Chapter 1

156 7 0
                                    

"Ready for tomorrow?" tanong kaagad ni Ate Jennel nang masagot ko ang tawag niya.

"Not yet. Mamaya pa ako mag-aayos ng mga dadalhin ko" inaantok kong sagot.

Maaga pa siguro ngayon kaso excited yata ang isang ito kaya tumawag kaagad sa akin. Medyo napagod din naman ako ng kaunti kagabi dahil sa party.

"Okay be ready tomorrow at 6:00 am sharp. I'll fetch you" aniya.

"Okay. Bye" sabay patay ko ng tawag.

It's already 8:00 in the morning. Wala nga palang tao dito sa bahay dahil nasa Singapore sila.

I still remember him, Spade Quangco. He never leave my mind alone that's why I somehow can't sleep. He really has something that I can't explain nor understand. Stranger pa rin, parang gan'on.

"Oh Veniss, gising ka na pala, hali ka na at kumain" aya sa akin ni Manang Letty kaya mas binilisan kong maglakad at naupo na sa bakanteng upuan dito sa dining area.

"Kumain na po ba kayo?" tanong ko sa kanya habang naglalagay ako ng pagkain sa plato ko.

"Oo eh kanina pa. Sige duon muna ako sa labas at kumain ka na muna d'yan" aniya at lumabas na. Naiwan naman ako dito mag-isa sa kusina.

Pagkatapos ko naman ay umakyat na ulit ako sa kuwarto ko at nagbukas ng laptop at mails.

"Help me find some dress, Veniss" sabi ni Ate Jennel.

Nandito kami ngayon sa mall para bumili ng mga dadalhin ni Ate Jennel sa Singapore. Ayaw niyang pumayag na mga luma ang dadalhin niyang damit papunta duon kaya naman nandito kami ngayon sa isang botique.

"Ang dami mo ng damit bibili ka pa ba?" tanong ko pa.

"Luma na sila saka pumayag naman si Papa na bumili ako ngayon" sagot niya habang pumipili ng dress. "What happened to the party last night pala?" tanong niya habang nagtitingin pa rin ng dress.

"Ahh naging okay naman and I met the three Quangco" sagot ko habang nakasunod lang sa kanya. Ayaw ko ngang magtingin ng dress, nahihilo ako.

"Really?!" halos mabitawan niya iyon dahil sa gulat niya.

"Bakit may problema ba? Party nila iyon kaya nakilala ko sila and I even befriended with Spade Quangco" sabi ko.

Gulat pa rin ang ekspresyon ng mukha niya, pero mukhang natauhan siya kaya naman umubo siya ng konti at tumayo ng ayos at naghanap pa ulit ng dress.

"Are you atracted with this Spade?" tanong niya.

Napakunot noo naman ako, "No" maikling sagot ko.

"You sure?" sabay tingin sa akin ng may kahulugan.

"Yes"

What kind of question is that? Atracted? Not really? I don't know the answer. Spade's appearance is my kind of man... ewan ko lang sa ugali.

"Your eyes says otherwise" panukso niya at may kinuha ng dress at nagdiretso sa counter para magbayad. Naiwan ako dito ng nagiisip.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon