Chapter 10

332 11 0
                                    

Mechanics

Gumising kaming lahat ng maaga.

Wala na si Harry at Patrick, paniguradong hinahanda na ng dalawa ang game kuno nila.

May iniwan pang sulat ang mga loko.

Babalik kami before 9am, make sure na bihis na kayo ng pang hiking, hehe. Pero hindi tayo magcacamping, bonfire lang. Oh, excited na kayo noh? Wag kayo magalala, nagpaalam na ako kay Miss Mary at pumayag siya. Mamaya ko na ieexplain, magdala nalang kayo ng extra damit kasi magswiswimming tayo.

Medyo nakakatuwa yung naisip ni Patrick.

Parang wala namang masamang mangyayari.

"Goodmorning, love." Saad ni Puti ng magising siya at he gave me a quick kiss.

"Ghad, puti. Hindi pa ako nagtotoothbrush."

"It still smells like mint for me." Saad niya saka bumangon at dumiretso sa sulat ni Harry.

Si Lian nagkakape na, bihis na rin siya.

Sa bagay 8am na.

Si Denver raw nasa banyo, si Dane nagbibihis na.

So ako nalang talaga ang hindi pa bihis saka si Puti.

"Hoy kayong dalawa, bakit puyat kayo ha?!" Asar ni Dane habang nagsasapatos.

"Napasarap lang tulog." Saad ko tapos punta sa banyo kasi nakalabas na si Denver.

Nag sports bra na white ako, tapos leggins na itim then naka rubber shoes na black.

Tapos nagponytail lang ako.

Pero biglang sumingit si Puti sa ganda ng porma ko.

"Magtatakip ka o ako magtatakip sayo?" Yung boses niya parang nagcocommand talaga.

Kaya naman kumuha ako ng jacket at sinuot yon.

Tapos lumabas na rin siya.

Naka shorts lang siya tapos white t shirt.

May bikini ako sa loob ng suot ko.

Para mamaya.

Si Dane naman naka puting shorts tapos sando na butas yung likod, that's her one piece.

Tapos mag blacer rin siya.

"Bihis na pala kayo." Saad ni Harry tapos umakbay kay Lian.

Agad namang inalis ni Lian ang akbay ni Harry sabay atras kay Harry.

At dahil nasaktan siya kay Lian si Denver nalang ang inakbayan niya pero tinulak siya ni Denver kaya napasubsob siya kay Dane.

Agad namang umiwas si Dane kaya naupo nalang sa sahig si Harry at nagkunwaring naiyak.

Habang si Patrick naman, inakbayan kaming dalawa tapos pinagdikit dikit ang ulo namin.

Grr.

"Guys, nagiwan na kami ng trail. May mga flag ng nakatusok doon every corner. Magisa tayong pupunta don. Umaga naman kaya wag tayong matakot." Saad ni Harry tapos tinuro ang pitong flags.

"Yung gray, kay Gray. Yung violet, kay Lian. Yung brown, kay Denver. Yung pink, kay Dane. Yung red, kay Alea." Saad ni Patrick.

"Mga malalayong daan yan, pero madali lang kasi pag nakuha mo na ang isang flag matatanaw mo na agad ang isa." Dagdag ni Harry.

"Wag kayong magalala, hindi kayo mawawala, pinapanood namin kayo. At pagdating natin don, enjoy muna syempre. Pero sa gabi, hindi ko maipapangakong walang mangyayaring pasabog." Saad ni Patrick tapos..

"HAHAHA!" Tawa nung dalawa sabay takbo.

"Magiingat ka, alam kong hindi gagawa ng ikakapahamak natin sila Patrick at Harry. Pero alam kong careless ka, kaya please lang Love. Magingat ka." Saad niya tapos hinalikan ako sa noo.

"I will. So you too." Saad ko tapos tinapik siya sa balikat.

Wanted: Perfect Love (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt