Chapter 44

44 1 0
                                    

"Spade, kinakabahan akong talaga" i told him niyakap naman niya ako.

Nasa labas na kami ng bahay nila kinakabahan akong pumasok at hindi ko alam kung bakit sobra ang kaba ko, eh samantalang nuong first time ko dito ay hindi naman super ang kaba ko.

"I'm here maman, i'm with you" hinalikan niya pa ako sa noo at niyakap ng mahigpit.

Ngingiti-ngiti pa siyang pumasok sa loob ng bahay nila samantalang ako ay kinakabahan, kay Tita Tariya lang naman talaga ako kinakabahan though nakalipas na ang mga nangyari pero kabado talaga ako.

Ganito ba kapag mame-meet mo na ang iyong sure mother-in-law?

Nagtungo kami sa dining area nila wala naman masyadong nabago sa bahay nila maliban yata sa mga furnitures na nabago pero iilan lang ang mga iyon siguro? Hindi naman kasi ako nakapag-house tour before.

"Spade" bungad agad ng Mom niya, bakit ba naman si Tita kaagad ang bumungad pwede namang si Tito?

Lumingon sa akin si Tita after niyang mayakap si Spade, she smiled at me bago siya lumapit at yakapin din ako nagulat ako sa gesture niyang iyon pero niyakap ko rin siya pabalik, ang yakap ng isang future mother-in-law.

"Venissa, you came" malambing niyang sabi, malayo sa boses niya nuong una akong nagpunta dito ma-awtoridad kasi iyong dati pero ngayon ay malambing na.

"Yes po, it's my pleasure" inalis na niya ang yakap sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"You're are beautiful inside and out" aniya at ngumiti sa akin.

Nagsidatingan naman sila Tito at mga kapatid niya at binati ako.

"Hi Venissa" niyakap din ako ni Tito. "Hey Son" yumakap din siya kay Spade.

"Hello po" bati ko naman din.

"Hi Achie" kumaway lang naman sa akin si Stout at naupo na siya.

"Hi Venissa" bati naman ni Kuya South.

Mas una rin talaga nila akong binati kaysa kay Spade. Naupo na kaming lahat at inihanda na sa hapag ang mga pagkain, ang dami naman halos busog pa ako sa breakfast namin kanina.

Nilagyan na ni Spade ang plato ko ng pagkain konti lang ang pinalagay ko kasi busog pa naman ako at nahihiya syempre.

"How have you been, Veniss?" tanong ni Tita, siya naman ang nagtatanong sa akin ngayon.

"Hmm okay naman po and i'm very happy" i honestly said.

"That's good and i'm sure mas happy itong si Spade" nakangiting sabi niya at tumingin kay Spade.

"That's right, Mom" napatawa naman sila at ako ay napangiti lang.

Medyo naaw-awkward pa ako kay Tita kasi naman nahihiya ako at alam ko naman na hindi naging maganda ang first meet naming iyon and it happened last year pa kaya dapat kalimutan na.

I never hated Tita for what she showed me before, mas naging dahilan pa nga iyon para ipaglaban ko si Spade at ipakita sa kanya na mahal na mahal ko talaga ang anak niya. She protected, Spade and her family kaya nga lang may mga bagay talaga na kahit ayaw nating mangyari ay mangyayari pa rin kasi iyon ang nakatakdabg mangyari at wala naman tayong magagawa.

Tinuloy naman namin ang pagkain habang nagchi-chikahan about Spade, sa amin or random things lang.

After the lunch naman ay nagpunta kami sa mismong tapat ng bahay nila, binago nila itong harapan ng bahay nila before ay walang porch swing ngayon ay meron na tapos naka-landscape na rin ito ang daming plants and orchards na nakatanim na paligid at ang linis niyong tingnan meron din table and chairs duon kami naupo pinalagay siguro ito if gusto nila magbreakfast sa labas or magcoffee break.

I Love Him, It HurtsWhere stories live. Discover now