahina kaming mga babae."

"May nakapagsabe na ba sayong ang ganda mo pag naiyak at pagkatapos umiyak? Kung wala, ako nalang." Saad nya tapos hinalikan ako sa tenga.

"You like me crying?"

Nakakabaliw ang utak ng lalaking toh.

Sino bang lalaki ang gustong makitang naiyak ang isang babae?

"Of course,seeing you crying while walking on the isle and coming towards me is the best scene i wanna see."

Sabi nya na ikinapula ng mukha ko.

Hinarap ko sya at pinisil ang ilong niya.

"Iiyak ako, syempre. Pero mas iiyak ako pag pinagpalit moko sa iba." Saad ko tapos ngumiti ng nakakaloko.

"Hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Bagay kaya sayo apiledo ko. Azalea Munar Trinidad, ang nanay ng sampung anak ni Mr. Grayson Trinidad." Proud na sabi nya with hand gestures pa.

Bigla akong nasamid sa sinabi nya.

Wth?!

Sampu?

"Harry, tubig." Saad ni Puti kaya agad syang binigyan at pinainom sa akin.

Hinagod nya rin ang likod ko.

"What happened?" Inosenteng tanong niya.

Really, Puti?!

"Nothing. Nasamid lang." Saad ko saka uminom ulit ng tubig.

Matapos naming kumain ay nagpatuloy kami sa mga programs namin dito.

Natapos kami ng mga 7pm na dahil ang dami naming ginawang laro kasama ang mga bata.

Tapos yung mga matatandang volunteers and staffs yung mga naglesson sa mga parents.

I really love volunteering.

Natulong ng walang hinihintay na kapalit.

Natulong, dahil gusto naming makatulong.

At dahil nga sa maghapon ang ginawa namin ngayong araw, free kami bukas.

Basta daw wag lalayo, at wala silang mabibigay na pang gastos.

So kanya kanya to be exact.

Andito kami sa kubo habang nakain ng dinner.

"San tayo bukas?" Dane suddenly asked out of the blue.

"Mag solo kaya tayo?" Denver asked then inakbayan niya si Dane.

I saw how Dane's eyes turned into a big one.

Hindi pa siya nakakamove on kay Darren for sure.

"Maligo tayo sa ilog? Masaya don, malamig ang tubig, tapos natural." Suggestion ni Harry.

"Then we should try." Lian said.

Medyo hindi ako sanay na nagsasalita si Lian, parang ang akward pa after that aminan thing.

"Masyadong boring kung magswiswimming lang tayo." Yeah Patrick is right.

May naiisip rin palang matino ang lokong toh.

"Make sure na walang halong kalokohan yang binabalak mo." Puti said without any emotions.

Pano kaya yon nagagawa ng isang tao?

"Guys, trust me on games. Diba? Marami akong nabubunyag sa mga games ko." Saad ni Patrick sabay ngising nakakaloko.

Aatras ako.

"Not this time. Ayoko, dito nalang ako sa kubo." Saad ko pero agad silang umangal.

"Wag Kj, Alea." -Harry.

"Basag trip naman toh si Azalea eh." -Dane.

"Maduga ka." -Denver.

"Nabunyag na naman diba? Wala na naman yatang ibang may lihim."

I was shocked when Lian said that.

Yeah tama sya, wala ng may lihim sa amin.

Let's see anong binabalak ng lalaking toh.

Wanted: Perfect Love (Completed)Where stories live. Discover now